BATTERED #6

50K 904 37
                                    

Pagkatapos ng pagbisita nina mama at papa balik na ulit kami sa dati. 

Balik na naman sa mga sigaw at pangbabalewala niya sa akin.

Tutok na tutok ako sa animated movie na pinapanood ko nang marinig ko ang yapak ni Grey pababa. Agad akong lumingon sa kaniya. He's on his phone, taking a call. Nakasuot siya ng gray dress shirt at itim na slacks.

"Any updates of her? Have you seen...." Agad napawi ang ngiti niya nang mapadapo ang tingin niya sa akin.  

"What are you looking at?" masungit niyang saad.  Umiling lang ako at nagpatuloy sa pagkain habang nanonood. 

"'Wag mo na ko hintayin, may pupuntahan ako" napabaling ulit ako sa kanya. Inaayos niya ang kaniyang suot.  Umiwas na lang ako ng tingin at nagpatuloy sa panonood. 

"Hoy! Nakikinig ka ba?" napatig-ad ako sa gulat nang makitang nasa harap ko na siya.

"O-oo" nauutal kong sambit.  Ang kaninang galit niyang mata ay biglang naging blanko. Tsaka ko lang napansin na may luha pa lang tumutulo sa mata ko. 

"'Yong movie kasi... Nakakaiyak." pagdadahilan ko.  "...sige na, umalis ka na. Ingat ka ah? Huwag papalipas ng gutom" pinilit ko pa ring ngumiti habang pinupunasan ko ang luha na tumutulo sa mata ko. 

"Tsk" padabog siyang umalis at naiwan ako mag-isa. 

Alam ko kung sino ang kausap niya sa phone. I heard na nag-hire siya ng private investigator para hanapin si Vanessa. Vanessa went missing after our wedding. No one knows where she is right now. Siguro dahil sa sakit na naranasan niya, umalis na lang siya at nagpakalayo. Akala ko makakalimutan na siya ni Grey pero hanggang ngayon eto at hinahanap parin niya.

Then I remember what he told me the other day.

'Pag nahanap ko si Vanessa, Iiwan na kita Cathy'

Sumikip ang dibdib ko. Ganito na lang ba talaga hahantong ang love story namin? Wala na si Vanessa pero bakit parin niy hinahanap?

Naandito naman ako eh.

Ni katiting ba nagkaroon ako ng kaunting espasyo sa puso niya?

Ginagawa ko naman lahat ah?

Bakit 'di ko pa rin makuha ang pagmamahal niya?

Ano kayang gagawin ko kapag dumating ang araw na makita na niya si Vanessa? May magagawa ba ang titulong asawa niya ako?

Kasal lang ako sa papel.

There's no love involve to us.

Alam ko na hindi panghabang buhay ang set up na ito. Alam kong dadating ang araw na iiwan ako ni Grey pero bahala na.

Hanggang wala si Vanessa, baka naman makuha ko din ang puso niya. Magtitiis na lang ako dito dahil 'di ko naman kayang iwan siya.

Ipapanalangin ko na lang na bago pa niya mahanap ang babaeng 'yon, hulog na siya sa akin.

Imposible diba?

Pero hindi naman masamang mag-assume.

Naputol ang aking moment dahil may nagdoorbell.

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking mata bago inayos ang sarili. 

Nakakunot ang noo ko habang papunta sa pinto.

Wala akong inaasahang bisita ngayon ah?

Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang isang adonis na katulad ni Grey. Kilala ko siya dahil isa siya sa kaibigan ng asawa ko.

THE BATTERED WIFE (Read It On Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon