ANDY POV
(Super short lang ang POV ni andy)
Anong ginagawa dito ni Blue?! Nagulat nalang kami na pagbalik ni sam ay kasama na niya si blue..
"What are you doing here?" Tanong ko sakanya
"May hahanapin ako , alam mo na kung sino yun" sabi niya
Awww! Yung Ex niya , may nakuha na siyang details about sa ex niya? Bat naman di niya sinabi saken? Baka naman nagtext siya , kasi naman kinuha nila ate sofia phone namen eh bawal mag phone ngayon.
"Really?! Sana mahanap mo siya... Tara kain ka!" Anyaya ko
"No thanks , busog pa ako uhmmm andy kita tayo mamaya I need something to tell you.." Sabi niya saken wala naman masyadong nakakarinig kasi medyo malakas ang music eh.. Tska katabi ko siya
DEE POV
ABA! hanggang dito sinusundan kami nitong si Blue! Nakakasira naman ng saya! Hindi namin maeenjoy kasama si andy kasi lagi na yang kasama si Andy! Bat pa kasi sumunod yan! Kakabadtrip! Kung andito lang talaga erika! Tekaaaa! Speaking of erika kamusta na yun? Di ko kasi matawagan para kamustahin kinuha ni ate sofia ang mga phone namin. Ewan ko kung bakit!
Napansin kong nakatingin lang si sam sa dalawa na nag-uusap may gusto ba tong si sam kay blue? Mukha sa mukha niyang nag seselos. Agad akong tumabi kay sam ... Wala eh OP ako sa dalawang to!
"Hoy sam!" Sabi ko at halatang nagulat naman tong babaeng to
"Oh bakit?" Sabi ni sam
"May gusto ka kay blue no?" Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak ng medyo malakas
"Noo wayyy!!!!!!!!" Sabi niya
Sus! Nagsisinungaling pa to!
"Di nga? Kitang kita na nga sa mukha mo!" Sabi ko
"Ewan ko sayooo! Tse!" Sabi nito
"Alam mo sam kung gusto mo si blue sabihin mo kay andy! Para di na siya magpaligaw sa ugok na yun para ikaw na ligawan!" Ani ko
"Sana nga ganun kadali sabihin yun dee.." Sagot niya
"Bakit? Eh kay andy mo'naman sasabihin at hindi kay blue eh..."
"Kaya nga! Malay mo sabihin niya kay blue , syempre tatanungin ni blue si andy kung bakit ayaw na niyang magpaligaw.. Tas ayun! Sasabihin niya tas ito ako mapapahiyaaaaa! Huhuhuhu!" Sabi niya grabe siya sumubsob ba naman sa balikat ko! Inlove talaga to!
"Ah pare alis na ako.." Naramdaman ko tumunghay na si sam sa balikat ko ng marinig niya yung boses ni blue
Hindi ako nagsalita tumango lang ako at medyo ngumiti
"Sam Alis na ko." Paalam ni blue kay sam
"Ah sige ingat ka! Byee!" Biglang nabuhayan si Sam ... Inlove nga ito! Hahha!
"Ah sige ingat ka! Byeeee!" Pang gagaya ko kay sam na kunwari babae ako
"Ihhhh! Asar ka talaga deee!!!" Medyo nag blublush na si sam ahahha kinikilig ang ate niyong sam hahahaha!
"Anong meron?" Mukha atang napansin na ni andy kami ni sam
"Ahhh wala Andy! Nangiinis lang to si dee! " sagot ni sam kay andy
Sus! Umiiwas!
"Daya niyo!" Sabi ni andy
Nagtampo na ang bata! Hahahaha
"Kami pa madaya? Bilisan mo na kumain hinihintay ka na yata ni blue sa tagpuan niyo.." Sabi ko
Takte! Bat lumabas yun sa bibig ko!? Mukha akong nag seselos p*ta! Biglang napatingin sakin si Sam , na parang sinasabi na "yieee selos!" Parang siyang hinde! Hahahahha!
BINABASA MO ANG
You And I
FanfictionMay pag- asa pa bang magkagusto sayo ang turing lang sayo ay kaibigan? ? May chance bang maging kayo? O talagang di kayo para sa isa't - isa... PARA MALAMAN! PLEASE READ MY BOOK! ?? #YouAndI #Andy #Dee