CHAPTER 46

213 10 7
                                    

"Bat naman di niya ako kinausap or text o dikaya chat? Baka talaga hindi niya ako gusto" Oo nga pala na kwento ko na lahat lahat kay Sam , medyo naawa nga ako kay Sam eh! Ito naman kasi si Blue eh , bigla bigla umaalis , pwede naman kasing kausapin niga talaga si Sam ng harapan. Pero sumangayon naman ako sakanya! Whaaa! So weird!

"Di naman sa ganun , masyado kasi siya nag mamadali." Sagot ko kay Sam

"Hayssss! Ewan ko sakanya! Unfair siya! Bahala na siya sa buhay niya!" Inis na sabi ni Sam

"Alam mo ang mas magandang gawin? Mag move on kana sakanya!" Sabi ko sakanya sabay tapik sa likod niya

"Talaga! Di ko na siya iisipin!!!!" Sigaw niya sabay pamewang.

"Ewww ugaling kalye!" Napalingon naman kami sa nagsalita , sino ba pa? Eh di si Vanessa the impakta. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Sam at hinarap si Vanessa.

"Hoy babaeng desperada wag mo akong sisimulan! " Matapang na sabi ni Sam .

"Di ako desperada! Bakit dahil ba yung time na buntis ako at lagi nasakin si Dee? Aba malamang anak niya yung dala dala ko! At nawala! Dahil diyan sa kaartehan na party na yan!" Sabi ni Vanessa sabay tingin sakin! So yun padin issue niya? Pake ko ba sakanya?!

"Walang kasalanan si Andy! Tska di kaartehan yung party ni Andy! Palibhasa hindi ka pinag dedebut ng mama mo! Kasi di ka mahal ng mama mo!!!" Pang-aasar ni Sam kay Vanessa na lalong napa busangot ang mukha ni Vanessa

"Shut up! Utak basura ka talaga!" Sagot ni Vanessa

"Shunga hindi utak basura yun! Sense of humor palibhasa puro kalandian ang alam!" Sagot naman ni Sam kaya hinila ko siya sa tabi ko.

"Sam tama na." Mahina kong sabi sakanya

"Bakit ba?! Ako bahala sa babaeng higad na to!" Sabi nito sakin at agad niya kinalas yung pagkakahawak ko sakanya at lumapit ulit kay Vanessa

"Palibhasa kasi hindi ka gusto ng gusto mo HAHAHHA! Hindi ka kasi magaling lumandi! Kung ako diyan wala pang 1 oras kami na ng crush ko eh!" Sabi naman ni Vanessa , ako nakikinig sakanila . Mamaya na ako sasabat hahahhaha!

"Oh really? Iba na kasi ang level ng pag kalandi mo! Dinadaan mo sa dahas! HAHAHAH! teka ilan na ba ha?" Natatawang tanong ni Sam , napatakip na ko ng bibig sa sinabi ni Sam kay Vanessa

"How dare you!!!" Sabi ni Vanessa at nabigla ako ng bigla niyang sinampal si Sam sa pisnge. At syempre di nagpatalo si Sam at gumanti din sila kaya inawat ko na silang dalawa.

"TAMA NA!!! ANO BA?!!!" sabi ko ngayon hawak hawak ko si Sam

"Vanessa pwede ba umalis kana! NAKAPAKA PAPANSIN MO! KUNG WALANG NAPANSIN SAYO PWES MANAHIMIK KA! HINDI YUNG NANDADAMAY KA NG TAO SA KAMALDITAHAN MO!" Di ko na napigilan ang sarili ko at nasabi ko yun

"Higit pa ako sa maldita! Kaya humanda ka andy sa gagawin ko sayo! At sisiguraduhin kong abot sa langit ang galit mo!" Pag babanta niya sakin

"Share mo lang yon?!! Tska wala kaming pake! Di kami mag
papaapekto sayong babae ka!" Sagot ni Sam pero hinigit ko na siya , kami na umalis kasi nakakabadtrip yang Vanessa na yan!

....

"Sa tingin mo Sam totoo yung sinabi ni Vanessa?" Binabagabag kasi ako sa sinabi niya na may gagawin daw siya at susiguraduhin niya na abot langit ang galit ko.

"Shunga! Naniniwala ka dun sa abnoy na yun!" Sabi ni Sam habang busy sa paglalaro ng mobile legend habang nakahiga sa kama ko

"Paano kung oo! Ikaw na nga nagsabing abnoy yun , eh di gagawin niya yun! Eh may saltik yun sa utak." Sabi ko sakanya pero tinawanan niya lang ako. Badtrip ha!

"HAHAHAH! Alam mo dapat wag mo intindihin si Vanessa kasi ang gusto niya lang naman bumalik sakanya si Dee! Eh sorry siya ikaw ang mahal ni Dee." Sabi nito kaya medyo umayos na pakiramdam ko , pero andun paden ang kaba eh!

Napalingon naman ako sa cellphone ko kasi may nagtext sakin si Manager Kaye pala.

Meeting tomorrow with the cast! 10:00 am ! SEE YOUUUU GIRL!

Hala! Yieeee kakaexcite naman to!

"Si dee yan no?!" Sabi ni Sam sakin , kaya napatingin naman ako saknya

"Hinde! Si manager kaye may meeting kasi kami bukas with the cast yung bagong gagawin naming movie sa ibang bansa." Pag papaliwanag ko kay Sam , Teka! Asan nga ba tong si Dee? Kanina ko pa yun di nakikita ah!

"Ay ganun?! Yieee congratsss!" Masaya niyang sabi kaya nginitian ko nalang siya .

Asan nga ba tong si Dee?! Tska di manlang ako tinetext eh! Hinahanap ko palang yung pangalan niya sa contacts ko na biglang may kumatok sa pinto kaya agad ko ito binuksan.

"Oh yaya bakit?" Sabi ko

"Ah Ms. Andy may nakita po akong sulat sa baba eh para sainyo." Sabi bi Yaya sabay abot sakin na color pink na envelope

"Ah sige thankyou!" Sagot ko at umalis na si Yaya.

"Ano yan Andy?" Tanong ni Sam

"Letter." Sagot ko at binuksan ko yung envelope at binasa ko yung sulat

See you later @ the clubhouse
8PM. I love you.

Napangiti ako nabasa ko , hmmm ano nanaman ang balak nito ni Dee?! Hayyyy nakooo! Napaka effort talaga ng lalaking to kaya mahal na mahal ko to eh. Never ko talaga tong iiwan kahit anong mangyari.

...

7:50 pumunta na ako sa clubhouse medyo kinakabahan ako mamaya budol-budol to eh! HAHAHAH! Kaya naka-isip ako ng paraan , alam kong weird tong gagawin ko! Tska in case of emergency na den nag dala ako ng pamalo HAHAHAH! Kasi medyo pagabi naden naman tska baka hindi si Dee yung andun eh! Wala pa naman akong kasama pumunta , kasi naman tong si Sam tulog na agad eh! Wala tuloy akong kasama! Buti nalang may mga poste na bukas plus yung mga bahay na bukas yung mga ilaw nila kaya medyo di nakakatakot talaga.

"Asan kaya di Dee?" Mahina kong sabi kasi nasa club house na ako tska ang dilim dito! NAKOOO! BUDOL NGA ITOO! PANSIN YUNG NAGIWAN NG SULAT KUNG SINO KA MAN!!!!!!

Kaya umalis ako sa lugar na yun at tumayo ako sa may ilaw para di ako matakot masyado kasi tatawagan ko si Dee! Ukiman! Prank ba to? Bat walag tao dun? Tska 8:00 nanaman ah! Masyado ba akong maaga???

"Goshh! Dee sumagot ka!" Sabi ko habang hawak hawak ang cellphone ko at dinadial si Dee.

Natatanaw ko paden yung clubhouse , bat kaya ang dilim dito at walang guard? Ano naputulan ng kuryente?

Naisipan kong bumalik nalang sa bahay dahil baka nga prank lang yun! Jusko kung sino ka man mapepektusan kitaaa!

Papaalis na sana ako ng biglang bumukas yung ilaw sa club house at.....

You And I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon