BATTERED #7

49.9K 794 32
                                    

Paggising ko ng umaga namamaga ang mata ko.

Hindi parin ako makamove on sa nalaman ko kahapon. Sana hindi na lang binanggit ni Andrew. He planned it all along.

He's making an action na.

Naiisip ko na naman tuloy kaya nararamdaman ko na naman ang bigat sa pakiramdam.

Nagtungo ako sa banyo para maligo. Maggogrocery ako ngayong araw tutal kailangan ko ng distractions. Paubos na rin kasi ang stock sa bahay. Plano ko ring magbake at bibisitahin ko ang mga magulang ko tutal kailangan ko sila ngayon. Gusto ko ng comfort ng magulang ngayon.

Nakasuot ako ng red sundress na pinaresan ko ng strap sandals. May dala akong maliit na white sling bag para lagayan ng wallet at cellphone ko. Niladlad ko lang ang aking buhok at nagsuot ng puting headband.

Tinago ko ang lahat ng dapat itagong pasa gamit ang concealar at nagshade para hindi masyadong halata ang pamumugto ng aking mata.

Hindi umuwi si Grey kagabi kaya naman 'di rin ako busy ngayon. Hindi na rin ako nag-abalang itext kung nasaan siya. Wala rin ako sa mood magtanong. Isa pa, hindi din naman niya ako rereplyan.

"Saan lakad mo?"

Muntikan na akong ma-out balance ng may biglang magsalita.

Si Grey pala iyon na kakababa lang ng hagdan. Nakasuot na siya ng pang- office suit ngunit hindi pa ayos ang kaniyang neck tie.

"Ahmm...I will go to--"

"Nevermind. Come here, fix my neck tie"

Tahimik lang akong sumunod. Wala akong planong magtanong about sa annulment. Alam ko namang io-open niya iyon. Hindi ko alam kung sinabi ni Andrew na alam ko na 'yong about sa annulment na ni-file niya pero wala na akong pake doon.

"Okay na" pinagpag ko ng kaunti ang uniform niya bago ako lumayo. "Ingat ka. Magtrabaho ng maigi"

Hindi ko siya kayang tingnan ngayon kaya naman tumalikod na ako. Narinig ko siyang nag 'tsk' bago ko naramdaman ang presensya niya sa aking likod.

Pumunta ako sa aking kotse at siya naman sa kanyang kotse. Nauna siyang lumabas bago ako. Masiyado akong maaga sa mall dahil sarado pa ito kaya naisipan kong mag cafe muna sa malapit pampagaan lang ng pakiramdam.

"One Ice americano and pancake please"

Humanap ako ng table ko habang hinihintay ang order. Pumuwesto ako doon sa dulo. Doon sa isang mahabang parisukat na mesa na nakadikit sa glass wall at may apat na high chair.

Umupo ako doon sa pinakadulo. Tinext ko si mama na pupunta ako sa kanila ngayon. Bigla itong tumawag kaya agad kong sinagot.

"Hey ma" malumanay na sagot ko.

"Pupunta ka talaga dito?" Excited na tanong ni mama.

"Ofcourse, namimiss ko na kayo"

"What time?"

"Mga hapon. Diyan na din ako tutulog"

"Ikaw lang ba? Ang asawa mo?"

Mapait akong ngumiti. "Busy siya ma, sa susunod na lang daw po." Busy maghanap ng nawawalang mahal niya at nagmamadali ng mapawalang bisa ang aming kasal.

"Okay, I understand, i miss you. I love you!"

"I love you too"

Bumuntong hininga ako pagkatapos ng tawag. Sakto din namang dumating 'yong order ko kaya agad din akong nagsimulang kumain.

THE BATTERED WIFE (Read It On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon