Chapter 8: My Guardian Angel

479 16 6
                                    

"Hnnnn..."

Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng aking paligid. Ano bang nangyari?

"Mabuti naman at nagising ka na."

Teka, pamilyar yung boses na yun.

"Lance?"

"Yeah, ako nga. Pero paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Ooops..

"Aa- ee-- napapanood kita minsan sa TV."

Okay, liar. Di mo nga alam na artista siya eh.

"Oh. Alright. Anyway, okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong nya sa akin.

Nakatitig si Lance sa'kin habang hinihintay ang sagot ko. Ang ganda ng mga mata nya. Parang kumikislap. And his lips.. Kissable! Omigosh. He's perfect. Let's emphasize the word. PERFECT.

"Um, Miss?" he interrupted.

Hindi ko namalayang matagal ko na pala syang tinititigan.

"Uh, yes?" I replied.

"You're drooling."

WHAT THE?! Oh gosh!! Oo nga. My mouth is literally covered with drool. Anyare sa'yo Louise?? Nakakahiya ka. >/////<

Dali-dali kong pinunasan ang bibig ko.

"Hahaha.."

Lokong 'to. Nakuha pang tumawa.

"Hey! Stop that," I protested.

"Okay, okay. My bad. By the way, I'm Lance Aaron Bautista. And you are Miss Louise Miyamoto, am I right?"

"Yup. Nice to meet you Mr. Bautista," I responded as I shook his hand.

"Just call me Lance," he smiled.

"Okay, Lance. Maiba ako, ano bang nangyari? Bakit nandito ako? At bakit may mga pulis?"

"Teka, isa-isa lang.. A'right, I saw you being carried by a suspiscious man. I know that something was up so I followed him. Nung nakita kong itatakas ka na nya, I knocked him down and, tadah! There you go, safe and sound." he said then smirked.

"Wow. Parang action movie lang," sabi ko.

"Yeah. I know," he said with a big grin.

"Thanks for saving me. I owe you one."

"Nah, don't mention it."

"LOUISE!!! What happened, my dear??" narinig kong sigaw ni Ms. Lily habang papalapit sa akin.

"Hindi ko rin nga po alam."

"Thank goodness you're safe."

"Kung wala po si Lance, hindi ko alam kung ano na yung nangyari sa akin ngayon."

"Oh, thank you, Lance. Parang tunay na anak na ang turing ko kay Louise. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung may nangyari sa kanyang masama," sabi ni Ms. Lily.

Aww.. Ang sweet. :)

"Ginawa ko lang po ang tama," tugon ni Lance.

"How can we repay you for that good deed?" Ms. Lily asked.

"Wala po. Hindi po ako humihingi ng kapalit."

"Ganito na lang, I'll throw a barbecue party tomorrow afternoon. Pumunta ka. Parang pagpapasalamat ko na rin sa pagligtas mo kay Louise. Di ba, Louise?" Ms. Lily winked at me.

"Uh, yeah. That would be great. Aasahan ka namin," nakangiting sabi ko kay Lance.

"Okay. Sure thing." *smile*

Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Pero isa lang ang alam ko. Lance is my "guardian angel". ♥

                                         * * * * ♥ * * * *

Someone's PoV

Hindi pa ako tapos sa iyo, Louise. Hindi ako titigil hangga't nabubuhay ka pa. Sa susunod, sisiguraduhin kong hindi ka na makakaligtas. . .

To be continued...

(A/N: Sorry kung super duper ultra mega late update. :D Sobrang busy kasi sa school. Pero promise bibilisan ko na ang pag update. Sana subaybayan niyo pa rin. Thanks! ♥)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Faking My IdentityWhere stories live. Discover now