Akira's POV
"Kira san ba talaga tayo pupunta? Bigla bigla kana lang pumasok sa kwarto ko hindi ka man lang tumawag o nagsabi man lang! Binasag mo pa yung bintana ko gamit ang bato alam mo ba kung gaano yun kamahakvjdijnaoiuwiefnkscmqopfksjncaie-
Pinasakan ko ng tinapay ang bibig niya, tinanggal naman niya iyon at nagbunganga ulit
"San mo ba nakukuha tong mga tinapay na ito? Bakit lagi kang may ganito? For god's sake Akira it's midnight! Where the hell are we going?!"
Sasabog na ang ulo ko sa babaeng ito, pinasakan ko nalang ng earphones ang tenga ko at sinagad ang volume para hindi marinig ang mga reklamo niya.
She crossed her arms and rolled her eyes at me.
Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa aming destinasyon, ipinark ko ang kotse ko sa isang saradong convenience store na malapit sa University.
"My gosh Akira magpapasama ka lang pala bumili di mo agad sinabi! Ano namang trip mo at hatinggabi kapa nagpasama?"
Bumaba siya ng kotse at sinilip silip ang bintana ng tindahan, lumabas na din ako ng kotse at tumingin sa direksyon kung nasaan ang university.
"Ano pang ginagawa natin dito? Can't you see it's closed, mag mall nalang tayo bukas kung may gusto kang bilhin sasamahan kita. Ililibre pa kita" pagkatapos niya itong sabihin pumasok na ulit siya sa loob ng kotse
Nagsimula na akong maglakad papunta sa University, sinadya kong doon ipark ang sasakyan para hindi mapansin ng mga guwardiya. Lumingon ako kay Jenny na lumabas ulit ng sasakyan na may halong pagtataka.
"What are you waiting for?" sabi ko at naglakad na ulit, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Jenny at hinahabol ang hininga
"Akira... Wait..."
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya
"San ba talaga tayo pupunta?" hindi niya ba talaga maintindihan? -_-
"Sa library, satisfied?" nagulat naman siya sa sinabi ko at hinampas ako sa braso. Ouch.
"My gosh Kira alam ko naman na bookworm ka pero, hello to world? Tok! Tok! Brain, nasan kana ba? The school hasn't opened yet at this hour, it's only 1 o'clock in the morning, pwede bang ipagpaliban mo muna yang pagbabasa mo?"
Dinukot ko yung papel na nasa bulsa ko
"Look" inabot ko sa kanya yung papel
"What's this? Don't tell me we're going to find this nonsense?"
This girl is such a nuisance
"Yep, that's why we're heading to the library"
"Didn't you hear what I've said a while ago? THE.SCHOOL.HASN'T.OPENED.YET.AT.THIS.HOUR" she's really getting into my nerves
Kinuha ko naman ang mga duplicate keys ng school sa bulsa ko at iwinagayway sa mukha niya. She sighed in defeat at itinaas ang mga kamay.
--
Nang nasa tapat na kami ng gate ay dahan dahan ko itong binuksan gamit ang susi, malamang. Buti nalang tulog ang guwardiya, nilock ko ulit ang gate sakaling magising ang guwardiya para hindi maghinalang may nakapasok.
"Kira sigurado kaba sa gagawin natin?! Baka kalokohan lang ang librong yan" kahit kailan talaga napakalakas ng boses ng babaeng ito
Tinakpan ko ito gamit ng kamay ko

YOU ARE READING
Forbidden Book of Love
FantasyWhat many people desire A love that is afire A book will suffice But demands great sacrifice