Chapter 1

101 3 0
                                    

Si Ayann po yung sa may picture :)

Ayann's Point of View

"Ayan! Ayan! Ayan! Wake up! Wake up! Today's our gala day."

Yan ang alarm clock ko. Ang aking pinakamamahal na best friend na si Mimi.

"Mi, five minutes please." sabi ko sa kanya sabay talukbong ng kumot.

"No, no, no, gala natin today remember? Kaya wake up na dali!" yinugyog niya ako ng yinugyog kaya ako naman ay napabangon na. Hinarap ko siya na nakasibangot.

"Mi naman eh, antok na antok pa ako. Alam mo namang napuyat ako kagabi kakausap kina mommy at daddy sa Skype eh." sabi ko ng nakanguso.

"Oh, erase that pouty style my dear. Bumangon ka na diyan at gagala tayo. Remember na important day rin ito. May surprise ako sa'yo di ba?"

"Aish! Ano pa bang magagawa ko? Kahit itulog ko pa, kukulitin at kukulitin mo pa rin ako."

"Mabuti naman at alam mo. O siya bangon na dali!"

"Eto na nga po babangon na." Bumangon na ako at nagdiretso na ng bathroom.

"Yann, wait kita sa living room niyo okay?" sigaw niya pagpasok ko ng banyo.

"Fine!" sigaw ko rin.

In the living room
Mimi's POV

After kong lumabas sa napakalaking kwarto ni Ayann ay dumiretso ako agad sa salas nila. Pagdating ko dun ay naabutan kong nanunuod si Nico ng t.v., basketball ang palabas. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Hoy, ilipat mo nga yan sa mas magandang palabas." utos ko sa kanya. Okay, mukha akong rude sa ginawa ko pero ugali niya kasi ganun kaya dapat ganun din ang iparanas sa kanya.

"Wow ha! Nakakahiya naman sa'yo. Feel at home lang." sarkastikong sabi niya.

"Dapat lang na mahiya ka. Bisita ako dito."

"Sino nga dapat ang mahiya sa ating dalawa? Di ba dapat ikaw kasi bisita ka lang. At bakit? Bisita ba kita ha?"

"Hindi mo nga ako bisita pero bisita ako ng kapatid mo. Kaya dapat mahiya ka. Ang bastos mo rin noh? Nakakapagtaka nga kung bakit ang daming nagkakagusto sa isang tulad mo. Tch." inis na inis na sabi ko sa kanya.

"First of all, bahay KO ito kaya dapat ikaw ang mahiya, secondly, mas bastos ka kasi inuutusan mo yung may ari ng bahay. Third, gwapo kasi ako kaya madaming nagkakagusto sa akin plus MVP pa ako. And lastly, si Ayann kapatid ko? ASA. Ni hindi ko nga yan kadugo noh. So it means, mas mahiya ka, kayo dahil andito kayo sa mismong pamamahay KO." he said while greeting his teeth.

Magsasalita sana ako pero may nauna sa akin.

"Mi, let's go, baka magabihan pa tayo." sabay lapit at hila sa akin ni Ayann. Tinignan ko siya at nakita ko na maluluha na siya. Tinignan ko ulit si Nico at nangisi siya.

"Halika na Mi." Pilit pa rin sa  akin ni Ayann pero nagmatigas ako.

"Mi, ano ba, I said let's go." Halatang naiirita  na si Ayann.

"Wait lang Yann okay? Mabilis lang ito." bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin sabay binalikan si Nico. Magsasalita pa lang sana siya pero una nang dumapo ang aking mamahaling palad, dahil sa mga letseng sabon na pinapagamit sa akin ni mom.

Sinapak at sinampal ko lang naman siya. Kasunod naman ay malulutong na mura galing sa bibig niya.

"Thankful ako dahil tinuruan ako ng kuya ko mag-self-defense. You deserve it anyway, sa ugali mong napakasama, kulang pa yan." sabi ko ng galit.

My Empty SpaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon