BATTERED #9

50.9K 794 21
                                    

Kinabukasan ay nagising ako na nasa kama na ako.

Binuhat ba ako ni Grey dito?

Uminit ang aking pisngi dahil doon. Talaga bang ginawa niya iyon?

Nawala ang antok ko dahil do'n! Kahit alam ko namang ginawa niya lang 'yon para siguro hindi ako makita ni mama na nasa sahig.

Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at magsipilyo bago bumaba.

Hindi ko na naabutan si mama at papa. Nasa work na daw sila sabi ng katulong dito.

Hindi na rin ako nagtagal, umuwi rin ako pagkatapos kong mag almusal at maligo.

Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad akong naglinis. Actually, gusto ni mama na may katulong sa bahay pero mas pinili kong tanggihan iyon. Gusto kong maging hands on house wife. Kapag maraming lilinisin tsaka lang ako nagpapadala ng housekeeper na maglilinis.

Pinuyod ko ang buhok into bun bago ako nagtungo sa laundry room. Maglalaba ako ngayong araw.

May automatic washing machine naman ako kaya hindi na ako mahihirapan maglaba. May pangbanlaw na rin kaya naman ang aasikasuhin ko lang ay pagtitiklop at pagpaplantsa.

Habang hinihintay na matapos ang mga nakasalang na damit, nagsuot ako ng earphones at nagpatutog.

Sinasabayan ko ang kanta sa pamamagitan ng paghum at dahil may beat ang tugtog ay hindi ko ding maiwasang magsayaw.

"Yeah!" Pinikit ko pa ang mata bago nagkekembot kahit hindi naman malambot ang katawan.

Kung nakikita ko nga ang sarili ko sa salamin paniguradong pagtatawan ko ang aking sarili.

I swayed my hips again and slowly open my eye---

"G-Grey!"

Muntikan na akong ma-outbalance nang makasalubong ko ang blankong mata ng asawa ko dito sa kusina. Salubong na salubong ang kilay niya habang nakacross arms pa.

A-anong ginagawa niya rito?

Kumurap ako ng dalawang beses.

Nananaginip lang ba ako?

O naghahallucinate? 

Naandito ba talaga siya?

Teka? Hindi naman siya umuuwi ng maaga.

Baka nga namamalikmata lang ako?

Para makumpirma ko talaga ay dahan dahan akong palapit papunta sa kaniya.

Mas lalong sumalubong ang kilay niya.

"What the fuck are you doing?!" Masungit niyang saad dahilan para hindi matuloy ang paghakbang ko at napatuwid ako ng tayo.

Shet! Patay! Naandito nga!

Mabilis akong yumuko. Unti-unting nanginig ang aking katawan sa takot at nagharumentado ang puso ko sa kaba.

"A-ano, akala ko naghahallucinate lang a-ako kaya lalapit s-sana ako—"

"Tss."

Mabilis ko ng naitikom ang bibig ko. Baka magalit pa siya! 

"Ganito pala ginagawa mo kapag wala ako? Nakakahiya ka. Ang tigas ng katawan mo!"

Napakagat ako ng labi sa hiya. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Nakakahiya talaga.

Hindi ko naman alam na dadating siya!

"A-ano....may nakalimutan ka ba?" Natatakot kong tanong habang iwas ang tingin sa kaniya.

THE BATTERED WIFE (Read It On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon