"Kiraaaa please lang ayoko na pumunta sa library naaalala ko yung bad guy" pagmamakaawa niya sa akin, kulang nalang lumuhod siya sa harapan ko
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papuntang library hahanapin ulit namin ang libro, hindi kami pumasok kahapon dahil nga puyat kami at sigurado rin naman akong tatamadin din itong babaeng ito.
"Shut up, diba sabi mo kahapon sasamahan mo ako"
"Ha? Kailan?"
"Kahapon"
"Ish Kira sinabi ko nga yun pero diba sabi ko sasamahan kita kung di tayo tumuloy nung gabi"
Ano bang pinagkaiba nun? Minsan talaga hindi ko maintindihan kung anong gustong ipahiwatig ni Jenny.
"Wag mong sabihing bitter ka pa rin kay Darren"
Bakas sa mukha niya ang panggigigil
"Anung connection ng library kay Darren?" naiirita niyang tanong
"Don't act like as if you don't know him, alam mo namang may pagkabookworm din yang si Darren at halos maghapon siya sa library kasama ang GIRLFRIEND niya na may may pagkanerd pero MABAIT" diniinan ko talaga yung word na "grilfriend" at "mabait"
Nakakatawa ang itsura niya ngayon siguro sa isip nito pinapatay na niya ako
"At isa pa I ACCIDENTANLY opened your account a while ago at nangunguna sa recent searches mo si Darren at Ariane" sabi ko at ngumiti
Kumunot naman ang noo nya at mga ilang segundo pa ang lumipas bago magsink in sa utak niya ang sinabi ko kaya nagulat siya.
"WHAAAAAAATTTTT???!!"
Nagtinginan naman samin yung mga tao sa hallway at nagbulungan. Psh mga tsimoso at tsismosa
"Oh come on, I'm your bestfriend lahat alam ko" sabi ko at kumindat sa kaniya
Jenny's POV
Andito nanaman kami sa library naghahanap na naman ng librong hindi ko alam kung nageexist ba, kakapagod na ha
"Kira dun lang ako sa may table pagod na ako e"
"Wala ka ngang ginagawa" sagot nito ng hindi tumitingin sakin at patuloy pa rin sa paghananap
Dinilaan ko lang siya at pumunta sa kabilang table at umupo, iniwan ko na roon si Kira bahala siya. Umubob nalang ako sa lamesa dahil inaantok ako ilang araw na rin pala akong walang boyfriend isang himala, si Russel kasi ang sunod kong biktima kaso simula nung nagkabungguan kami ay hindi ko na siya nakita.
"Darren wag ka ngang maingay baka mapalabas tayo dito" rinig kong sabi ng nakasalaming babae sa may right side ko
Base sa tono ng boses niya ay kilala ko na kung sino ito, dito pa naglandian ang mga haliparot na ito bakit hindi ko agad sila nakita kanina? Nevermind. kinuha ko nalang ang libro sa lamesa at binasa ito. Hay nako wala pa yan sa kalingkilan ng landian namin ni Darren, naghahalikan kami dito sa library.
Waaaaaaaaaa erase erase ano ba Jenny ano ba yang iniisip mo! Aish kalimutan mo na siya
"I love you!" rinig kong sabi ni Darren kay Ariane
3rd year siya pero kami ay 4th year na. Yung Ariane the mermaid naman kilig kilig pa eh mas sweet pa kami dati ni Darren eh. Nako ERASE! ERASE! Papakita ko sa kanila na hindi ako affected.
May nakita akong lalaki na papalapit sa table ko hinila ko siya at biglang napaupo sana hindi to panget nako mapapahiya ako nito. Humarap siya sa akin, si Russel pala ito e bakit ngayon ko lang to nakita? Anyway ano bang pakialam ko
YOU ARE READING
Forbidden Book of Love
Viễn tưởngWhat many people desire A love that is afire A book will suffice But demands great sacrifice