Nung bago kami sumayaw, nanghiram ng white t-shirt sakin si Lizelle, di pa rin niya binabalik yun, at di ko na kukunin sa kanya yun, tapos, binigyan ko rin siya ng panyo nun, pagka-tapos nun, uwian na, di ko na sila makikita, kasi, lilipat na ako ng school, medyo malungkot ako nun, pero mas nalungkot ako bigla pag-dating namin sa school. May nangyari kasi.
Akala ko, makaka-usap ko pa ng matagal si Lizelle, pero hindi, nawala siya bigla, kami naman hinahanap namin siya, tapos ulit, yung isang service sa school di pa rin umaalis, kasi daw may hinihintay pa, si Cyrus daw nawawala din, so dedma lang kami ng mga kasama ko, nag-laro pa nga kami nun eh, kasi ang lakas ng hangin, nag-papanggap pa kaming tinatangay nung hangin. Tapos, ang tagal na nilang nawawala, nag-start na akong mag-alala, ng konti. Tapos, si Cyrus daw wala pa rin, edi alam na namin ang ibig sabihin nun, magka-sama sila ni Lizelle, eh, sakto, nawawala din si Aila, yung bestfriend ni Lizelle, so magkaka-sama yung talong yun.
Pag-labas nilang dalawa nun, medyo napa-simangot ako, nandun ako nun sa isang kubo, kasi apat yung kubo dun, isang malaki tas tatlong maliit, yung tatlong maliit, magkaka-tapat lang halos yun, edi yun, nasa gitna ako, mag-isa lang ako nun kasi si Ken may kausap sa CP niya, tas yung mga first year na iba naman nandun sa isa pang kubo, dun sa kubong yun pumunta sila Aila at Lizelle. Tapos nun, dumating na yung sundo ko, yung lahat nung nasa kubo nun, nag-bye sakin, si Lizelle lang yung hindi, alam siguro niya na alam ko kung ano yung ginagawa niya nung nawawala sila. Pag-tayo ko nun, sinuntok ko yung table sa may kubo, di ko alam kung napansin nila yun, at di ko rin alam kung nasira yung table na marupok sa kubo...
-Itutuloy-
BINABASA MO ANG
"Ouch Story" -A Story Of A Broken Heart-
Teen FictionFirst Heart Break ba kamo? Noon iniisip ko di naman ganoon kasakit yun, di ko pa kasi naramdaman eh. Pero ngayon alam ko na ang sakit ng FHB. Basahin niyo ang story ko, para malaman niyo, kung pano ako umasa at nasaktan sa isang tao na minahal ko ng...