Chapter 5: Party

479 11 3
                                    

Ang bilis ng araw. Saturday na agad ngayon. Anyways, wala namang masyadong mga importanteng kaganapan sa school namin. Linubayan na ako ni Cindy at Leslie. Bakit kaya? Well, I don't care. At least wala nang umaapi sa akin

Nasa apartment lang ako ngayon. Bored na nga ako eh. Gusto kong mag-shopping kaso wala akong kasama. Busy kasi si Nica sa work niya bilang fashion designer. Si Lauren naman may pupuntahang meeting ng mga class presidents. Nakakalungkot naman ang buhay ko. Mag-isa. :(

*ring*

*ring*

*ring*

May tumatawag sa telepono. Sino kaya yun?

"Hello?" tanong ko.

"Louise, this is Ms. Lily. May naka-schedule kasi na party ang Chic Magazine mamayang gabi sa Heritage Hotel. And we need you there at 10 pm. Wag kang malate ha. Papasundo na lang kita sa driver ko para safe kang makarating dun."

"Eh bakit ngayon niyo lang sinabi? Di tuloy ako nakapaghanda ng isusuot ko."

"Don't worry dear. May pinadala na akong damit diyan. Goodbye dear, see you later."

Si Ms. Lily talaga. Rush lagi.

                                             * * * * ♥ * * * *

Lance's PoV

Bakit ba kasi nasama pa ako sa party na yun? Ayokong uma-attend sa mga ganun. Mas gusto ko pang matulog maghapon sa bahay. Puro mga celebrity lang naman ang mga nandun. And those freakin' reporters na walang ginawa kundi mangielam ng buhay ng may buhay. Sino bang nagsabing madaling maging artista?

Papunta na ako sa venue ng party. Kung di lang ako pinilit ni Dan, di talaga ako pupunta dun. By the way, Dan is my bestbuddy. We have many things in common. He's an actor like me at kilala bilang playboy. Yun lang ang pinagkaiba namin. Di ako yung tipong nakikipaglaro pagdating sa pakikipagrelasyon.

Biglang tumunog ang phone ko. Si Dan.

"What's up Bro?" sabi ko.

"What's up??? What the heck.. Nasaan ka na ba?! Bagot na bagot na ako dito. Bilisan mo naman Bro!"

Yep. That's him. So childish.

"Chill Bro. Malapit na ako. Maghanap ka na lang ng chicks diyan para di ka mainip."

"That's the problem dude! There's no chicks right here. Wala akong matipuhan."

"Bahala ka nga diyan. Ge na, I'm out."

I ended the call. 

Nakarating na ko sa Heritage Hotel. Pina-park ko na ang kotse ko at pumunta na sa loob.

"Lance, ang tagal mo naman. Tinubuan na ako ng ugat dito," sabi sakin ni Dan na nakatayo sa harap ng pintuan.

"I told you, ayokong umattend sa party na yan. Pinilit mo pa ko."

"Stop complaining. Tara na sa loob."

Nagpunta na kami sa loob ng hotel kung saan ginaganap ang party. Tulad ng inaasahan, maraming celebrities na nagpunta para sa 25th anniversary ng Chic Magazine. Umupo kami ni Dan sa table na nakareserve para sa amin.

"Dude, tumingin ka sa kanan mo," sabi sakin ni Dan.

"Oh tapos?"

"See that girl wearing a white dress?"

"Yeah. So what?" I said, puzzled.

"I like her."

"Edi lapitan mo. Naubusan ka na ba ng pick-up lines at kailangan mo pang sabihin sa akin?"

"Hindi sa ganun. Di mo ba siya kilala? Siya yung sikat na model na hinahangaan ng lahat ngayon. Tingnan mo naman. She's gorgeous."

Tiningnan ko ulit yung babaeng tinuro sa akin ni Dan. Maganda nga siya. At mukhang simple lang. Di tulad ng ibang babae na kung ano-ano pang kaartehan ang nalalaman. Teka, parang--

Louise's PoV

Hala! Anong ginagawa ni Lance dito??! Namukhaan niya kaya ako? Baka nabisto niya na ang pagpapanggap ko.. Kanina pa kasi siya tingin ng tingin sa akin. Sila nung kasama niyang guy. At parang pinag-uusapan nila ako. Relax Louise. Kunwari di mo sila nakikita. Umiwas na ako ng tingin. Nakipag-usap na lang ako sa mga taong nakapaligid sa akin para di ko na problemahin si Lance. Infairness, he's so handsome in that suit. :">

"NANCY?? Is that you??"

Narinig kong nagsalita sa likod ko. Bistado na ba ako? Hala.. Patay.

To be continued...

                                                       ******

(a/n: Sorry guys, boring ang chapter na ito. Bawi na lang ako sa next chapter. Sana pagpatuloy niyong basahin ang story na ito. Pakivote na rin. Thanks.)

Faking My IdentityWhere stories live. Discover now