May isang anghel na pinadala si Lord para tulungan ako. ♥
"P're, bitawan mo siya kung ayaw mong masaktan. Kalalaki mong tao pero nananakit ka ng babae."
"Wala ka nang pakielam dun!" hiyaw ni Carlo sabay suntok sa lalaki pero nasangga niya ito.
"Inuubos mo ang pasensya ko," sabi ng lalaki at biglang sinuntok si Carlo sa mukha.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nakita ko na lang si Carlo na nakahandusay sa lupa.
"Miss, okay ka lang ba?" tanong nung lalaking tumulong sakin.
Di ko maaninag ang mukha niya. Nanlalabo ang paningin ko...
"Sa--Salamat..."
Yun lamang ang nasabi ko at bigla na lang nandilim ang aking paligid...
* * * * ♥ * * * *
One week na ang nakalipas simula nung insidenteng yun. Nasa condo ako ngayon, nag-iimpake ng gamit. Lilipat na naman ako ng titirhan. Napagdesisyunan ko na ring mag-quit bilang model. Para matahimik na ang buhay ko.
"Best, sure ka na bang magku-quit ka na sa pagiging model mo?" tanong sakin ni Nica, ang nag-iisang bestfriend ko. Yep, she's my bestfriend since kindergarten. Lagi siyang nandiyan para sa akin.
"Oo Best. Sure na ko. Ayoko nang mangyari ulit sakin yun. Gusto ko ng normal na buhay."
"Eh sa tingin mo ba titigilan ka na ng Carlo na yun kapag di ka na model? Hello?? Walang magbabago."
May point si Nica. Guguluhin pa rin ako ni Carlo kahit saan pa ko magpunta.
"Anong gusto mong gawin ko? Buti nga niligtas ako nung guy sa park. Kundi baka nakaburol na ko ngayon."
"OA ka naman Best! By the way, gwapo ba yung savior mo?" nakangising tanong ni Nica.
"Di ko masyadong nakita yung mukha niya eh. Nawalan na rin kasi ako ng malay. Ang naaalala ko lang sa kanya may suot siyang silver necklace na may cross na pendant. Sayang di ko man lang nalaman yung name niya. Sana makita ko siya ulit ng makapagpasalamat ako ng maayos."
"Oh balik tayo sa pinag-uusapan natin. Wag ka nang mag-quit. May naisip akong idea para matahimik na ang buhay mo kahit na nasa modeling industry ka," Nica said with a smile.
"At ano naman yun??"
"Magdisguise ka."
"What do you mean by that?" tanong ko sa kanya. Medyo naguguluhan ako.
"Magpanggap ka na ibang tao. That's what I mean."
"Are you crazy? Why would I do that??"
"Akala ko ba gusto mo ng normal na buhay? Pag nagdisguise ka bilang isang ordinaryong babae, edi wala nang magkakainteres sayo. Di ka na rin makikilala ni Carlo. Basta galingan mo lang ang pagdidisguise mo."
"Oo gusto ko ng normal na buhay but... Is that really necessary?" napakunot ang noo ko.
"Suggestion ko lang naman yun. Kung ayaw mo edi wag."
Nalilito ako. Kailangan ko ba talagang magpanggap na ibang tao para lang makatakas kay Carlo? Hayy..
"Okay, okay. Gagawin ko na. Magdidisguise na ko. Kung eto lang ang paraan para lubayan na ko ni Carlo."
"Don't worry Best. Nandito naman ako lagi para sa'yo. Saka di mo naman kailangang mag-disguise all the time. Pag nasa labas ka lang."
"Thanks Best," sabi ko sabay akap sa bestfriend ko.
"No problem. Osiya, di na ko makahinga."
"Haha. Sorry. Nga pala, papayag kaya si Ms. Lily sa pagdidisguise ko?"
Si Ms. Lily ang manager ko. Parang nanay na rin ang turing ko sa kanya. Kaya "Ms." pa rin siya kasi wala siyang asawa pero 45 years old na siya. Bata pa rin naman. Haha.
"Pumayag na siya. Actually nagkausap kami kanina at nagustuhan naman niya ang suggestion ko. Tutulong nga rin siya para sa pag-iiba mo ng pangalan." sabi ni Best.
"Kailangan ko rin bang ibahin ang pangalan ko?"
"Aba syempre. What's the use of having a disguise kung wala kang ibang pangalan."
"Ganun. Sige, simula ngayon ako na si Nancy Yamamoto," sabi ko.
"Ang bilis mo namang mag-isip ng pangalan."
"Yun kasi yung unang sumagi sa isip ko." *wink*
"Haha. Kaw talaga Best. Oh ano, sisimulan na ba natin ang transformation mo?"
"Yup. Let's do this," nakangiting sabi ko.
Di ko alam kung magwo-work itong plano na to. Pero umaasa akong makakawala na ko mula sa panggugulo ni Carlo sa buhay ko...
To be continued...
![](https://img.wattpad.com/cover/1411620-288-k121544.jpg)
YOU ARE READING
Faking My Identity
RomansAnong gagawin mo para makatakas sa isang taong ginugulo ang buhay mo? Meet Louise, isang sikat na model na nagulo ang buhay dahil kay Carlo, ang stalker niya na ginagawa ang lahat para lang maangkin siya. Para makatakas sa problema niya, nagdisguise...