Chapter 10

25 1 0
                                    

 

Hi guys. Okay this is it. Bibigyan ko na ng point view sina Laila at Brandy. Para naman malaman niyo rin yung sa side nila. At ng sa hindi nyo sila kamuhian masyado. Hihihi.

Ngapala, happy 111 reads :) <3

CPlease click the video at the right side. Pakinggan niyo habang binabasa ito. Hahaha. Sorry po kasi di pa ako yung ganung kagaling magedit T_T

***

 

Laila's POV

"Laila naman, bakit ba kasi ginawa mo yun kay Ayaan? Ikaw lang nagpapahiya sa sarili mo."  galit na pagkakasabi ni Brandy.

"Oh so ano kakampi ka na niya ganun? Duh! Bagay lang yun sa kanya. Napakaambisyosa." inis na inis na sabi ko.

"Laila, ewan ko ba sayo. Bakit ba ang init init ng dugo mo kay Ayann? Dati naman hindi ka ganyan eh."

"Brandy, pwede ba, alam mo na sagot diyan."

"Na ano? Na ampon siya tapos mahal siya ng parents niya tapos ikaw tunay na anak pero di ka mahal. Utang na loob Laila, grow up!!! At tsaka nangako ka sa akin na kapag hiniwalayan ko siya at pinili kita, di mo na siya guguluhin. Pero bakit di mo siya tigilan?!" nakakuyom na si Brandy. I know, I know na si Ayann pa rin mahal niya. Magagawa ko? Eh nagmakaawa lang ako at tinakot ko siya kaya ako pinili niya. Okay fine! Ako na desperada.

"Bakit babalikan mo na ba siya ha?! Subukan mo Brandy, magpapakamatay ako. At tandaan mo, malaki shares namin sa kompanya niyo!" pananakot ko.

"Diyan ka naman magaling eh. Ang manakot. Pero kahit na nasa sa iyo na ako, tandaan mo, na kay Ayann pa rin ang puso ko."

Ang sakit lang. Napakasakit lang marinig ang mga sinabi niya. Magagawa ko, eh di naman niya ako mahal.

"Don't worry Brandy, mapapasaakin rin yang puso mo." pang aassure ko. Nakita kong umiling na lang si Brandy at umubob sa desk na inuupuan niya. Andito kami ngayon sa 4th floor last room. Medyo walang nagkaklase dito since napakataas na nga, napakalayo pa.

Dito kami tumatambay ni Brandy lage kapag nag aaway kami o umiiyak ako o nagsasabi ako ng mga hinanakit. Minsan, kasama namin sina Thalia at Dima. Pero di naman kami ganun ka close talaga. Minsan ko lang sila tawagan pag gusto kong asarin si Ayann.

Nung Freshmen at Sophomore pa lang kami magkakaibigan na kaming matalik nina Mimi at Ayann. Sobra ang closeness namin na tipong magkakapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Pero nasira lang iyon ng malaman kong nililigawan siya ni Brandy. Doon pa lang kinamumuhian ko na si Ayann, mas lalo lang lumala nung nalaman kong sila na at ang masaklap, lagi siyang kinokompare sa akin ng parents ko, na kesyo matalino na nga siya, responsible pa. Duh! Nakakabwisit. Puro siya na lang lagi bukambibig ng parents ko. Sige siya na ang anak!!!

Hinayaan ko muna ang galit ko kasi mabait si Ayann, pero di ko na talaga mapigilan ang sarili ko ng may malaman ako. Kaya mas lalo akog nagalit kay Ayann. To think na mahal ko si Brandy so inagaw ko siya. Alam ko ang bitch ko pero kailangan ko gawin ito dahil naiinis ako kay Ayann. She don't deserve to be happy.

Ampon lang siya eh, pero kung mahalin siya ng mga  umampon sa kanya parang anak talaga ang turing unlike me tunay nga eh di ko naman maramdaman na anak ako ng parents ko. Tapos kinokompare pa ako kay Ayann at bilib sila kay Ayann. My gosh!!! Ako ang anak dito. Kaya naman mas lalong lumaki galit ko sa kanya.

*Flashback

"Brandy, can we talk?" kakatapos lang ng klase namin at saktong absent si Ayann. Nagkasakit kasi. Buti nga sa kanya.

My Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon