So, in love na nga ako sa kanya. Wala kaming masyadong balita kay Cyrus, Si Owen naman, tuloy pa rin ang pagporma kay Lizelle, at naiinis na rin sa pagpapa-epal ni Owen ang iba kong kaklase na may gusto din kay Lizelle, kaya pag naggi-gitara siya, todo ingay kami ng mga kaklase ko para di marinig ni Lizelle yung inutugtog niya sa gitara. Pero matatag si Owen, at dahil nga sinabi ni Lizelle na di siya magso-syota, pinabayaan na lang namin ang pagpapa-epal na ginagawa ni Owen. Mabilis ang panahon nung second year kami, wala masyadong nangyari, pero mas naging close kami ni Lizelle, pag nga uwian eh, nakaugalian ko ng dalhin ang lunch box niya at ihatid siya sa baba, ang dami kasi niyang dala minsan, tapos pag on duty siya sa cleaners, hinihintay ko siya laging matapos mag-linis, at sabay nun kaming bababa. Mas naging close pa kami dahil sa scouting, kasi imbes na 5 days in a week lang kaming nagkikita 6 days na dahil may scouting kami kapag Saturday.
Tapos, nung birthday ulit niya, ilang beses ko siyang binati nun, bawat yata masalubong ko siya nun sinasabihan ko siya ng HBD. Naaalala ko rin nung magaroon ng Survival Camp at Crew Leader Training Course sa scouting, katabi ko pa siyang matulog nun, tapos lagi ko pa siyang nniloloko nun. Okay, sobra na tong pag-alala ko sa mga past events so dalin na natin to sa February part.
February na nga no? Sa part namang ito, medyo naka-close ko na si Cyrus kasi na-add ko siya sa FB by accident, so yun, naging friends kami at lagi ko siyang nakaka-chat about Lizelle. At pinaliwanag din niya ang sitwasyon nila ni Lizelle nun kaya di na ako galit sa kanya. Mabait naman pala siya pag nakilala mo na siya, pero di kami nag-uusap sa school, di ko alam kung bakit, as in sa FB lang kami may komunikasyon.
-Itutuloy-
BINABASA MO ANG
"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-
Teen FictionFirst Heart Break ba kamo? Noon iniisip ko di naman ganoon kasakit yun, di ko pa kasi naramdaman eh. Pero ngayon alam ko na ang sakit ng FHB. Basahin niyo ang story ko, para malaman niyo, kung pano ako umasa at nasaktan sa isang tao na minahal ko ng...