Chapter 10:

5 2 0
                                        

Johhan's pov





"ANG KAPAL NG MUKHA MO JOHHAN!"





Sigaw ni lisa kasabay ng malakas na sampal nya sakin.





"Kaibigan mo si bryan, johhan! How could you kill your own friend just because he knows your dirty secret?!" Mangiyak ngiyak na sabi nya.





Kung alam lang nya... hindi kaibigan ang tingin sakin ni bryan. Kung alam lang nya... kung di ko pinatay si bryan... ako ang mapapatay nya.





"Wala kang alam lisa." Mariing sabi ko.





Mas lalong lumakas ang pagiyak nya at nagsimula na naman sya sa pagsuntok sa dibdib ko.





"Gago ka, johhan! Ikaw yung walang alam! Akala mo ba di ko alam kung ano ang tinatago nyo?!"





Mabilis akong napatingin sakanya dahil sa sinabi nya. Anong alam nya?





"Oo, johhan! Alam ko lahat! Alam ko lahat kasi isa ako sa mga tinuturing mong kalaban! Kasama ko sa gang si bryan!" Umiiyak na sabi nya.






Sobrang maga na ng mata nya dahil kanina pa sya iyak ng iyak. Walang nakakarinig samin dahil nandito kami sa condo ko.





Halos manlumo ako sa sinabi nya. She's a friend of mine, a special friend that i cant afford to lose kaya ang sakit para sakin na malaman na yung babaeng mahalaga sakin ay isa sa kalaban ko.





Hindi ako kasama sa isang gang. Oo pumapatay kaming pito pero trabaho lang yun. Ayaw rin naman naming pumatay pero kung di namin gagawin ay kami ang mamatay.





Ang gang nila bryan at lisa ay hawak ng isang mafia na matalik naming kalaban at ang founder ng mafia na yun ay ang anak ng isa sa mga taong sumira sa buhay namin.





Kaibigan sya ni Gov.Santiago pero trinaydor sya neto kaya simula nun ay naging magkaaway na sila.




"Lisa bakit? Trinaydor mo.." nanghihinang sabi ko.





Hindi ko akalaing pati sya.... ang sakit!





"Johhan, makinig ka! Balak kong sabihin sayo pero---"







"PERO ANO LISA? KAHIT ANONG PALIWANAG MO TRINAYDOR MO PARIN AKO!"





Di ko na napigilan ang sarili ko kaya napagtaasan ko sya ng boses. Halo halo na ang nararamdamam ko.





Galit, panghihinayang at ang sakit na malaman na yung taong pinahalagahan mo ay trinaydor ka...





"Johhan, please! Makinig ka naman---"






"Manahimik ka lisa! Umalis kana, baka ano pang magawa ko sayo!" Mariing sabi ko.





Parang dinudurog ang puso ko ng makita kong syang naglalakad palayo.






"Bakit lisa? Pano mo nagawa sakin to?"







Napakuyom ang kamao ko ng maalala ko ang araw na yun...






'sana di nalang kita nakilala lisa.' Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sya habang walang malay.






"Chineck ko na ang CCTV camera palibot sa bahay na to, at ito ng nakita ko. Panoorin nyo to mga tol!"






Skool Luv Affair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon