Akala ko yun na talaga ang last message ko sa kanya... pero hindi pala, nag-reply siya dun sa sinabi ko. Tapos di niya ako tinigilan hanggang di pa kami nagkaka-ayos Di ko siya matanggihan, kahit masakit sakin, tinanggap ko pa rin yung gusto niya. Ganun naman lagi eh, ako lagi ang nagpaparaya, lagi naman kasi ako ang may kasalanan eh. Nasanay na lang siguro ako sa ganito, kaya kahit nasasaktan ako, ayos lang. At nung oras ding yun ko nalaman ang ibig-sabihin ng "Sa paglunok ko sa PRIDE ko, kasabay naman nitong NAWAWASAK ang puso ko."
Oo nga, nawasak ang puso ko. Ang sakit nga pala talaga ng first heartbreak, so alam niyo na ngayon ang kwento ko, sorry kung nasayang ang oras ninyo sa pag-babasa nito, sad ang ending noh? Eto lang ang message ko, kung alam mong aasa ka lamang, please lang no? Tigilan mo na, ikaw rin ang masasaktan. As in MASASAKTAN KA TALAGA.
Ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay mag-hintay na mag-hilom ang bumukas na sugat sa aking puso, siguro, pag nangyari yun, handa na ulit akong mag-mahal, kasi naniniwala ako na trials lang ito.
-WAKAS
SALAMAT PO SA MGA NAGBASA (^__^)
BINABASA MO ANG
"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-
Teen FictionFirst Heart Break ba kamo? Noon iniisip ko di naman ganoon kasakit yun, di ko pa kasi naramdaman eh. Pero ngayon alam ko na ang sakit ng FHB. Basahin niyo ang story ko, para malaman niyo, kung pano ako umasa at nasaktan sa isang tao na minahal ko ng...