Hanggang ngayon di ko alam paano sasabihin ko kay Dee . This past few days medyo naiwas ako kay Dee , pag lagi niyang tinatanong bat laging saglit lang kami nalabas , lagi kong sinasabi madami akong ginagawa buti nalang naniwala si Dee! Phew!
"Andy.." napalingon ako sa tumawag sakin , nasa library kasi ako ngayon tinatapos ko ang portfolio ko.
"Bakit nanaman ba?" Pabulong kong sabi sakanya , haysss! Isa pa tong problema oh!
"Pwede ba tayo mag-usap?" Sabi ni blue at umupo siya sa harapan ko
"Busy ako blue , tska wala na tayong dapat pag-usapan pa . Nasabi ko na lahat lahat sayo!" Sabi ko at agad ko kinuha lahat ng gamit ko sa lamesa at tumayo at umalis na , nagulat nalang ako na may humila sakin .
"Please!" Pabulong niyang sabi
"Blue ano ba?! Wag dito nakakahiya ang daming tao!" Sabi ko , oo madaming tao sa library mag eexam na kasi.
At tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at umalis na ako. Pero di ko napansin na sinundan niya pala ako.
"Ano ba?! Tama na! May boyfriend na ko!! TUMIGIL KA NA!" Di ko namalayan napalakas ang boses ko kaya nagtinginan samin ang nga studyante , kaya napatakbo ako sa sobrang hiya ko.
Anuba! For sure pinag-uusapan na ko ng ibang studyante! Kasi naman ting si Blue napaka kulit inexplain ko na naman lahat sakanya tas mangungulit pa!
"Andy ayos kalang?" Nagulat naman ako sa humawak sa balikat ko kaya napalingon ako , si Dee pala
"Ah oo , bakit nandito kapa? Tapos na ba klase mo?" Tanong ko sakanya
"Bat hingal na hingal ka?" Nagtataka niyang tanong ni Dee
"Ah eh kasi ...." Shet anong idadahilan ko mga bessy!! Wala akong maisip!!!
"Eh kasi? " Tanong niya ulit .
Isip isip isip!!
AHA!
"Kasi lumabas ako ng campus tas dinumog ako ng nga fans ko kaya nagtatakbo ako hehehe!" Pag sisinungaling ko sakanya
"Ah ok sige tara na uwi na tayo." Sabi ni Dee
Phew! Buti nalang!
"Sa susunod wag kang lalabas na di ako kasama." Dagdag ni dee at napakapit naman ako sa mga braso niya
Nasa kotse na kami ngayon , di ko paden alam paano sasabihin ko kay Dee eh! Haysss! Pero parang ito ang time para masabi ko sakanya
"Dee?" Sabi ko napatingin ako sakana at nakatingin naman siya sa daan .
"Bakit?" Sagot niya
Sasabihin ko baaaaa?!!!!!
Kailangan andy! Go push!
"Ano kasi eh...pupunta t-alaga ako sa l-ondon... D-ahil may shoot kami dun." Dahan dahan kong sabi ko sakanya ... OMG!!!!
"What?! Ilang months ka mawawala?" Tanong niya medyo galit boses nan! Shete!
"Hindi ko pa alam , tska wala pa naman date kung kailan." Mahinahon kong sabi
Napakamot siya sa batok niya at nagsalita ulit.
"Mapipigilan ba kita?! Tska diba saglit lang yun?" Nabuhayan ako sa sinabi niya
"Oo saglit lang talaga yun!" Sabi ko saknya na may ngiti sa labi.
"Ok sige , if you want ihahatid kita dun or mas maganda kung sumama nalang ako sayo." Suggest ni Dee sakin
"Pano studies mo? Tska hindi ka i e'excuse ng mga prof mo . Wag mo na ako samahan hanggang sa matapos ang shooting namen , ihatid mo nalang ako dun." Nakangiti kong sabi sakanya
Parang sa mall lang ako pupunta kyng magpahatid ako no?! HAHAHA! Well mayaman naman talaga sila Dee kaya kahit kailan o kahit saan nila pumunta ay nakakapunta sila .
"Ok sige , but alam mo na hindi ako papayag na dun ka mag-aaral ha!" Sabi niya pero nginitian ko lang siya
Siguro hindi ko nalang ieeffort yang portfolio ko para hindi ako mag-aral dun , yun ang gusto ni Dee eh. Tska parang di ko den kaya wala siya .
...
Habang nag dradrawing ulit ako sa portfolio may kumatok sa kwarto ko kaya agad ko naman ito binuksan.
"Ah Ms. Andy may bisita po kayo sa baba." Sabi ng katulong namen sa bahay.
"Ok sige po , pakisabi nalang po na pababa na ako." Sabi ko at pumasok ulit ako sa kwarto para ayusin ang sarili ko .
Sino kaya tong bisita na to? Gabi na eh! Well 8:00 pm palang naman hahahah!
Pagbaba ko naaninag ko ang isang lalaki , familliar siya sakin ... Haysss si Blue to! Bat naman siya napadpad dito sa bahay namen? Ang layo kasi ng condo niya dito sa bahay namen .
Tumuloy na ako sa pagbaba ng hagdan , at lumingon naman siya sakin.
"Bat ka nandito blue? Gabi na ah." Sabi ko sakanya
"Ayaw mo kasi makipag-usap sakin sa school eh. Kaya dito nalang ako pumunta" sagot nito.
"Oh gabi na ang manliligaw mo ah." Nagulat ako na may nagsalita sa may pintuan si Papa pala . Himala umuwi siya dito.
"Pa! Di ko siya manliligaw at kami ni Dee , mag papaligaw pa ba ako?" Paliwanag ko kay Papa pero ngumiti lang skya sakin
"Biro lang. Diba siya yung pumalit na escort mo sa debut mo?" Sabi ni Papa mag sasalita na sana ako ng biglang nag salita si blue
"Ah opo sir ako nga po yun. Kaibigan po ako nila Andy." Sagot naman ni Blue kay papa..
"Ah salamat sayo at nandun ka kung hindi walang escort tong anak ko." Sabi ni papa.. Well thankyou nga dahil andun siya .
"Ah! Sige po pa hahatid ko na siya sa labas." Dun na lang kami mag-uusap dami kasing tanong ni Papa eh!
"Oh siya sige" sabi ni Papa at agad naman ko naman hinila si Blue papalabas. Nasa gate na kami at tumayo si Blue sa harap ng kotse niya
"Nabanggit mo sakin na may gusto sakin si Sam , simula bukas di na ako papasok sa school dahil mag preprepare ako sa bagong project ko . Paki sabi nalang kay Sam na sorry di ko napansin ang feelings niya sakin at di ko na siya naka-usap bago ako umalis . I don't know kung anong sasabihin ko sakanya nahihiya kasi ako sakanya . Biruin mo kasama ko siya ng ilang araw sa bora with my ex ok lang sakanya. Kaya ako sayo pumunta kasi para masabi sayo na papalayain na kita at titigil na ko. Thankyou for everything Andy . And I'm sorry . " Sabi niya sakin ... Nagulat ako sa lahat ng sinabi niya sakin ..
"San kaba pupunta?" Tanong ko sakanya
"May project akong gagawin sa ibang bansa , pagtapos nung project na yun ay mag stay na ako dun samin." Sabi niya sakin.
"Ahh ganun ba? Sige sasabihin ko kay Sam yun. Pero sure ako malulungkot yun" sabi ko sakanha
"Kaya nga eh , gusto ko sana siya kausapin pero di ko alam sasabihin sakanya . Sasabihin ko sakanya na hindi ko siya gusto? Ganun? Eh di lalong masasaktan yun diba? Kaya aalis na ko para maka move on na siya sakin tska maka move on naden ako sayo." Paliwanag ni Blue . Tama naman siya , sige support ko nalang siya
"Tama ka naman , sige ingat ka tska congrats sa new project! Hope to see you again!" Nakangiti kong sabi sakanya
"Sige aalis na ko andy , gabi na kasi." Sabi niya sakin
"Sige ingat ka!" Sabi ko sakanya , nabigla nalang ako ng bigla akong niyakap ng mahigpit si blue , kaya niyakap ko nalang den siya .
"Sige na blue! Salamat." Sabi ko at tuluyan nang sumakay si Blue sa sasakyan niya at pumasok na ako sa bahay namen.
Hayss! Di ko alam paano to sasabihin kay Sam for sure malulungkot yun .
___________________________________
VOTE VOTE
BINABASA MO ANG
You And I
FanfictionMay pag- asa pa bang magkagusto sayo ang turing lang sayo ay kaibigan? ? May chance bang maging kayo? O talagang di kayo para sa isa't - isa... PARA MALAMAN! PLEASE READ MY BOOK! ?? #YouAndI #Andy #Dee