Chapter 3: He called me NERD

594 17 3
                                    

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!! Anong nangyari sa hitsura ko?? Bakit ganito Best? Kailangan ko ba talaga ng glasses?" sabi ko kay Nica habang tinitingnan ang mukha ko sa full length mirror sa kwarto ko.

(a/n: Louise's new look at the right.)

"Okay naman ah. Cute ka pa rin naman," sabi ni Nica sabay tawa.

"I look like a nerd," I pouted.

Totoo naman kasi. Feeling ko ang panget ko na. Oo nga pala, nakalipat na ako sa bago kong titirhan. Nagrent na lang ako ng apartment yung malapit sa school na papasukan ko para di hassle. Ngayon magsisimula na kong mamuhay ng normal. *smile*

"Eh Best, di mo naman ikamamatay yang new look mo nu. Relax. Everything's gonna be alright. Nga pala, naayos na ni Ms. Lily yung mga kailangan mo sa pagpasok mo sa bago mong school bukas. And remember, ikaw na ngayon si Nancy Yamamoto," paalala sakin ni Best.

"Okay. I'll remember that."

Kinabukasan...

Papasok na ko sa gate ng school. Nahihiya talaga ako sa new look ko. Hayan tuloy pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Yung tipong stay-away-from-us look. Ganun na ba talaga ako kapanget sa paningin nila? Haaayy... Papasok na ko sa classroom nang may dalawang babaeng humarang sakin. Kung titingnan mabuti parang sila yung bitches ng school. Naku away yata to.

"Look at the new student, Leslie. She's so ugly. Eew!" sabi nung isa habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Sinabi mo pa Cindy," sabi naman nung isa.

Nakakairita na tong mga babaeng to. Kung makalait kala mo kung sinong kay gaganda. Mukhang paa naman! Patience Louise. Patience...

"Look, I'm new here and I don't want to have enemies on my first day. Sorry but can I come in now?" sabi ko sa kanila. Naintindihan naman kaya nila? Haha..

"Tingnan mo itong nerd na ito. Sasagot pa eh!" sabi nung Cindy tapos bigla akong tinulak kaya napaluhod ako. Nagkalat yung mga dala kong books. Pupulutin ko na yung mga books nang biglang tinapakan nung Leslie ang mga gamit ko.

"Ooops.. My bad. Haha!" sabi pa niya.

Nakakabwisit na yung mga pinag-gagagawa nila. Wala naman akong ginawa sa kanila ah. Susugurin ko na sana sila ng may biglang nagsalita.

"Tigilan niyo na nga yan. Wala namang ginagawa yung tao sa inyo!" sabi ng isang babae.

"Yeah right. Tara na nga Leslie. Iwanan na natin ang mga losers na yan," sabi nung Cindy.

Pasalamat sila may dumating kundi baka sinubsob ko na sila sa sahig. Tsk tsk tsk..

"Wag mo na lang pansinin yung dalawang yun. Wala nang pag-asang tumino yun," sabi nung girl.

"Okay lang. Salamat nga pala," sabi ko habang pinupulot ang mga gamit ko sa sahig.

"Di pa kita nakikita dati ah. Bago ka lang ba? Oh, by the way, I'm Lauren Santiago the president of this class," inabot niya sakin ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Hajime mashite. I'm Loui-- err-- Nancy.. Nancy Yamamoto," sabay shakehands. Muntik ko nang masabi totoo kong pangalan.

"So Japanese ka pala. Uhm, nong hajime mashite??" tanong niya.

"Half lang. Hajime mashite is the japanese for nice to meet you. Sorry. Nasa Pilipinas nga pala ako," natatawang sabi ko.

"I like your sense of humor. Haha. Let's be friends."

"Sure. Thanks." I smiled.

Yay my bago na akong friend! Haha.. Pumasok na kami sa classroom. Umupo ako sa tabi ni Lauren. Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas dumating na rin ang teacher namin. Sana wag na niya akong ipakilala sa harap ng buong klase. Nawala na ang self-confindence ko dahil sa nerdy look ko.

"Good morning class! Sorry I'm late. Before we start our class I want to introduce your new classmate. Miss Nancy Yamamoto, please introduce your self in front of the class," sabi ni Sir.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pumunta na ako sa harap at nagpakilala. Lahat sila nakatingin sa akin.

"Ohayo (Good morning)! I'm Nancy Yamamoto. 16 years old. I'm half-Japanese and half-Filipino. Nice to meet you everyone," pagpapakilala ko.

"Okay, thank you Miss Yamamoto. You may have your seat now."

Dali-dali akong pumunta sa upuan ko. Narining ko si Cindy na nagsabi ng "freak" nang magdaan ako sa upuan niya. Di ko na lang pinansin para walang away.

"Okay class, our lesson for today is--"

Biglang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang nagbukas nito at pumasok sa room. Classmate ko rin ba to? Ang gwapo niya naman. :")

"Sorry I'm late," sabi niya.

Biglang nagtilian ang mga babae. Hala? Anong meron?? Artista ba? OA naman silang magreact.

"Okay lang. First day mo pa lang naman. Basta wag ka nang uulit. By the way class, aside from Miss Yamamoto, we have another tranfer student. Mr. Lance Aaron Bautista. Alam kong kilala niyo na siya dahil sa mga palabas niya sa mga TV shows. Pero Mr. Baustita, please introduce yourself."

"Hi guys. I'm Lance Aaron Bautista. 18. Nice to meet you," pagkatapos niyang magpakilala bigla na lang siyang umupo sa bakanteng silya sa tabi ko.

Lumakas pa ang tilian ng mga babae. So sikat pala talaga to. Kaso parang suplado. Hmph.. Yamu na nga siya. Wala akong pakielam sa kanya kung sikat siya o ano.

Pagkatapos ng klase namin nagpunta kami ni Lauren sa canteen. Nagugutom na kasi ako. Bumili ako ng iced tea and chicken sandwich. Pwede na to. Papunta na ako sa table kung nasan si Lauren ng bigla akong nadulas. Aww.. Clumsy talaga.

"Ano ba namang katangahan yan??!"

Ooops.. May natapunan ako ng iced tea. Hala.. Tiningnan ko ang natapunan ko.. Si Lance pala.

"So--Sorry-- I-"

"Stay away from me. NERD," sabi niya habang lumalakad palayo sakin..

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya kaya sinugod ko siya.

To be continued...

Faking My IdentityWhere stories live. Discover now