Chapter 3

38 2 0
                                    

Si Kris young nasa right side na picture :)

Ayann's POV

Third week na ng school day. Yung nangyari sa birthday party ni Nadine eh naayos na namin ni kuya. Hindi siya nagsorry pero kinakausap ko na siya. Ganun na talaga siya eh. Weirdo. Psh. Andito kami ni Mimi sa canteen ngayon. And as usual, kasama namin si unggoy.

"Yann, ano okay na kayo ng sira ulo mong kapatid?" tanong ni Mimi sa akin.

"Kinda. Simula nung nangyari sa party di na namin pinag-usapan pa yun. Tsaka, nag-uusap na kami pero pag may reason lang. Alam mo na. The usual way naming pag-uusap." sagot ko tapos nilagyan ko ng ketchup yung burger na kinakain ko.

"Hmp. Bwisit talaga yang kuya mo kahit kailan." sabi niya na naiinis.

"Wala tayo magagawa. Attitude na niya yan towards me. Pero alam mo Mi, nagtataka ako kay kuya, kasi lagi niyang pinapaalala sa akin na layuan ko si kuya Mark hangga't maaari raw."

"Talaga? Eh ano naman dahilan niya? Bwisit talaga yang kapatid mo. Pati pakikipagkaibigan mo sa iba nangengealam na. Eh siya na nga nagsasabi na wala siyang pakialam sa'yo." inis na sabi niya sabay subo nung fries sa kamay niya.

"Psh. Ewan ko ba dun." yan na lang ang nasabi ko.

"Baka naman ayaw niya lang na ipahalata na concern siya sa'yo." biglang sabat ni Kris. Hmmm.. Napaisip ako sa sinabi niya pero imposible naman yun, masyado mainit dugo ng kuya ko sa akin.

"Imposible. Mainit dugo nun sa akin." sabi ko sa kanya.

"Alam mo kasi, kayong mga babae, may pagkamanhid eh. Obvious na nga na concern ang isang lalaki sa inyo, di niyo pa pinapansin o nararamdaman." at aba. nagsalita ang hindi manhid.

"Sorry naman ha. Kasi naman yung way ng concern niyo eh parang nang-aaway o nang-uutos o nagagalit eh. Tss." sinibangutan ko siya.

"Alam niyo, di ko maintindihan ang ugali niyo. Bahala ka nga diyan!!!" At talagang nagalit pa talaga.

"Ikaw pa ang may ganang magalit." sabi ko ng naiinis na.

"Ikaw na nga pinapayuhan, ikaw pa sisibangot." sabad niya.

"Hindi ko kelangan ng payo mo!!!" medyo tumataas na ang boses ko.

"T*ngna eh di wag. Namamayo na nga ikaw pa may ayaw. MAARTE!!!" sabay tayo at walk-out niya. Punyeta siya. Siya pa talaga ang nagalit. Sinabi ko ba na payuhan niya ako?!!! The nerve!!!

Umalis na kami ni Mimi sa canteen kasi magtitime na. Si Mimi, di na niya kami pinakialaman ni Kris unggoy sa pag-aaway kasi nasanay na siya. Pagdating namin ng classroom eh nilapitan ako ni Nadine.

"Ayann, kilala mo ba number na ito?" tanong niya sa akin sabay pakita nung cellphone niya. Kinuha ko cellphone ko at dinayal ang number then lumabas ang number ni kuya... Nico?!!!

"Uhm.. Nadz si kuya Nico yan." sabi ko na medyo nagtataka na rin.

"Ah.. Siya pala talaga. Akala ko niloloko lang ako. Salamat Ayann ha?" sabi niya then nagproceed na siya sa upuan niya. Bakit naman kaya itetext ni kuya Nico si Nadine? Kilala ko si kuya eh. Bihira lang yun magtext ng babae except sa akin, kay mommy, kay ate Mishna, kay Mimi(pag importante lang) at kay ate Gail, yung best friend niya. Hmmm.. I smell something fishy. Hehehe.

Dumating na si Miss Punzalan. Yung Chemistry teacher namin. Hay naku!!! Chemistry. My hatiest subject. Bago maglecture si Miss, may inannounce muna siya.

"Ms. Salvacion, pinapapunta ka ni Miss Dalmacio sa student council office ngayon. So excuse ka muna sa subject ko." sabi niya kay Mimi.

"Okay po Miss. Thank you po." sabi niya tapos tumayo na siya at lumabas ng classroom. Siguro, kukuning Vice President itong si best friend sa Student Council. Junior high na pala kami. And since siya ang top 1 namin simula Freshmen kaya siguro siya ang papatakbuhin. Oh di ba! Bongga ang best friend ko. At ako naman ang top 2. Di kami nagkokopyhan ha. Sadyang matalino lang kami. *evil grin

My Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon