Chapter 4

30 1 0
                                    

Si Mimi po yung nasa right side picture :)

Ayann's POV

Andito ako ngayon sa ice cream house dahil trip ko bumili. Bigla na lang hinanap ng tiyan ko ang ice cream. At kung sinuswerte ka nga naman eh makakasabay ko pa ang unggoy na kinaiinisan ko. At napaka-ungentleman talaga. Halata na nga na walang nakaupo sa tabi niya di pa niya ako pinaupo. Maghihintay pa tuloy ako.

Tinawag niya ako para paupuin pero sorry na lang siya, nagbago na isip ko. Ayaw ko siyang katabi.

Habang naghihintay ako eh nagulat na lang ako ng may humila ng laylayan ng damit ko.

"Miss, I am Vienna. You can join us there." sabay turo niya sa table na inuupuan ni unggoy. Nung lumingon ako, nahalata ko na parang nagpapanic si unggoy at may hinahanap.

"Uhm, baby, kilala mo ba yung guy na yun?" tanong ko.

"Opo. He is my kuya." sagot niya. Wow! May kapatid pala ang unggoy na yun na super cute. Napansin ko na si Vienna hinahanap niya. At sakto namang may natapos na kumain.

"Uhm, Vienna, mind if you join me here? I know you're kuya. He is my classmate." sabi ko sa bata.

"Sure Miss." sagot niya. Naku itong batang ito, nagtitiwala agad agad sa ibang tao. Buti na lang at mabait ako di ko siya kayang kidnappin.

" Do you want to play hide and seek with your kuya? Seems like he's searching for you." sabi ko ng may halong pang-aasar. Hahaha. Makakabawi rin ako sa'yo Kristoffer.

"Sure Miss."

"Call me ate Ayann."

"Okay ate Ayann." sabi niya. Masunuring bata.

"Uhm Vienna, andyan na si kuya. Tago ka dito sa ilalalim ng mesa dali!!!" utos ko kaya naman nagtago agad siya.

"Ayann, nakita mo ba yung batang kasama ko kanina?!" nagpapanic na tanong niya. Hahaha. Nakakatawa hitsura niya.

"Ay may kasama ka bang bata? Sorry ha, di ko napansin." nagmamaang-maangan kong sagot.

"Sh*t! Lagot ako kay papa!!! VIENNA!!! VIENNA!!!" sigaw niya.

Tapos tumawa si Vienna sa ilalaim ng mesa kaya naman napatigil si Kris sa pagsigaw at tinignan ang ilalalim ng mesa.

"PICA BOO!!!" sigaw ni Vienna sa kanya.

"For Pete's sake V!!! Tinakot mo ako!!!" kinuha niya si Vienna sabay akap sa kanya.

"Eh kasi kuya, ate Ayann told me if I wanna play hide and seek with you. Kaya pumayag ako!!!" tuwang tuwang sabi ng bata.

Tinignan ako ng masama ni Kris. "Pasalamat ka andito kapatid ko. Hindi mo lang alam kung ano ang pwedeng idulot ng kalokohang ginawa mo!!!" galit na galit na pagkakasabi niya sa akin. Umalis na sila ni Vienna.

"Bye ate Ayann." paalam niya. Ngumiti lang ako then nagwave.

"Don't talk to strangers." narinig kong sabi ni Kris sa kanya.

Hindi ako nakaimik kasi talagang galit siya. Oh no! Di ata magandang biro ito. Pero kahit na! Quits na kami. Di rin magandang biro yung ginawa niya sa akin sa Chemistry kanina.

"HOY KRISTOFFER ASUNCION!!!" tawag ko sa kanya. Wala na ako pake kung pagtinginan na kami ng mga tao.

"WHAT?!" galit na sagot niya.

"WE'RE QUITS!" sigaw ko sabay talikod at naglakad na palayo sa kanila. Umuwi ako sa bahay ng may ngiti sa mga labi.

***

My Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon