Chapter 44

192 9 8
                                    

"Talaga?! Anong sabi ni Blue?!" Oo nga pala kasama ko si Sam at kunuwento ko yung nagkausap kami! ANONG SASABIHIN KO NA AKO PADEN ANG MAHAL NIYA!? NO NO NO! Mali!

"Ah S-sabi niya kamusta ka daw?" Pagsisinungaling ko , di na ako makatingin kay Sam eh! Hay nako dapat mainlove talaga si Blue kay Sam!

"Talaga! HAHAHA! Medyo di ko na kasi siya nakikita kasi naging busy ako." Sagot ni Sam sakin na may ngiti sa mga mata niya.

"Good yun dapat siguro mag focus ka muna sa studies mo. Diba?" Sabi ko kay Sam

"Siyempre masarap mag aral pag may inspiration! Hehehe!" Sabi nito na sobrang lapad talaga nang ngiti niya!

"Hahaha tama ka nga diyan. Hehehe sige Sam aalis na ko ha may gagawin pa kasi ako sa bahay." Paalam ko sakanya kasi sobrang stress na ko makipag-usap kay Sam dahil about kay blue at pana'y kasinungalingan ang nasasabi ko!

Excited na nga ako eh may project kami gagawa kami ng design ng gown the  pag nagustuhan gawa namen pwede daw mag-aral ng libre na london! Dibaaa! Exciting?! Kaya itotodo ko tooo!! Tska para makasama ko sila Mama diba!? Tas libre pa yun! Kaya dapat laanan ko ito ng effort! As in efforttt!

"Sige ingat ka!" Sabi ni Sam sakin at nag wave naman siya.

Hayss di ko alam bat ko yun sinabi kay Sam na tutulungan ko siya kay Blue , kahit di ko alam ang gagawin!!! OH MY GOSHHH!!! ANONG GAGAWIN KOO!?

Talaga naman Andy lagi ka nagawa ng problema mo! PABIDA KA TALAGAAA! HAYSSS!!! Paano ko iyon gagawin!? Eh kahit ako naiilang na kay blue? Nakuuuuuu!! Pag sinabi ki naman kay Sam ang totoo na ako parin ang mahal ni blue , baka magalit yun! Tska di ko naman hawak puso ni blue para digtahin na wag ako
Mahalin niya kundi si Sam!

...

Nakauwi na ko sa bahay at ngayom ka video chat ko si Dee ngayon habang gumagawa ng design , sobrang dami ng lukot ng papel , kailangan talaga maganda eh!

"Ano bayang ginagawa mo at parang kina career mo?" Napatingin naman ako sa ipad.

"Kailangan namen gumawa ng design! Pag nagustuhan nila magiging exchange student kami sa london!" Sagot ko kay Dee , at humarap ulit sa ginagawa ko

"Di mo naman kailangan gandahan , bakit gusto mo ba mag-aral sa london ng 3 years?!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Dee , Oo nga pala di ko naisip na magiging reaksyon ni Dee , pangarap ko to eh! Pero ... paano?

" Ah syempre grade din to." Tanging nasabi ko , di ko na kasi alam gagawin ko eh pangarap ko talaga yun!

"Oh siya sige tatawag nalang ulit ako bukas." Sabi ni Dee

"Okay sige I love you!" Sabi ko at pinindot ko na yung end call. Napatingin naman ako sa ginagawa ko , hindi ko na ba talaga pwede makamit yung pangarap ko? London yun makakapag aral ako ng libre tskaa makakasama ko family ko , pero paano din naman si Dee? Mahal ko siya.

***

1 week na nakalipas at ngayon ang uwi nila Dee from Canada kaya naghahanda ako sabi niya wag ko na daw sila sunduin eh kaya nagluto nalang ako para sakanila.

"Ayun na nga ate paano ba to!? Gusto ko talaga mag-aral sa London. " Sabi ko sa kabilang linya

"Basta gawin mo ang best mo sa project na yan . Mapili man o hindi kakayanin mo yan ,tska mo problemahin ang sasabihin mo kay Dee pag napili ka na. " Sagot naman ni ate . Tama si ate wag ko muna ito problemahin.

"Sige ate thankyouuuu! Bisitahin ko kayo sa birthday ni Mama!" Sabi ko kay ate

"Sige mag iingat ka diyan ha!"

***

Narinig ko na may bumisina na at agad ako tumakbo para buksan yung pinto. Nakita ko naman na bumaba na sila Ate Sofia at Erika sa kotse at agad ako niyakap ni Ate Sofia .

"Welcome Back ate." Sabi ko at nginitian ko siya

"Thankyou , kamusta ka?" Tanong niya sakin

"Ok lang naman naging busy lang sa school. " Sagot ko kay Ate Sofia .

"Kinacareer yung design niya!" Narinig kong sabi ni Dee.

"Syempre naman! Pangrap ko yun eh!" Sabi ko at inakbayan naman ako ni Ate Sofia papasok ng bahay namen.

"Paano pag napili ka , pupunta ka ng London tapos 3 years ka dun?!" AH AH NAMAN TONG SI DEE!

Agad naman kami umupo at nasa harapan ko si Dee ngayon.

"Pano pag hinde?" Sagot ko napatingin naman sakin si Dee nang seryoso

"Paano kung oo ? Pupunta ka talaga sa London?" Tanong ni Dee

"Paano nga pag hinde?! Wag ka munang manguna ok?!" Sabi ko sakanya at inirapan ko siya

"OKAYYY! OKAY! KAIN MUNA TAYO!" singit naman ni Erika

Habang kumakain kami inopen nanaman ni Dee yung topic! NAKAKAINIS !

"Alam ko naman na hindi ako iiwan ni Andy eh.. Diba?" Nakangiti niyang sabi

"Hayaan mo muna si Andy 3 years lang naman yun eh!" Sabi ni Ate Sofia , TAMAAAA!

"Oo nga o di kaya bisitahin mo pa minsan minsan!" Dagdag pa ni Erika

Hindi ako umiimik at tinitignan ko lang si Dee.

"Ok sige! Support kita sa ginagawa mo ngayon , pero diba pwede ka tumanggi na pumunta sa london? Dito ka lang sa pilipinas, alam ko ok lang yun pag ikaw napili" sabi ni Dee , kaya napahinga ako ng malalim

"Wag na muna natin pag-usapan kasi di pa naman ako napipili tska hindi pa tapos portfolio ko tska nakakadalwang design palang akong nagagawa eh" pag papaliwanag ko sakanila at sumangayos naman silang lahat kaya nag patuloy na kami sa pagkain .

***
(Kinabukasan)

Wala akong pasok ngayon i mimeet ko si Manager kaye ngayon , may new project ata , kinakabahan nga ako sana magawa ko!!!

"Hi Manager Kaye!" Sabi ko sakanya at binesuhan niya ako at umupo ako sa harapan niya.

"YOU HAVE A BEW PROJECT!!!! TAKE NOTE ISHOOT ITO SA LONDONNNN!!! TSKA IKAW ANG BIDA!!!!" Excited na sabi ni Manager kaye na may pagpalakpak pa!

Ano ba to? Tadhana na talaga nag papapunta ng london!?? OMG!!

"TALAGA?! WOW!! EXCITED NA KOO!!" sabi ko na may ngiti sa labi

"Kaya bukas may meeting kayo ng mga cast ha! Don't be late! " Sabi ni Manager Kaye

"Yes! Omg! Manager kaye di ako makapaniwalaaaa!!" Sabi ko kay manager kaye na di paden ako maka move on as in!! 

"Sige magpaalam ka na sa boyfriend mo ha! Yieeee" sabi ni manager kaye na nagpatigil sakin , paano ko sasabihin kay Dee?!

ANOTHER PROBLEM AGAINNNN!!!!

Haysss!

_____________________________________

VOTE!

You And I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon