Chapter 1

14.6K 350 7
                                        

Chapter 1

Six years ago...

"Magpapalit ka ng course?" Gulat na sabi ni Anthony kay Lira nang minsang siyang dumalaw sa bahay nila Bulacan.

"Yes, Kuya. And since na dito na ako mag-aaral ay dito na rin ako titira, okay lang ba Ate Angela?" tanong niya sa hipag.

"Oo naman. Pero Lira, bakit hindi mo muna tapusin ang isa mong course? Sayang kasi, two years na lang at nursing graduate ka na."

"Ate pwede ko namang balikan iyon anytime I want. So don't worry ha?"

Ngumiti lang si Angela sabay tingin kay Anthony.

"Anyway, anong course ang kukunin mo?"

"Political Science."

Nagulat ang mag-asawa sa narinig.

"Pero bakit?"

"I want to be a lawyer like Kuya Leandro and you of course." Simple niyang sagot.

"Are you sure? Baka naman kaya mo lang gusto mag-shift ay dahil iyon din ang course ni Vladimir?"

"Well..." napangiti na lang siya.

"Sabi na nga ba..." napailing na lang Anthony.

"Baka mahirapan kang mag-adjust, Lira?" sabi ni angela

"Of course not! As long as kasama ko si Vlady then there's nothing to worry about."

Muli ay ngumiti lang si Angela.

_____

"What? Bakit ko naman gagawin iyon? Kasalanan ko bang nag-shift siya ng course at lumipat sa university namin?" Inis na sabi ni Vladimir nang kausapin siya ni Angela na pakitunguhan niya raw nang maayos si Lira

"Hindi ko naman sinabi iyon. Ang sa akin lang, be gentleman atleast..."

"Para ano? Ate, istorbo lang 'yan. I mean ayoko ng may lumalapit sa akin, iyon bang ang babae ang nagbibigay ng motibo. Nasasakal ako doon, kaya nga iniiwasan ko siya, eh. Ganoon na ganoon kasi siya. She's a pain."

"Naiintindihan naman kita, ang sa akin lang 'wag mong ipakita ang pagdisgusto mo sa kanya. Baka masaktan siya."

"Okay lang iyon, Ate, para hindi siya umasa."

Napabuntong-hininga na lang si Angela. "Bakit ba kasi ayaw mo sa kanya?"

Napaisip si Vladmir pagkuway tumitig sa kapatid. "Kasi ang gusto ko iyong katulad mo. Mabait, simple lang pero maganda unlike her, ang kapal ng make up, alam mo iyon? Parang buhay na make-up kit. Saka masyadong maiksi ang suot niyang damit ewan ko ba, naaartihan talaga ako sa kanya."

"Baka naman bakla ka, Vladimir?" Seryosong tanong nito bigla sa kanya.

"What?!" Nagulat siya sa sinabi ng kapatid.

"Wala ka kasing ipinapakilala na sa akin. Alam mo na, girlfriend o kahit crush man lang."

Napabuntong-hininga naman si Vladimir. "Actually, meron na akong gusto... katulad mo rin siya..."

"So, nasaan na?"

"Basta, one of this day ipapakilala ko siya, ok? So, don't think I'm a gay, okay?" Nangingiti na sabi niya sa kapatid saka niya niyakap ito.

_____

Unang araw ng klase ni Vladimir. Alam niyang masaya iyon dahil mararanasan niya ang buhay sa collage. Handang-handa na siya pumasok sa university. Ngayon ay pababa na siya ng magarang hagdan.

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon