"Ouch Story" Chapter 1 [Part 10] -Confession-

43 1 0
                                    

Nag-bye ako sa lahat nung nasa kubo nun, pero lang sa kanya, di ko alam kung napansin niya yun. Medyo galit ako sa kanya nun, tapos ka-text ko siya, tinanong ko siya kung bakit kasama niya si Cyrus. Sabi niya "Wala lang." Di ko inasahang isasagot niya yun, kasi sinusubukan ko lang siya nun, siya na mismo ang umamin dahil sinabi niyang "Wala lang." That means, kasama talaga niya si Cyrus, mas mabuti pa sana kung sinabi na lang niya na, "Hindi ko kasama si Cyrus." o kaya naman eh, "Si Aila yung kasama ko, nandun lang kami sa may likod ng school." Kahit mag-sinungaling siya eh, maniniwala pa sana ako. Pero hindi eh. Siya na mismo ang umamin.

Edi, bakasyon na nga, nag-bati na rin naman kami ni Lizelle, so yun, madalas ko nga siyang ka-text eh. At madalas ko rin siyang lokohin. Easy target kasi siya eh. ang daling lokohin. Pero nag-eenjoy ako kapag niloloko ko siya na may sakit ako, kasi concerned siya. Kahit bakasyon na, hindi naalis yung pagka-in love ko sa kanya. One time di ko na mapigil ang sarili ko, kaya yun, minsan sa text, sinabi ko sakanya to. 

"Lizelle... liligawan kita."-J

"Di ako magso-syota ngayong HS..."-L

"So that means pwede maging tayo?"-J

"Di nga ako magso-syota ngayong HS :)"-L

"Edi maghihintay ako..."-J

"Di ako nangangako sayo..."-L

"Basta maghihintay ako... Malay mo... Maging..."-J

Tapos yun, ilang days din nag-tagal ang mga usapan naming ganyan...

-Itutuloy-

"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon