CHAPTER 27

237 20 5
                                    

Andy POV

Nagising ako sa katok sa baba... Haysss! Anong oras na ba? Kakadating ko lang galing work wala pa kong tulog. Agad akong bumaba para tignan kung sino yung nakatok.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko....

"Hi andy!" Sabi niya

"......Blue?" Gulat kong sabi

"Oh parang nagulat ka ata? Di kaba masaya nandito ako?" Sabi niya

"Ha? Masaya tara pasok ka." Sabi ko at pumasok naman siya agad.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko

"Okay lang ikaw?" Blue

"Ok lang din. By the way asan nga pala si Sam??" Tanong ko

"Ah nag papaderma siya kasi nagkatugyawat siya sa sabong gamit niya dun , kaya nga mamaya ay susunduin ko siya." Ha? Wow close agad sila..

"Ah Blue birthday ni ate sofia ngayon gusto mo bang sumama sakin?" Anyaya ko sa kanya

"Ahhh sorry hinde eh kasi may kailangan akong gawin sa school , tagal ko kasing absent so kailangan kong humabol." Sabi niya

"Ok sige mag aayos lang ako tas aalis na ko. "

Iniwan ko na si blue sa baba . Napatingin naman ako sa malaking stuff toy na bigay ni Blue , Lumapit ako sa stuff toy...

"Blue I'm sorry ayako na.... alam ko wala kang ginagawang masama pero parang di mo ko deserve at hindi tayo para sa isa't - isa ...." sabi ko sa stuff toy

Hayyy!! Dapat kay blue ko yun sinasabi hindi sa higanteng bear na to! Kaso kinakabahan akooo!!! Hayssss! Busettt!

Nag - ayos na ako ng sarili ko para sa party ni Ate sofia.

Pag baba ko wala na si blue sa condo at nakatanggap ako ng text galing sakanya na susunduin niya daw si Sam tapos pupunta na daw siya ng school.

Haysss bahala nga siya sa buhay niya di man lang nag paalam ng ayos.

Pag ka bukas ko ng pinto nagulat ako na nasa tapat ng pinto ko....

"W-hat a-re y-ou doing here?" Gulat kong tanong... OMG!

Huminga siya ng malalim bago niya ako sagutin.

"Uhmm ate sofia told me na sunduin daw kita." Sabi niya

Oh alam niyo na kung sino???"

"OHH!!! HI ANDY! Let's go.." nagulat ako ng biglang sumingit si Erika.

"Sinundo niyo pa ko , ihahatid naman ako ni Mang Mario." Sabi ko

"Sabi kasi ni Ate Sofia." Sabi ni Dee

Di na ko sumagot at pumasok na sa loob ng kotse ni Dee.

Nasa back seat ako at si Dee yung driver at nasa tabi niya si Erika. At ako dito whahahah OP! Kaya ako kasi sumabay sa dalwang to.  Pshhh!

Nang makarating na kami sa bahay ni Dee halata sa mukha ni Erika na kinakabahan siya .

"Halika na.." sabi ko sa dalwa  at nakita ko na hinawakan ni Dee yung kamay ni Erika.

Oh andy naka move in kana kay dee diba!?

Naka move on na nga ba??? HAYSSS!! Ewan! Hahah!

Pag pasok ko palang sa bahay nilapitan ako agad ni Ate Sue.

"Hi Andyyy!!! " sabi ni ate sue

"Hey dee!" Bati niya kay dee

"Oh andyan na pala kayo! Halika na kayo!" Sabi ni Ate sofia.

You And I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon