Chapter 6: Blackout!

416 11 0
                                    

(a/n: Sorry guys, super late update. Masyado kasing busy sa school. Sana po magustuhan niyo.)

Read, Vote and Comment. :)

                                                     *****

"Nancy, is that you?"

Bigla akong nanlamig. Bistado na ba ang pagpapanggap ko??

Nilingon ko ang taong nagsalita.

Oh gosh, I'm safe! Di pala ako ang "Nancy" na tinutukoy niya kundi ang isang babaeng mga mid-forties na nakaupo sa gilid ko.

Masyado lang akong napa-paranoid dahil nandito rin si Lance sa party..

Inalis ko na sa isip ko si Lance at nagpatuloy sa pakikipag-usap sa mga taong nasa paligid ko. Ilang sandali lamang ay nagsalita ang isang lalaki sa harap ng stage.

"Good evening ladies and gentlemen! Thank you for attending the 25th anniversary celebration of Chic Magazine..." sabi nung speaker sa harap.

Tumahimik ang mga taong kanina ay nag-uusap at ngayon ay nakikinig sa nagsasalita.

"And now, I'd like you to meet the new cover girl of Chic Magazine's next month issue. The one of the most famous teenage idol today, the beautiful Ms. Louise Miyamoto."

Biglang tumapat sa akin ang spotlight at nagpalakpakan lahat ng guests.

Teka, ako??! As in, AKO?! Bakit di ko yata alam 'to? Si Ms. Lily talaga kahit kailan. Full of surprises.

Naglakad ako papunta sa harapan para magpasalamat.

"First of all, I'd like to thank Chic Magazine for giving me the opportunity to be their next cover girl. It's an honor to be a part of--"

Natigil ako sa pagsasalita. Bigla kasing namatay ang mga ilaw. Sobrang dilim. Wala akong makita.

Nagsimulang mag-ingay ang mga tao.

"Wag po tayong mag-panic. Kasalukuyan na pong inaayos ang main power source ng kuryente," paliwanag ng isang lalaki.

Sampung minuto na ang nakalipas at di pa rin naaayos ang supply ng kuryente. Unti-unti nang nagkakagulo ang mga tao.

Naiinip na rin ako. Gusto ko nang umuwi! >_<

Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Masyado kasing madilim kaya di ko makita ang daanan. Kinuha ko na lang ang phone ko para maglaro ng kahit anong pwedeng laruin. Ng biglang may naramdaman akong tumama sa batok ko. Sobrang sakit... Anong-- nangyari...

*blog*

Lance's PoV

Ano ba naman 'to? Nawalan pa ng kuryente. Tsk. Tsk. Tsk.

Hinanap ko si Dan para magpaalam na uuwi na ko pero hindi ko siya mahanap sa dami ng taong nagkakagulo. Napagpasyahan kong lumabas na. Maiintindihan naman ako ni Dan.

Agad kong nakita kung nasaan ang exit. May night vision kasi ang mata ko. Haha! Just kidding. Tinandaan ko kasi kanina kung saan ako lalabas.

Buti na lang at may dala aong maliit na flashlight. Boyscout kasi ako. Laging handa. Hehe.

Nang makalabas ako sa hotel, pumunta na ako sa parking lot. Pero bigla akong nahinto sa paglalakad nang may nakita akong aninong gumalaw. Tao ba yung nakita ko? O namamalik-mata lang ako? I glanced again to where I saw the shadowy figure. Pero wala na.. Dala lang siguro 'to ng antok. Makauwi na nga. Pero imbis na pumasok ako sa kotse ay pinuntahan ko pa rin kung saan ko nakita ang anino. Umiral na naman ang curiousity ko.

Walang tao sa paligid. Sobrang tahimik.

Teka nasaan na ba ko? Bakit puro puno dito? Gubat na 'ata ito.

Nagulat ako sa nakita ko. May isang lalaki na may bitbit na babaeng walang malay at mukha itong hindi mapagkakatiwalaan. Sandali lang...

Yun yung model kanina sa party! Bakit siya buhat nung lalaki?!

To be continued...

Faking My IdentityWhere stories live. Discover now