chapter 2

21 4 0
                                    

Jisoo's pov

"WHOOOOO! WELCOMEBACK JISOO!!"

muntik nakong mapatalon dahil sa gulat ko ng biglang sumigaw si theo at niyakap ako mula sa likod.

Mahina ko syang siniko dahil sa ginawa nya. Abnormal talaga!

Kakarating lang namin ngayon dito sa bahay na binili ni jino para sakin. maganda, simple pero ang elegante ng dating.

Napakunot ako ng noo ng may naisip ako. Ako lang naman ang titira dito pero bakit ang laki? This house is too big for one person.

"Jino ang laki naman netong bahay na to!" Simpleng sabi ko sakanya habang pinapasok nila ni theo ang mga gamit ko.

"Mas okay na to jisoo. Wag ka magalala andito naman ako tuwing weekend eh!" Sagot naman nya sa akin bago sila umakyat sa taas ni theo dala ang gamit ko.

"Omg! Bee, excited nakong makasama ka ulit pumasok sa UBscout!" Parang kinikilig na ewan na sabi ni rose na kakapasok lang ngayon.

UBscout means, University of Bangtan scout. May sariling room kaming sampo dun nung high school kami. Yeah. Sampo lang kami dun. Pitong lalaki at tatlong babae. Di naman kami ganun kaclose pero during our high school days ay masasabi kong magkakasundo kaming lahat! Sa kalokohan lang...

"Ako rin naman eh! Teka buo pa ba ang star section?!" Tanong ko.

Nakanguso syang napatango kaya naman napakunot ako ng noo. Bakit mukha syang malungkot?

"Hey! Jisoo, Welcomeback!"

Agad akong napatingin sa pamilyar na boses kasabay ng paglingon ko ang paglaki ng mata ko ng makita ko ang lalaking kakapasok palang. OMG! I missed this dope guy!

"Omg! Janssen hope! You're here!" Masayang sabi ko. Nilahad nya ang dalawang kamay nya, kaya agad akong tumakbo sakanya at niyakap sya!

"Yah! I missed you jisoo! Why you took so long? Akala ko di kana babalik e!" Parang nagtatampong sabi nya. Nacutan ako sakanya kaya naman mahina kong pinisil ang pisngi nya.

"Pwede bang di ako bumalik? Andito kayong lahat na mga kaibigan ko eh!" Sabi ko. Napangiti naman sya sa sinabi ko bago ginulo ang buhok ko.

"Oh! Pre, andito kana pala! Tara kain muna tayo! Nagpadilever ako kanina e. Tara gutom nako!" Pagaaya ni jino samin.

Hinanap ko si theo dahil bigla syang nawala. San naman nagpunta yun?

Sabay sabay kaming tatlo nila janssen at rose na pumuntang kusina at ang alien kong kaibigan andito na pala kumakain na! Naku ka theo!

"Laki ng pinagbago mo jisoo ah? Mas gumanda ka pa lalo!" Pagpuna ni janssen sakin. Nginitian ko naman sya dahil may laman pa ang bibig ko kaya di ako makapagsalita.

"Gumanda lang! Di naman lumaki!" Singit ni theo sa usapan namin. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Oo nga bee, hiyang na hiyang ha!" Sabi naman ni rose. Kaya naman tinignan ko sya ng 'well-dyosa-kasi-ako-look'

"Flat chested naman!" Singit na naman ni theo kaya sinamaan ko ulit sya ng tingin.

"Alam mo theo, gusto ko sanang ipalamon sabay sabay sayo tong lahat kaso sayang naman kung ikaw lang makikinabang kaya wag nalang!" Sarcastic na sabi ko sakanya.

Nginitian nya lang ako ng mapangasar bago nagtuloy tuloy sa pagkain. Alien talaga!

"Oy gabo!"

Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinigaw na pangalan ni janssen. Awkward akong napasubo bago dahan dahan tumingin kay gabo.

Skool Luv Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon