Chapter 1: My Stalker

1.9K 35 0
                                    

"Louise lumabas ka na diyan sa pinagtataguan mo. Kahit anong tago pa ang gawin mo, mahahanap pa rin kita. Wag kang mag-alala, di naman kita sasaktan. Alam mo namang mahal na mahal kita!" sigaw ni Carlo, yung stalker ko na obsessed na obsessed sa akin.

Ako nga pala si Katherine Louise  Miyamoto o mas kilala bilang Louise. Half-Japanese and half-Filipino ako. Pure Japanese kasi ang Papa ko at Filipina naman ang Mama ko. Nasa Japan sila ngayon, inaasikaso ang family business namin dun kaya mag-isa lang akong nakatira dito sa Pilipinas. At nasabi ko na bang isa akong sikat na model? Di naman sa nagmamayabang ako pero oo, sikat ako. Kaya nga ngayon hinahabol ako ng stalker ko. Hindi ko alam kung saan ako magtatago kaya takbo lang ako ng takbo. Nasa park ako ngayon at napapagod na sa kakatakbo kaya nagtago na lang ako sa mga puno. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero walang katao-tao. Gabi na kasi at umuulan pa. Nagtataka siguro kayo kung bakit gabing-gabi nasa labas pa ako. Galing kasi ako sa photoshoot. Pauwi na sana ako sa condo ng bigla akong hinarang ng Carlo na yun sa parking lot ng studio. Sa sobrang takot ko kumaripas ako ng takbo. Pati tuloy kotse ko naiwan ko. Halos dalawang taon na rin akong ginugulo ni Carlo. Nung una pinapadalhan niya lang ako ng mga loveletter at flowers hanggang sa lagi niya na akong sinusundan at ginugulo. Pinagbabantaan niya rin lahat ng lalaking lumalapit sa akin. Siya rin ang dahilan kung bakit palipat-lipat ako ng tinitirhan at pinapasukang school. Kaya nga nag-stop na lang ako. Lagi niya kasi akong sinusundan. Gusto ko ng normal na buhay. Kung alam ko lang na magiging ganito kamiserable ang buhay ko, sana hindi ko na lang ginustong matupad ang pangarap ko na maging isang sikat na model...

"Nandiyan ka lang pala Louise! Di mo na ako matatakasan.. Akin ka lang Louise, akin lang!!!"

"Carlo waaaaaaaaaaaaaaaagggggg!!!"

Bigla akong hinaltak ni Carlo sa braso. Nanlaban ako pero masyado siyang malakas. Hinawakan niya ako sa dalawang kamay at tinulak sa pader.

"Carlo please... Tigilan mo na ko!" sigaw ko habang umiiyak.

"Di naman kita sasaktan eh. Basta maging mabait ka lang."

Hahalikan niya sana ako pero bigla ko siyang sinipa sa tuhod. Masyado yatang napalakas ang sipa ko kaya napa-aray siya sa sakit. Makakatakas na sana ako mula sa kanya pero nagawa pa rin niyang hawakan ang binti ko. Sinuntok niya ako sa tiyan. Sobrang sakit... Ito na ba ang katapusan ko? Lord.. Tulungan Niyo po ako...

"P're, bitawan mo siya kung ayaw mong masaktan. Kalalaki mong tao pero nananakit ka ng babae," sabi ng isang lalaking hindi pamilyar sakin ang boses...

To be continued...

Faking My IdentityWhere stories live. Discover now