chapter 8:

6 2 0
                                        


Jino's pov




Nasa tambayan lang kaming apat ngayon. Dito sa carwash bar na pagmamay ari ko. Malapit lang to sa school kaya dito kami madalas pag break time.




"Si jisoo oh! San naman kaya sila pupunta ni theo?"




Biglang sabi ni janssen bago humithit ng sigarilyo.





Napatingin naman ako kela jisoo at theo na sweet na magkaakbayan habang naglalakad.




"Lately napapansin kong sobrang sweet ng dalawang yan, sila na ba?" Tanong naman ni raph bago itinapon ang sigarilyo nya.




Sa totoo lang napapansin ko rin yun. Magkasama sila buong maghapon at para bang hindi sila nagsasawa sa isat isa.





Pupunta si theo sa bahay ng napakaaga para sunduin si jisoo tapos ihahatid din nya pauwi.




Wala naman kaso yun dahil kaibigan ko naman sya at bestfriend sya ni jisoo, mas okay nga yun dahil mas sure ako na ligtas sya.




Ang kaso nga lang parang halos di na sila mapaghiwalay. Pagihahatid nya pauwi sa bahay si jisoo ay hindi pa sya uuwi bagkos ay tatambay pa sya sa bahay hanggang sa duon na sya maghapunan. Kulang na nga lang sa bahay na sya ni jisoo tumira eh!


Pero syempre di ko naman hahayaan yun noh!





"Sa tingin ko naman hindi. Kilala naman nating silang dalawa. Kahit noon pa man ganyan na talaga sila kalapit sa isat isa.." sabi ko naman.




Totoo naman kasi yun. Lagi silang may sariling mundo na dalawa bukod pa dun parehas silang weird kaya magkasundong magkasundo silang dalawa.




"Hindi sila pwedeng dalawa!" Biglang sabi naman ni gabo habang umiinom ng canbeer nya.




"At bakit naman?" Tanong ko.





"Parehas silang lalaki." Diretsong sabi nya kaya medyo napangiwi kaming tatlo.





Sinasabi nya bang mukhang lalaki kapated ko? Ang ganda kaya ni jisoo gago to? Nag mana sakin yun ng kagandahan eh, pero syempre mas maganda ako dun.





"Oooy! Joke ba yun gabo? Tangina gumaganon na ah!" Natatawang sabi ni janssen.





"Di bagay kay gabo gago!" Nayatawa ring sabi ni raph kaya naman natawa kaming tatlo.




"Do you wanna die?" Biglang tanong ni gabo kaya bigla rin kaming tahimik.




Aba baka bigla kaming barilin neto dito noh! Mas baliw pa naman to sa dalawa.




Padabog na binuksan nya ang can beer nya bago diretsong ininom yun habang nakatingin sa dalawa na kausap na si rose.




Nagtingin kaming tatlo bago nagpigil ng tawa. Halata naman kasing nagseselos sya di pa umamin! Masyadong indinial!




Gisto rin naman sya ng kapated ko eh! Bakit ba ayaw nya? Maganda naman si jisoo matalino at talented, yun nga lang may pagkaweird parang si theo.





"Ehem! Matunaw kapated ko, ehem!" Pagpaparinig ko.





"Gago! Si rose yung tinitignan ko! Tignan mo! Kausap si jisoo.. pakiramdam ko may balak syang sabihin kay jisoo yung tungkol satin at sa nangyari kay veronica eh!" Seryosong sabi nya kaya naman napatingin kami kay rose.




Skool Luv Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon