Chapter 3

27 2 3
                                    

Akira's POV

Simula talaga nung malaman ko yung tungkol dyan sa Book of Love nayan hindi na ako mapakali, feeling ko there's a part of me connected with that book.

"Akira I've been calling you five times and yet you're not answering me what's up with you today are you with us!? " galit na sigaw ni Miss Sylvestia teacher namin sa Science.

"Ah s-sorry po " napapahiyang sagot ko tyaka ako tumungo.. Grabe naman na itong kahibangan ko... Focus. Focus

"Again, define what is the meaning of Wave theory " parang dismayadong tanong nya ulit.

"Explains that light was a wave motion which starts from a vibrating body and is transmitted at high speed " siguradong sagot ko. Wag ka nga advance reader to.

"Oh very good but next time try to explain it in your own words not according to the book. Always remember students just read it and understand what it means and try to expound your thoughts in that way it will be much easier to you to study, don't memorize it cause it will take all your time" nangangaral nyang paliwanag. Aaminin ko I'm more in memorization so that's why.

Nagtuloy tuloy na sa pagdidiscuss si Ms. Slyvestia habang ako ay patuloy pa rin sa kakaisip.

"Okay class dismiss don't forget to study what we've discuss today, advance reading na rin kayo for next meeting"nakangiti nyang paalala bago tuluyang umalis.

"Heller Akira what's wrong with you" matinis na panimula sakin ni Jenny habang kumakaway kaway pa sa harap ko .

Inirapan ko lang sya. Kahit kailan talaga itong babaeng ito. Sa sumunod na klase wala yung teacher namin pero nag iwan sya ng seat work kaya naman agad ko itong tinapos, nung matapos ko na yung seatwork nakaramdam ako ng antok kaya pumaling ako kay Jenny.

"Jenny paki pasa mo naman itong sa akin mamaya, iidlip lang ako"antok na antok na sabi ko sa kanya.

'Yawn'.....

---

"Akira tara kain na tayo" yaya sa akin ni ate

Sabay sabay kaming kumain nina Mommy rito sa park, nagyakag kasi akong gumala sa park para mag picnic. Masaya kaming tatlo habang sabay sabay na kumakain. Matapos naming kumain niligpit na ni Mommy yung mga pinagkain namin.

"Girls come here group hug" nakangiting usal ni Mommy sabay naman kaming tumakbo ni ate papunta sa kanya at yumakap.

Habang nakayakap ako kay Mommy napatingin ako sa mukha nya at takang napatingin sa mata nya dahil parang umilaw ito at naging kulay green. Kumurap ako ng kumurap tapos tumingin ulit ako sa mata ni Mommy pero kulay itim na ito.

"Girls let's play hide and seek Mom will count 1-50" nakangiting paliwang ni Mommy sa aming dalawa ni Ate.

Nakangiti naman agad akong tumakbo sa malagong mga halaman at tyaka umupo doon, dinig na dinig ko pang bumibilang si Mommy. Si ate naman ay kitang kita ko na nasa likod ng puno.

Maya maya pa ay napatingin ako sa mismong kinatatayuan kanina ni ate pero wala na sya doon. Kaya hinawi ko ang mga dahon at sumilip ako.

Doon ko nakitang napapalibutan si Mommy at Ate ng mga nakaitim na lalaki .....biglang dumilim ang paligid nakaramdam ako ng hirap sa paghinga at saka tuluyang natumba sa lupa.

Nagising ako sa nagliliwanagang ilaw sa hospital. Iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng ospital at tanging si Daddy lang ang nakita ko nakatingin sya sa akin habang umiiyak.

Forbidden Book of LoveWhere stories live. Discover now