Chapter 57

111 8 0
                                    

"Ok ka na?" Nasa pool area kami ni Blue nakatulala lang pala ako habang iniisip yung nangyari samin kanina.

"Medyo. Sana pala hindi na ako umuwi dito no?" Sabi ko kay Blue

"Kaya mo yan Andy ang kailangan mo lang maging malakas. Tama lang ang ginawa mo Andy hindi ka naman nandito para makipagkita sakanya diba? Tska aalis ka nanaman ulit diba?" Sabi nito

"Ikaw Blue bat nandito ka pa?" Sabi ko sakanya

"Ha? Anong oras na ba? Pasencya na." Natawa naman ako ng konti sa sinabi ni Blue . Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh.

"Hinde! Bakit sa sobrang tagal na panahon mas pinili mo paden na nasa tabi ko kahit iba ang gusto ko katabi?" Sabi ko sakanya

"Haysss. Siguro ganun nalang ang pag mamahal ko sayo Andy handa ako magpakatanga para sayo." Sabi niya sakin habang nakayuko.

"Sorry blue ha hindi ko masuklian yung mga pagmamahal mo sakin. Siguro dapat turuan ko na ang puso ko na mahalin ka." Nakita ko naman na napatingin siya sakin

"Anong ibig mong sabihin Andy?" Sabi nito sakin

"Dapat nag focus ako sa taong andyan para sakin..."  sagot ko

"Tayo na?" Sabi nito sakin tumingin ako sakanya.

"Ulit... Ikaw yung worth it na balikan Blue." Nabigla ako ng bigla akong niyakap ni Blue nang sobrang higpit.

"Yesss!" Tanging sabi niya habang yakap yakap ako.

"Promise ko sayo na papasayahin kita lagi Andy at hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita Andy." Sabi nito sakin.

Dee POV

Limang taon! Limang taon na ang nakalipas pero siya paden ang laman ng puso ko. Yung taong mahal na mahal ko may mahal ng iba! ARGHHHH! Ang tanga tanga ko! Bakit ko kasi nagawa yun kay Andy dati?! Dapat hindi nalang ako nagalit sakanya , sana hindi nalang ako sumama kila Vanessa para uminom at sana di ako natukso! Eh di sana kami pa at masaya masaya kami ngayon o hindi kaya ... Ikakasal na kami.

Pero hindi!! Nagbago lahat dahil sa pag kakamali ko. Pero hindi ako susuko dahil alam ko na siya na ang para sakin.

(Knock ,knock)

Narinig ko na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya agad ko to binuksan. Pagbukas ko ng pinto agad bumungad sakin si Ate Sofia na nakataas ang kilay sakin.

"What?" Tanong ko sakanya

"Anong pumunta ka daw kahapon sa bahay nila Andy at nanggulo ka pa!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Ate

"Hindi ako nanggulo don! Gusto ko lang kausapin si Andy." Sabi ko sakanya

"Really bat nagsisigaw ka daw dun? Kung kinakausap mo bat mo sinisigawan si Andy?!" What?!

"Teka sino ba nagsabi nan sayo ha?! Puro mali!! Ate wag mo akong sesermonan dahil malaki na ako! Hindi na akong batang paslit na sunod na sunod sayo! Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama kay Andy kahapon!" Naiinis kong sabi kay Ate at sabay sara ng pinto ko ng malakas. NAKAKABADTRIP EH! Ako na nga itong broken tas sesermonan pa ako?! TAN*INA LANG!

Naririnig kong kinalampag ni Ate Sofia yung pintuan ko at nagsisigaw siya ARGHHH!!!

"DEE BUKSAN MO TO!!! BASTOS KA HA! ANONG KARAPATAN MONG SARADUHAN AKO NG PINTO?!!! LUMABAS KA DIYAN NGAYON NAAA!!!" Arghhh!! Di ko na kaya tumira pa ditoooooo!!! Oo pumayag ako na laging pagalitan nang Ate ko pero matanda na ako alam ko na ang ginagawa ko! Biruin niyo college ako nun bawal ako nag gimik?! Dapat saktong 6:00 nasa bahay na ako! JUSKOOO! Dahil yun sa hiniwalayan ako ni Andy! TEKAAAAAA LANGGG!!! HINIWALAYAN NA NGA AKO MAY PARUSA PA SA ATE KO!! Ano ba naman yun?! Kaya ngayon tama na! Napaka liit na bagay mag gaganyan siya sakin!? Lilipat na ako sa condo unit ko noon! Di ko na kaya tumira dito kasama yang ate ko!

Agad ko naman inimpake yung mga gamit ko at tinawagan ko yung condo para sabihin na lilipat na ulit ako dun . Wala paring tigil yung ate ko kakatalak nakakarindi na!

Maya maya naramdaman ko na bigla nalang bumukas yung pinto ng kwarto ko at natigil ako sa pag iimpake.

"Ano aalis ka?!!" Sabi ni Ate Sofia sakin

"Oo! Malaki na ko kaya ko na ang sarili ko!" Sabi ko sakanya at pinagpatuloy ko ang pagiimpake ko .

"Alam mo OA ka lang! Tumigil ka nga ibalik mo yang gamit mo!" Sabi nito sakin

"Ako pa ang OA?! Ano ba ang ginawa mo kanina? Ang OA mo kong pagalitan! Sino ba ang kapatid mo si Andy o ako? Kung protektahan mo yun ah! Ate alam mo ba ang totoo?! Pumunta ako dun para makipag ayos at para malaman ko kung mahal pa niya ako , pero sinabi ni na si Blue na ang mahal niya! Ate sobrang sakit! Tas ito pa sasabihin mo sakin? Put* eh di sana siya nalang ang kapatid ko! Ne isa kasi sainyo walang nag comfort sainyo sakin eh puro sermon ang inabot ko! Oo ate nagkamali ako at alam mo pinagsisihan ko pero hindi eh mas lalo niyo ako dinudurog! Wala man lang nagsabi sainyo na ok na ba ako. Wala! Ang lagi niyong sinasabi na kasalanan ko to magdusa ka!" Habang sinasabi ko yun ay di ko napansin na may tumulo na luha sa mga mata ko.

"I'm sorry kung ganun yung nararamdaman mo pero...." pinutol ko yung pagsasalita ni Ate.

"Mali ako? Oo ate alam ko yun! Hindi mo kailangan sabihin yun lagi ate..... Kailangan ko ng umalis." Sabi ko sakanya at agad ko hinila yung maleta na dala ko at binitbit ang isang bag na dala ko.

"Dee baka mapag-usapan natin to. Sobrang liit lang ng di natin pagkakaintindihan wag ka ng umalis please!" Sabi nito sakin.

"Maliit lang para sayo pero sakin malaki na yun 5 years kita tiniis ate pero ngayon di na kita kaya." Sabi ko sakanya at tuluyan na akong umalis sa bahay namin. Siguro itong pag-alis ko ang bagong simula ng buhay ko. Pero gaya ng sinabi ko hindi ako titigil hanggang di ako napapatawad ni Andy. Di na ako hihiling na maging ulit kami ang hihilingin ko lang ay mapatawad niya ako.

Sumakay ako agad sa kotse ko at pinaandar ko yun nang napadaan ako sa bahay ni Andy ay binagalan ko ang takbo ko at tinignan ko mabuti ang bahay nila . Na miss ko lang yung dating kami ni Andy... Nung mga bata pa kami.... Lagi kami naglalaro sa harap ng bahay nila tas ako lagi ang tiga drawing ng piko nila ni Sam dahil daw magaling daw ako mag drawing Haha.. Tska yang bahay na yan ay naging 2nd house ko meron nga ako diyang kwarto eh HAHAH!  Sana pala di ko na nalang shinota ang bestfriend ko kasi ang bestfriends ay di nag brebreak.

Nagulat naman ako ng biglang lumabas ng gate si Andy at si Blue. Uuwi na ata si blue , swerte mo man ikaw ang binalikan ni Andy. Lalo nadurog yung puso ko na niyakap ni Andy si Blue ang cute nga ni Andy eh nakatingkayad dahil ang tangkad ni Blue.

Kailan kaya ulit ako mayayakap ni Andy ng ganyan?   Hindi ko na pinanood ang ka sweetan nila at binilisan ko na ang takbo ng sasakyan.

____________________

A/N

Sobrang tagal mag update? HAHAHA! Actually sige uunahan ko na kayo 1 year ko ng sinusulat ang story na to HAHAHA tagal ko kasi mag update eh😂. Bakit nga ba ang tagal mag update ni Ateng Author niyo?

1.
At ito po talaga ang LAGING dahilan. Dahil ang hirap po mag-isip kung ano ang next na mangyayari , syempre ayako naman po na pa bara bara nalang kasi gusto ko maging maganda yung story.

Yun lang po at sana ay maunawa niyo po at syempre wag niyo kalimutan mag VOTE sa chapter na to! Thanks!

You And I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon