One week has passed but no improvement at all. Since day one Ms. Mariya blindfolded me, it is an extra training for me. Napakahirap maglakad ng nakapiring, nakabasag narin ako ng dalawang vase. Ngayon ay nag memeditate ako habang nakapiring parin, hanggang matapos daw ang ensayo ko ay nakapiring ako. Tinanong ko naman si Ms. Mariya kung bakit, ang sabi nya sa akin ay makakatulong ito kapag nakikipaglaban daw ako sa dilim, kailagan kong gamitin ang ibang senses sa katawan upang magsilbing panibagong mga mata. Naiintindihan ko naman ang kanyang layunin kaya hindi ko nalamang sya kinuwestyon pa. Habang tumatagal naman ay nasasanay na ako, ganito pala ang pang araw-araw na buhay ng isang bulag. Humahanga ako sa kanila dahil ang iba sa kanila ay nakakayanan pa na maglakad mag-isa.
Muli na namang natapos ang isa pang linggo, nasanay na ako na walang nakikita, nakakagalaw na ako ng mabilis sa loob ng bahay. Pero ang malaki kong problema ay wala paring lumalabas na liwanag sa aking mga kamay. Maaari kayanng hindi naman talaga ako isang Royal at wala naman talaga akong kakayahang matutunan ang kanyang itinuturo sa akin.
"Princess focus!" puno ng awtoridad na sigaw ng aking silbing guro, mukhang nakita nya na nag-iiba ang breathing patterns ko dahil sa uneasy ang takbo ng utak ko.
Matapos ang limang oras napag eensayo ay kaagad akong tinawag ng aking guro.
"Princess come here let's test your senses, listen carefully to me." umupo naman agad ako sa sofa. Matapos noon ay wala na akong narinig.
"Where am I?" she suddenly uttered, I knew where she is.
"In my right side, 1 o'clock" nakarinig naman ako ng palak palak na wari ko'y galing sa kanya.
"Impressive" pahayag nya tapos ay naramdaman ko na naupo sya sa aking tabi.
"Princess let give you some orientation, you must listen attentively. Don't forget everything" she began to talk, kinabahan naman ako sa mga maaari nyang sabihin. Mapanganib ba doon?
"In the Light Empire there are four Royal Familia: Familia Dińamarca, Familia Rivera, Familia Hudson and Familia Embersteel. Before we leave, the ruling Familia in Light Empire are the Embersteels, which is your family's. That time your grandfather arranged the marriage of your mother to Prince Wallance one of the sons of Familia Dińamarca. Hindi ito sinang-ayunan ng iyong ina dahil alam nya na ang gusto lamang ng kanyang ama ay mapasama si Ateena sa ruling family. I presume that the ruling family now are the Dińamarcas because the declared strongest Royal of that time is Sebastian Dińamarca – the first son of Familia Dińamarca." so, that how it works, kung sino ang pinakamalakas na Royal sya ang magiging sunod na Great leader. Kailangan kong tandaan ang apat na familia na iyon.
"Bago ka magtungo sa Light Empire hinihiling ko na magtungo ka muna sa Mount Zaria sa aming nasirang templo. Maaaring mayroon pang natirang mga healer sa lugar na iyon. Alam ko na nakaligtas si Mikaela ang aking kanang kamay, maaring sya ang bagong naging leader ng mga healers. Ibigay mo ang bagay na ito sa kanya at magpakilala ka bilang aking anak, alam kong matutulungan ka nya." naramdaman kong mayroon syang isinuot na kwintas sa akin.
"Ito ang magsisilbing tanda na ikaw ay aking anak." paliwanag nya pa.
Lumipas muli ang isang linggo ngunit hindi parin ako nakakapagpalabas ng liwanag sa aking mga kamay, nawawalan na ako ng kompyansya sa aking sarili, napanghihinaan na ako ng loob.
"Alam mo Princess normal lang na hindi mo pa napapagana ang aming kapangyarihan dahil kailangan mong magmeditate ng mahabang panahon, sa katunayan ako ay inabot ng pitong taon bago mabuksan ang palm of light. Sa ngayon ay ihinto muna natin ang meditation mo, let's try your voice." narinig ko na mayroon syang inilagay na bagay sa itaas ng table. Ano kaya iyon?

YOU ARE READING
Forbidden Book of Love
FantasiaWhat many people desire A love that is afire A book will suffice But demands great sacrifice