Chapter 5

5 0 0
                                    

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay madali kong tinungo ang study room kung saan madalas naglalagi si Daddy. Agad ko naman syang nakita na nakaupo sa table at may binasa habang umiinom ng kape. Agad kong nakuha ang atensyon nya kaya ibinaba nya ang binabasang libro.

"Oh, Elliz maaga ka yata ngayon. How's school?" pambungad na tanong nya sa akin, matapos ay muling sumimsim sa iniinom na kape.

"Hi Dad, umuwi na po kase ako ng maaga kase I need to ask you something" I badly need to hear the truth about me. Kung sino ba talaga ako.

"What is it Darling?" tanong nya.

"Dad, I want you to be honest with me. I need you to tell me who really am I." lumapit na ako sa kanya, at buong tapang na tumitig sa kanyang mukha.

"What are you talking about Elliz? You are my daughter!" mukhang naguguluhan na sya sa aking mga sinsabi.

Nagsimula nang pumatak ang luha ko. "Dad please I am begging you" patuloy ako sa pag-iyak, nangangatal na din ang aking katawan.

Biglang nagbago ang facial expression ni Daddy, mukhang surrender na sya.

"Akala ko... maitatago kita, mapoproteskyunan at mailalayo sa kapahamakan. Kusa mo palang tatahakin ang iyong kapalaran" tumayo si Daddy sa pagkakaupo nya at naglakad patungo sa aking harapan. Noong magkaharap na kami agad syang lumuhod at natungo ng ulo. "Greetings Princess Aurora" naguluhan ako bigla.

Kaagad din naman akong lumuhod upang maging magkapantay kami. "Daddy come on don't kneel in front of me. Stand up." hiniwakan ko ang magkabila nyang balikat upang siya ay patayuin.

"Explain everything you know to me please"

"My real name is Isaac I am one of the servants of Princess Ateena." panimula nya.

"How about Ate Maurice. Who is she?" putol ko sa pagsasalita nya.

"She is not your sister, noong panahon ng digmaan habang tumatakas kami kasama si Healer Mariya ay may nakita kaming isang naghihingalong commoner, may dala dala itong sanggol, papagalingin na sana ito ni Healer Mariya ngunit nagmakaawa itong kunin nalamang namin ang sanggol at alagaan. Kung magtatagal pa kami ay baka maabutan kami ng mga kaaway. Kaya kinuha nalang namin ang sanggol at isinama dito sa mundo ng mga tao. At siya nga ang iyong kinilalang Ate Maurice" ngayon nagkakaroon na ng sense ang mga bagay bagay na gumugulo sa aking isipan.

"So, what happened in the park was all true?" agad namang tumanggo si Daddy.

"Yes, it was all true and if Healer Mariya didn't save you back then, you could have been abducted too" so, ibig sabihin kaya ako nawalan ng malay noon ay dahil kay Ms. Flores or Ms. Mariya.

"You've been in coma dahil sinigurado nya that your presence will vanish so the enemies will not come back. Dapat ay parehas kayo ng Ate Maurice mo na maiiwan dito ngunit hindi na inabot ng Healer ang iyong Ate." nakita ko na magkasama si Ate at Mommy na napapalibutan ng mga lalaking naka-itim. Kung hindi tumakbo si Ate patungo kay Mommy ay maaaring kasama ko pa sya ngayon.

"By enemies you are pertaining to whom?" hindi ko parin nalalaman kung sino ba talaga ang dumukot at nagbalik kay Mommy sa loob ng Life Kingdom.

"The Deavarts, alam nilang nasa mundo ng mga tao ang Princess dahil nakasunod ang iba sa kanila dito. Balak nilang kuhanin sa Princess ang rainbow crystal upang muling buhayin ang anak nang Supreme Commander na nakatakdang sanang mamuno sa buong Dark Empire. Ngunit hindi nila alam na wala ito sa pangangalaga ng Princess at upang mailigtas ka, taos pusong sumama ang Princess sa mga Deavarts."

ngayon ay lubos na akong naliliwanagan sa mga bagay na nangyari noong bata pa ako. Pero may isa pa akong ipinagtataka.

"Who is my father?" naisambit ko na lamang ang laman ng aking utak.

"I am sorry Royal Princess, but I don't know who he is, tangging ang iyong ina lamang ang makakasagot nyan."

Kaagad kong niyakap ang kinagisnan kong ama sa loob ng 19 years.

"You will always be my Daddy no matter what"

Matapos ang aming usapan ay agad akong umakyat sa aking kwarto upang simulan ang pag-aaral ng librong ibinigay sa akin ni Ms. Mariya. Nalaman ko rin na isang Intensifier si Daddy, kaya niyang palakasin ang kanyang dalawang kamay. He even demonstrated it, he grabbed the wall that causes cracks and then turn the handful cement into dust. Ayun tuloy sira yung wall sa study room nya.

Manipis lamang ang libro kaya agad akong nagsimulang magbasa. Nagsimula ito sa history ng mga healers, na hindi sila kabilang sa Light or Dark Empire dahil nakabukod sila at hindi sumasali sa away nang magkabilang panig. Nakapaloob din dito sa libro ang unang leader ng mga healer at ang mga naging tagapagmana nito. Si Ms. Mariya ay pangsiyam na namuno sa mga healers. Sa sumunod namang pahina ay ang kapangyarihan ng mga healers.

May mga larawan sa libro ng mga healer na nagpapagaling gamit ang liwanag sa kanilang mga palad.

Sumunod ay ang kakayahan nilang magpatulog gamit ang kanilang boses. Naroon din ang kakayahang makagawa ng sound waves na kayang makasira ng mga bagay. Mayroon ding nakakabinging ingay na kayang makapapagpatigil ng tao dahil sa dala nitong hapdi at sakit sa taong makakarinig.

Matapos kong magbasa ay agad kong tiningnan ang aking mga palad. Kaya ko ba talagang mangamot gamit ang mga kamay kong ito? Sa loob ng isang buwan ay kailangan kong ma-master ang pagiging isang healer upang makapasok ako sa sinasabing Misty Academy ni Ms. Mariya.

"Where's the Princess?" naulinigan kong boses, nangagagling siguro ito sa sala sa ibaba. Si Ms. Mariya nadito?

Kaagad akong lumabas ng kwarto ko kaya naabutan ko sila ni Daddy na naguusap nga sa sala. She's here and nakita ko sa gilid nya ang dalawang malaking maleta, na siguro ay puno ng mga gamit nya. Is she going to live here?

"Hanggang ngayon ba naman Mariya in denial ka parin sa feelings mo sa akin? Kunwari kapa, gusto mo lang talaga na mag-live in na tayo eh." OMG is this guy really my father? Gwapo naman talaga si Daddy naalala ko pa nga nung umaattend si Daddy sa Family Day yung iba mga nanay sa kanya nakatingin eh, tapos tinatanong nila ako kung kuya ko ba raw sya. He looks so young to be my father, now it makes sense. Pero talking like this in front of Ms. Mariya, cringe HAHA. Di ko alam close pala sila.

"Tigilan mo ako Isaac! You know the number one rule of our familia, we can't love someone because we will lose our abilities." madiin ang pagkakasabi ni healer Mariya noon. Mayroon palang ganoong rule bakit hindi ko nabasa kanina sa libro? Mukhang kailangan ko itong basahin ulit baka may nakaligtaan akong pages o baka naman sadyang wala lang ako sa sarili ko at mahina ang comprehension.

"So, kung nagkataon pala na hindi ka healer mayroon akong pag-asa sa'yo?" tanong ni Isaac sabay taas baba ng kilay nya, I didn't know na ganito pala talaga ang ugali nya. He's a good actor huh, acting like a real father to me.

"Dream on, kahit pa sa next life natin wala kang pag-asa sa akin." matinis na pagtataray ng Healer tapos ay inirapan nya si Isaac.

Hindi parin nila napapansin ang presensya ko, mukhang tuon na tuon ang atensyon sa isa't isa kaya agad akong nagsalita. Sayang ang cute pa naman nila may spark.

"Hi Ms. Mariya" kaagad akong lumapit sa kanya.

"Princess, I would like you to know that I will live here for the time being. I will guide you to master the healing ability." paliwanag nya sa akin. Kaagad namang napatawa sa gilid si Daddy/Isaac kaya sinamaan sya ng tingin ng Healer.

Naiwan nalang kaming dalawa dito ni Ms. Mariya dahil umakyat na si Daddy para matulog. Biniro pa nga nya si Ms. Mariya na "feel at home" raw bago ito nagtungo sa kwarto nya.

Sinabi rin sa akin ni Isaac ay h'wag ko na raw syang tawaging Daddy dahil isa raw akong Royal at sya ay Intesifier lamang, kaagad naman akong umalma pero talagang mapilit sya kaya napagkasunduan nalang namin na tatawagin ko nalang syang Kuya tutal mukha naman talaga syang bata pa. Napilit ko pa rin naman sya.

Pinaliwanag sa akin ni Ms. Mariya na mahirap daw talaga ang pangagamot, na kagaya ng ibang category ay kumukuha din ito ng lakas ng gumagamit. Para kana ring nakikipaglaban kapag nangagamot ka.

"Simula bukas Princess ay mag-eensayo na tayo, hindi kana papasok sa school. Kailangan mo kaagad matutunan ang kakayahan naming mga healers."

-yahyouknow-

Forbidden Book of LoveWhere stories live. Discover now