Chapter 5

31 1 0
                                    

Nadine's photo at the right side :)

Nadine's POV

"Dine, alam mo na mga dapat mong gawin ha?" tumango na lang ako as a sign of approval kina mama. Aalis na kasi ulit sila pabalik ng UK for their business. Tss. Maiiwan na naman ako dito na mag-aalaga sa lola ko. Bed ridden na ang lola ko at ako ang taga-alaga. Mayaman kami? Oo. Pero ayaw nilang paalagaan sa iba si lola. Para mas tipid daw.

2 years ko ng inaalagaan si lola. At 2 years na rin akong nahihirapan. Ako ang panganay sa amin ni Trisha. Pero kung sweswertehin ka nga naman eh grade 1 pa lang siya kaya di niya pa ako matulungan. May maids kami pero stay out sila. Para raw mas tipid. Oh di ba? Ang kuripot lang ng mga magulang ko.

Sa ngayon, kakatapos ko lang na bimpohan, bihisan at pakainin si lola. Kaya naman nagpunta na ako sa kwarto ko para magbuklat ng libro. Wala kaming assignments ngayon pero nakasanayan ko na talagang magbasa ng libro. Si Trisha naman andun sa salas nanunuod ng cartoons. Binabantayan siya ni ate Sylvia, yung stay out maid namin. Mabait naman yun si ate. 5 years na rin namin siyang maid.

Kinuha ko na yung Mocking Jay na libro. Binuklat at sinimulang basahin. Habang nag-eenjoy ako sa pagbabasa eh biglang nagbeep ang cellphone ko, kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

From: Nico

Nadine :(

Bakit kaya malungkot itong si Nico? Hmmm. Matawagan nga.

Callig Nico...

[Hello. Nadine :(]

Nico anong problema?

[Ang sakit ng puso ko.]

Ha? Bakit?

[Busy ka ba ngayon? Puntahan sana kita sa bahay niyo.]

Nope. Sige. You can go here. Andito lang ako sa bahay buong magdamag.

[Sige. I'll be there after 20 mins.]

Sige. Bye.

[Bye.]

Then he ended up the call. Nagtataka siguro kayo kung bakit kami close ni Nico? Kasi ganito yun.

*Flashback

Sa birthday party ko.

Habang nageentertain ako ng mga bisita, biglang lumapit sa akin si Nico.

"Uhm.. Nadine." tawag niya.

"Oh kuya? Ano kailangan mo?"

"Nico na lang itawag mo sa akin. Uhm pwede humingi ng favor?"

"Ano po yun?"

"Wag mo na akong i po. Ilang years lang naman tanda ko sa iyo.:

"Okay. Ano ba yung favor mo?"

"Pwedeng pakibantayan si Ayann?" bigla akong nagulat sa favor niya.

"B-bakit ako? Andyan naman si Mimi." sagot ko.

Nagkamot siya ng ulo bago sumagot.

"Oo andyan si Mimi pero hindi kami close. Lagi kaming nag-aaway kaya hindi ko siya makakausap ng matino. At isa pa, alam niya na wala akong pakialam kay Ayann." medyo nahihiya niyang paliwanag.

My Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon