BATTERED #2

59.9K 937 41
                                    

"Sharamdaram...shamdaram~" kanta ko habang nagluluto ng adobo ngayong hapunan.

Hawak ko ang sandok na siyang nagsilbing mike ko habang kumakanta.

Ito ang ginagawa ko kapag wala na si Grey sa bahay. Nagluluto ako para na rin maibsan ang sakit at sumaya kahit papaano.

Tuwing nasa kusina talaga ako, sumasaya ako. Bata pa lang ako, hobby ko na ang magluto. Tuwing nagluluto si mama, lagi akong nanonood kaya marunong akong magluto.

At isa iyong qualities na maipagmamalaki ko kay Grey.

A way to a man's heart is through his stomach ika nga.

Pero kahit ano atang kain ni Grey sa luto ko, sa stomach lang napupunta lahat. Hindi pa rin ako makapasok sa puso niya.

Habang hinihintay na maluto ang niluluto kong adobo, pasaglit akong tumingin sa aking cellphone. Pagbukas palang, sa wallper na agad tumama ang tingin ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan iyon. Si Grey kasi ang wallpaper ko. He was sleeping peacefully at the picture. His red wet lips were apart and his hair is messy that makes him more attractive in my eyes. I left out a sexy chuckle while staring at my husband picture.

Sobrang hot. Feeling ko tuloy ang init ang init.

Tumingin muna ako sa oras. 7:00 pm na pala. Agad kong hinanap ang number ni Grey sa mga contacts ko.

To: My love of my life <3

Anong oras ka uuwi? Nagluto ako ng adobo.

And a hit send.

Alam kong useless ang magtext sa kaniya pero ginagawa ko parin. It is part of my routine.

Pagkatapos maluto ay agad din akong kumain. Dinamihan ko pa ang pagkain dahil ito ang way ko para kahit papaano ay magkaroon ng energy. Nakakapaos at nakakagutom ang pag-iyak kaya kailangan bumawi ng lakas.

Pagkatapos ko kumain ay naghugas ako ng pinggan at pumunta ng teresa dahil doon ko balak hintayin ang pinakamamahal kong asawa. Alam kong late ang dating no'n pero lagi ko pa ring hinihintay. I want to see him before I sleep. Alam niyo ba kung gaano ako katakot na baka isang araw 'di na siya uuwi? Kaya hindi ako napapanatag hanggang wala pa siya sa bahay.

Ang swerte ko pa sa lagay na ito. Kahit gaano siya kagalit, sa akin parin siya umuuwi.

While waiting my husband, I spend my time reading books. Iyon ang ginawa kong pampalipas oras hanggang maramdaman ko ang pananakit ng mata sa tagal ko ng nagbabasa.

Tiningnan ko ang gate pero wala pa ring sasakyan na naandon.

Sinipat ko ang oras. Alas dose na ng umaga.

Humahamog na din kaya naisipan ko na lang maghintay sa loob. Kumuha ako ng blanket at unan. Humiga ako sa sofa habang hinihintay si Grey.

Ramdam ko na babagsak na ang talukap ko pero pinigilan ko iyon dahil balak ko pang hintayin ang asawa ko.

Napabangon ako nang marinig ang makina ng kotse sa garahe. Pagkasipat ko ng oras, lampas ala una na pala.

"Grey bakit ka nagdrive ng lasing?!"

Gulat ako napalapit sa kaniya dahil gumegewang itong pumasok. Amoy na amoy ko ang alak at halong suka sa kaniyang katawan.

Aalalay na sana ako kaso mabilis niya akong hinawi.

"Don't touch me" masungit niyang sabi.

Ngunit nagpumilit ako. Lumapit muli ako para alalayan siya

THE BATTERED WIFE (Read It On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon