Chapter 2

73 2 0
                                    

Si Nico po yung nasa right side na photo :)

Nico's POV

Alam ko na nakauwi na si Ayann ngayon. Pero di ko na pinaginteresang pansinin siya. Wala naman akong pakialam sa kanya eh. At tsaka, buti naman at di niya isinama yung kaibigan niyang ewan kung babae ba yun. Nakakainis! Pero kahit na mag-iwasan pa kami, magkikita at magkikita pa rin kami kasi daughter-in-law ng parents ko yung ate niya. Buti na lang at nasa Chicago ngayon sina ate Mishna. Kundi eh magkikita ulit kami ng kapatid niya.

Ewan ko ba kung bakit ang layo layo ng ugali ni Mimi kay ate Mishna. Si ate kasi, mabait, mapagmahal, di nambubugbog. Si Mimi naman parang lalaki. Palibhasa close sila ni kuya Marco, yung panganay nila. At teka nga lang, bakit ko ba iniisip ang Mimi na yun? Tss. She's nothing to me. Promise.

*Tok tok

"Pasok." walang gana kong sabi.

"Iho, kakain na." si Manang Violet pala. Siya ang taga-alaga sa amin simula bata pa lang kaming tatlo nina kuya at ni Ayann. Parang nanay na rin namin siya.

"Sige ho Manang susunod na ho ako. Magbibihis lang po ako." sabi ko sa kanya.

"Sige iho." at umalis na siya.

Marunong din naman ako gumalang, sa mga kagalang galang na tao lalo na pag matatanda. At tsaka, mahal na mahal ko yun si Manang Violet at napakabait niya.

After ko magbihis eh bumaba na ako. Naabutan ko na nasa dining room na si Ayann. Umupo na ako at di siya pinansin. Bago kami kumain eh nagdasal muna kami. Sa pangunguna ni Manang Violet. Siya nagturo sa amin na magdasal bago kumain. Pagkatapos namin magdasal eh kumain na kami.

"Err.. Kuya." biglang tawag ni Ayann sa akin.

"What?" I asked her coldly.

"Pwede ba akong umalis bukas?"

"Where are you going?"

"Birthday party ng isa sa mga kaklase ko, si Nadine. Pwede ba ako pumunta?" medyo takot na paalam niya.

Tinignan ko muna siya then nag-isip. Kung aalis siya bukas eh di di ko makikita pagmumukha niya. Pero bago ko siya payagan, aasarin ko muna siya. *evil grin

"Unang week ng pasukan, gagala ka. Wow ha." sabi ko na kunwari naiinis ako.

Yumuko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Sige na, di ko na nga ito aasarin at baka umiyak pa, tsaka excited na ako na mawala siya pansamantala. Hahaha.

"Fine." napaangat siya ng ulo bigla. "You can go tomorrow pero dapat before 7pm dapat nakauwi ka na. Pasalamat ka at inextend ko pa ng 1 hour, dapat nga 6pm ka uuwi." sabi ko. Lumiwanag naman mukha niya at ngumiti.Magsasalita sana siya pero inunahan ko na

"Oh, wag ka muna magsaya, baka bawiin ko sinabi ko." pang-aasar ko ulit kaya bigla siyang napatahimik at yumuko. Hahaha. Sarap asarin ng babaeng ito.

*Kinabukasan

"Kuya, hindi ba nagbago ang isip mo?" Andito na kami ngayon sa University, sa may parking lot, kakarating lang namin.

"Depende." sabay labas ko ng kotse at iniwan siya sa loob. Pagkababang pagkababa ko, bigla na lang lumapit yung mga girls sa akin.

"Nico, akin ka na lang."

"Kyaaahhh, ang gwapo niya."

"Pakasal na tayo."

"Blahh blahh blaaah..."

As usual, ganyan eksena pag dumarating ako kaya naman, ako todo smile lang. Nung nagsmile ako nagtilian na naman sila. Kelangan makalabas na ako dito.

My Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon