BATTERED 10

56.7K 829 32
                                    

Cathy's POV...

Gumising ako na maganda ang mood. Simula kasi no'ng hindi na ako sinasaktan ni Grey ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Hindi naman siya mabait sa akin pero mas kalmado na siya ngayon kaya kahit papaano 'yong takot ko sa kaniya ay bumaba na din.

Bago ako bumangon, naghilamos muna ako at tiningnan ang sarili sa salamin. May mga pasa pa din ako sa braso, binti at meron sa likod. Medyo malaki kaya hindi agad gumagaling. Sa mukha ko naman ay mabuti at wala na.

Plano ko gumawa ng cake ngayong araw dahil iyon ang magiging gift ko para kay lola. Birthday na niya bukas eh.

I've watched many tutorial videos so I hope my cake doesn't look miserable.

Naligo muna ako para maging presko ang aking pakiramdam. Nagsuot ako ng terno cotton shirt and short na kulay pink na may watermelon design. Inipit ko ang buhok into high pony tail. Naghairband din ako ng plain na kulay itim para sa mga baby hair ko.

Umakyat muna ako sa taas para tingnan kung umuwi ba ang aking asawa. Hindi ko kasi siya nahintay kagabi. Sobrang antok na kasi ako sa pinapanood kong mga tutorial sa youtube.

Pinihit ko ang doorknob at mabuti na lang at hindi iyon lock. Binuksan ko lang iyon ng kaunti at iniusli lang ang ulo ko para silipin siya.

Napangiti ako nang makita ang masarap niyang tulog. Gusto ko pumasok pero pinigilan ko na agad ang sarili.

Baka magising ko pa siya at mapagalitan pa ako.

Yes, hindi na niya ako sinasaktan pero hindi ibig sabihin bumait na siya.

He's still rude at me.

Bago pa nga siya magising, umalis na ako at naggawa lang ng clubhouse sandwich para sa almusal. Nagtago ako ng dalawang piraso para kay Grey.

Pagkatapos kong mag-almusal, naglinis muna ako ng bahay. After doing my daily routine tsaka lang ako nagpunta sa kusina para mag-bake.

I'm planning to bake cookies also for Andrew. Isasabay ko na.

I prepare all the ingridients. Sinuot ko na rin ang apron ko tsaka nagsimula.

Nagplay ako ng music para hindi masiyadong boring habang naghahalo ako ng mga ingridients. Inabot din ako ng ilang oras bago ko natapos ang pagbabake ng cookies.

As requested, heart shape ang cookies na gawa ko kay Andrew. Nilagyan ko ito ng color red na cream para sa design sa ibabaw.

Niready ko na ang isang heart box na binili ko para lang sa cookies ni Andrew. I concluded that Andrew will give this to his special someone. I want to make it special for him.

Maya maya lang, habang nage-enjoy ako sa pagba-bake, nakarinig ako ng foot steps. I know it was Grey kaya naman inayos ko ng kaunti ang buhok
para magmukha naman akong ka-ayaaya sa paningin niya.

Nang pumunta siya ng kusina, kaagad na tumama ang paningin niya sa akin.

Nakasuot na siya ng office suit habang hawak ang neck tie. Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin dahil pagkatapos kong hugasan ang kamay ko, lumapit na ako sa kaniya at ako ang nagayos ng necktie sa kaniyang leeg.

"Ahm...goodmorning" malapad ang ngiti kong binati siya habang inaayos ang necktie niya.

Malapit kami sa isa't isa pero hindi na ako nakakaramdam ng takot. Naging komportable na ako kaya naman may lakas ako ng loob na bumati.

I heard him tsked. "Tingin mo maganda pa ang umaga matapos kitang makita?"

I pouted. Hindi na lang ako umimik.

THE BATTERED WIFE (Read It On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon