Jisoo's pov
Patuloy lang ako sa pagtakbo na para bang may humahabol sa akin napatingin ako sa paligid ko may mga kasama akong mga lalaki at babae sabay sabay kaming tumatakbo na para bang may tinatakasan....
Tumingin ako sa likod ko para makita kung sino ang humahabol samin but all i can see is dark....
Pilit akong sumisigaw pero parang walang lumalabas na boses sa bibig ko kaya naman mas nilakasan ko pa pero wala paring epekto yun.
Natatakot ako, di ko alam kung bakit ako tumatakbo. Di ko alam Kung sino o kung ano nga ba ang humahabol samin! Bakit kami tumatakbo?
"Jisoo, gising!"
"Gising, jisoo!!"
"Hoy! jisoo di ka ba gigising!"
Tuluyan aking napadilat ng maramdaman ko ang malakas na sampal saakin ng mabait kong kaibigan. Napatingin sa kanya na puno ang pag aalala. Kasama nya si jino at theo na ganun din ang reaction.
"Bee, okay lang?" Nagaalalang tanong ni rose.
"Kita mo ng binabangungot tatanungin mo kung okay lang? Ikaw? Okay ka lang?" Pambabara sakanya ni jino.
"Wag nga kayo magtalo jan! Intindihin nyo muna si jisoo!" Saway naman ni theo sa dalawa. Thankyou theo. Hayss.
Napangibi ako sa sobrang sakit ng katawan ko habang tumatayo paupo sa kama ko. Bakit ba nila ako pinapalibutan na parang nilalamayan?
Like duh! Lahat sila nakaitim! Kaya siguro ako nanaginip ng masama dahil sa mga to e!
"Ano nangyari? Bakit kayo nandito?" Nagtatakang tanong ko.
Nagtataka silang nagtinginan sa isat isa bago sakin ulit kaya naman napakunot ang noo ko sakanila. Srsly?
"Di mo alam na binangungot ka?" Nagtatakang tanong ni jino sakin kaya napatitig ako sakanya.
Paano nila nalaman?
"Myghad! Bee, nakakaloka ka! Di mo ba talaga alam na nagsisigaw ka at nagpapagyak ka pa kanina dito habang natutulog?" Pahysterical na sabi ni rose kaya naman napatakip kaming tatlo nila theo ng tenga. Bakit ba ang tinis ng boses ng babaeng to!
"Pwede ba rose? Sakit sa tenga e!" Iritang sabi ni jino.
"Edi magtakip ka! Problema ko ba yun?!" Pasigaw na pagtataray naman ni rose.
"Bakit ka ba sumisigaw? Wala ka naman sa palengke ah?!!" Sigaw naman ni jino kay rose, kaya naman napabusangot nalang si theo dahil sa dalawa, pero bago pa mabasag ang eardrums namin ni theo ay pinigilan ko na sila.
"Hephep!! 5minutes... kahit 5minutes lang tumahimik muna kayo!" Awat ko sa dalawa napatahimik din naman sila kaya huminga muna ako malalim bago magsalita ulit.
"yun ba talaga ang nangyari?" Tanong ko sakanila sabay sabay naman sila napatango kaya napailing nalang ako.
Wala naman siguro yun diba? Panaginip lang yun kaya imposibleng mangyari yun. Tska masyadong creepy yun para mangyari! Masyadong malayo sa realidad..
--------
"Ready kana jisoo?" Napatingin ako kay jino na nagdadrive.
Sinundo kasi ako nila jino rose at theo sa province namin. Sa totoo lang di ko alam kung bakit andito parin sila thwo at rose samantalang dapat nung nakaraang araw pa sila nakauwi ng bangtan pagkatapos malibing ni lola. di naman sa ayaw ko silang makasama ngayon pero diba? Pwede naman nila hintayin nalang ako sa bangtan City, bakit kailangan pa sila talagang tatlo ang magsusundo sa akin?
Well, jino is my old brother and he is the only family i have. Patay na kasi ang mga magulang namin dahil sa car accedent at sya nalang ang nagiisang bumubuhay sakin. 10 years old ako nung namatay sila habang si jino naman ay 15 years old noon. Di ko alam kung paano nya nahawakan ng maayos ang business na naiwan nila mama at papa pero simula nun ay humanga nako sakanya. Para sakin sya na ang pinaka mahusay na kuya slash mama slash papa! Pero nung nag grade 8 ako pinadala na nya ko sa province masyado kasi akong depress nun at masyado na syang busy para alagaan pa ko kaya pinagkatiwala nya ko kela lola pero ngayon na wala na rin si lola ay sa bangtan na ulit ako titira kasama ni jino. Di ko sya tinatawag na kuya dahil masprefer nyang jino nalang ang tawag sakanya.
Si theo naman nakilala ko sya nung kinder pako. Sunod kasi sya ng sunod sakin nun kasi nawawala na pala sya kaya tinulungan ko syang makauwi buti nalang at kilala rin pala sya ni jino at kalaro nya pa kaya mas napadali ang paghahanap namin sa bahay nya. Madali lang syang maging close kaya simula nung araw na yun ay naging bestfriend ko na sya. Si rose naman bestfriend ko since grade 1 nakilala namin sya nila jino at theo dahil tinapunan lang naman nya ng soda ang favorite pink tshirt na may mario design ni jino kaya ayun simula noon at ngayon ay di parin sila magkasundo.
Actualy anim kami si janssen at gabo yung dalawa. Si janssen at gabo? Para silang sun and moon, alam mo yun? Pagnagkakadikit sila parang may solar iclips na nagaganap. Pero kung di mo ko nagegets ganto! Opposite kasi sila ng ugali si janssen palangiti madaldal at masayahin habang si gabo naman ay tahimik antukin at walang pake sa mundo!
"Excited na kong makita sila janssen!" Masayang sabi ko kaya naman napatingin sakin si rose.
"Si janssen ba talaga? O si gabo?" Pagsusuri ni rose sakin agad ko naman syang tinaasan ng kilay dahil dun.
"Syempre parehas sila! Parehas silang kaibigan ko e!" Simpleng sabi ko. Pero pinaningkitan lang ako ng mata ni rose na para bang di aya naniniwala.
"Wag mo nga kong tignan ng ganyan rose!" Iritang sabi ko.
Alam kasi nilang may gusto ako kay gabo e. Pero the fuck! Ang tagal na nun di pa rin nila nakakalimutan? Tsk.
Naalala ko pa nung araw bago ako umalis nagsabi ako sakanya na antayin nya kong bumalik dahil sa pagbalik ko ay ako pa mismo ang manliligaw sakanya, what the hell' diba? Pero mas nakakaloka sya! sinagot ba naman sakin ay 'i dont give a shit! Dont comeback or else i'll bite you!' Tss. Nakakagago diba? Di ko alam kung bakit ako nagkagusto sa lalaking yun samantalang mukha naman yung hito! Basta nacucute-an lang ako sa ngiti nyang kita ang gilagid pero simula nung sinabi kong gusto ko sya nilayuan na nya ko at di na ako pinansin pa ulit.
"Wag mo na nga asarin si jisoo kay gabo gilagid! Sobrang tagal na nun oh!" Dipensa naman ni theo para sakin. Buti nalang talaga andito tong bestfriend ko!
"At di parin sya magugustuhan ni gabo! Ang pangit pa rin netong si jisoo e!" Dugdug pa nya.
Okay.. binabawi ko na na bestfriend ko sya! Tsk! Nagtawanan sila dahil sa sinabi ni theo habang may pahampas hampas pa tong si rose sakin.
Sige lang mang asar lang kayo! Sa ganda kong to! Tignan lang natin kung hindi lumuwa mata ng hitong gilagid na yun! Pagsisisihan nyang nireject nya ko!

BINABASA MO ANG
Skool Luv Affair
Fanfiction"We're friends but we felt a different love." "Were bestenemy but we love each other." "We love each other but why its so hard for us to be togehter" "I'm having a bad feeling of being inlove with a fckboi."