I was spacing out the whole time. I am laying on my bed looking at the two pieces of paper that I pasted on the wall of my room. The first one is the note that the masked guy left me after our encounter. The other one is my drawing of the symbol that I saw in his shirt. I am trying to gather up my thoughts, but nothing comes to my mind who they might be. The least that I can do is to find that book.
Kinabukasan agad akong naghanda upang pumasok, kailangan ko na talagang mahanap sa lalong madaling panahon ang hinahanap kong libro, dahil ito lang ang alam kong paraan upang malutas ang mga katanungan sa utak ko.
Nagpaalam ako kay Jenny dahil balak ko ngayong mag cut ng klase upang makausap ulit si Ms. Flores.
Natungo ako sa library, agad akong nagpunta sa desk ni Miss Flores ngunit wala ito. Wala din namang tao sa library dahil nga classes hours ngayon. Naglibot ako upang hanapin sya dahil baka nag-aayos lang sya ng mga libro. I saw her right away, she is organizing the books that the students borrowed. I instantly moved to go to her.
"Good Morning Ms. Flores" agad akong bumati upang ipaalam ang presensya ko.
"Ano na naman ang ipinarito mo sa akin? Kung tungkol na naman iyan sa librong iyong hinahanap wala na akong maitutulong sa iyo, ang alam ko lamang ay talagang mapanganib ang librong iyan" patuloy sya sa pagsasalansan ng mga libro kaya agad akong tumulong sa kanya.
"I'm earnestly asking your help Ms. Flores. I am so desperate to find it, any clue or information will help" masuyong pahayag ko sa kanya, nauubusan na ako ng oras dahil alam ko na magpapadala na sila ng mga tao upang hanapin din ang libro. Kailangan ko silang maunahan.
Napansin ko ang pag-iiba ng ekspersyon ni Ms. Flores agad syang tumingin sa paligid. "Determinado kaba dyan sa hinihiling mo sa akin?" tanong nya habang sinusuri ang mata ko.
"Opo kailangan ko po talagang makuha ang libro bago ako maunahan ng iba" mukhang maraming nalalaman ang matanda sa mga natatagong hiwaga ng library na ito at sa lihim na ikinukubli ng librong iyon.
"Sige sumunod ka sa akin" tumalikod na sya at nagpaunang maglakad kaya agad din akong sumunod sa kanya.
Nagtungo ang matanda sa kanyang desk, may kinuha syang susi at agad na nagtungo sa bookshelf sa likod. Umupo sya at mabilis na ipinasok ang susi sa maliit na butas, mayroon namang lumabas na hidden compartment kaya mabilis nyang kinuha ang laman nito. Isa itong lumang libro dahil sa nakikita ko ay sira sira na ang mga pages nito at kulay dark brown na ang mga gilid.
"Ano po iyan?" takang tanong ko sa hawak nyang lumang libro. Why did I ask at the first place? Masyadong obvious na libro yun. "I mean tungkol po saan ang laman ng librong iyan" I managed to correct myself.
"Ito lamang ang naisalba ko sa aming familia. Ang pamana na isinasalin bawat henerasyon" I immediately furrowed with what she said, I didn't know what she's talking about.
"Mukhang hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko sa iyo, halikat maupo tayo rito" iginiya nya akong maupo sa isang table. Kaya sumunod agad ako.
Nang makaupo kami ay nagtataka niyang tiningnan ang sugat ko sa kanang pisngi, ito ay dahil sa ekwentro ko sa lalaking yun kahapon.
"Saan mo ito nakuha?" tanong nya sa akin, siguro ay nakuha ko ang sugat dahil sa mga sanga ng puno kahapon.
"Sa kakahuyan po malapit dito sa school, nagalusan po siguro dahil sa sanga" agad kong tugon.
"Kung gayon ay may na master kanang isang kakayahan?" wala pa rin akong naiintindihan sa mga sinasabi nya sa akin.
YOU ARE READING
Forbidden Book of Love
FantasyWhat many people desire A love that is afire A book will suffice But demands great sacrifice