CHAPTER 36

223 12 4
                                    

A/N

Hi guys! Support niyo ako sa wattys 2018 guys!! GO GO GO!! ANDREN FANSSSS!!!!💜💚  Thankyou guys kasi kung hindi dahil sa support niyo di ako makakasali dun heheheh! Ang pag kakaalam ko pag nasa 1k+ na read para kasali ka na pero kailangan mo paden ilagay na tag na #wattys2018 , hindi ko po alam pero kung mali ako siya sorna na! Basta guys suportahan niyo po ako! Thankyou💚💜.

_________________________

Andy POV

5 months na nakakalipas , sobrang bilis ng araw diba? And ito paden kami ni Dee hinaharap lahat ng pang bwibwiset ni Vanessa samin!!! Konti nalang talaga! Nakooo! Baka makalimutan ko na buntis yun! Kaka stress siya ha!

"Oh san ka pupunta?" Sabi ko kay Dee nag mamadali siya may emergency ata.

"Sinugod daw sa hospital si Vanessa.. Sinumpong daw ng hika!" Sabi niya

"Ha?! Tara!" Sabi ko at agad kami pumunta sa hospital.

Hikain pala tong si Vanessa , lalo na ngayon buntis siya tska sobrang init ngayon.

Nang makarating na kami sa hospital nakahiga na si Vanessa at parang mukhang ayos na siya ngayon.

"Ayos na si Vanessa..." sabi ng mommy ni Vanessa , laging wala ang tatay ni Vanessa lagi daw na business trip.

"Mabuti naman kung ganun... Kamusta yung baby?!" Tanong ni Dee

"Ok naman daw.. Nga pala Dee kailan niyo gusto magkapa ultra sound? Limang buwan ng buntis si Vanessa at malalaman na ang gender nung baby! Hmm?? Sana lalaki! Maganda kasi pag lalaki.." sabi ng nanay ni Vanessa

"Siguro kung ok na si Vanessa." Sagot naman ni Dee

Nakita kong namulat na si Vanessa at agad ko siyang nilapitan..

"Vanessa? Ayos ka lang ba?" Sabi ko

"Hmmm ayos lang... Dee??" Napatingin ako kay
Dee kasi tinawag siya ni Vanessa. Lumapit naman si Dee kay Vanessa.

"Ok naman daw yung baby wag ka mag-alala.." sabi ni Dee

"Talagang ang baby lang ang inalala mo ha?!" Sabi ni Vanessa

"Oo... Tara na Andy!" Sabi ni Dee at hinigit na niya lang ako.

Pinigil ko si Dee at kinalas ko ang kamay ko sa pag kakahawak niya.

"Ano ba naman dee! Bat ganun ka makipag- usap!?" Sabi ko

"Bakit ba? Tara na! Gusto ko lang malaman kung ok lang yung anak ko! Hindi yung si Vanessa!" Sagot niya

"Hindi dahil kay Vanessa hindi magiging ok yang anak mo! Kaya bumalik ka dun!" Sabi ko

"Halika na Andy! Wag ka na makulit! Ok na yung dumalaw tayo kahit saglit! " sabi niya at hinigit nanaman niya ko.

Haysss! Talaga to!

***

Nasa school ako ngayon kahit wala naman akong pasok dahil may aasikasuhin kami ni Sam sa school at hihintayin naden namin si Erika. Oo nga pala nakapasok kami sa swimming team sa school! Heheheh!! Mag training daw kami next week ang saya diba!? Kaming tatlo nakapasok!

"Tapos ka na ba sa requirements mo? Mag babakasyon na ah." Sabi ni Sam

"Uhmm ito nalang ipapasa ko tska tapos na ko!" Sabi ko

"Wow! Si Erika kaya? HAHAHAH! For sure kaya ang tagal nun nag hahagilap pa ng prof niya HAHAHA!" Sabi ni Sam

"Baka.. HAHAHA!" Sagot ko.

You And I Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon