Chapter 10

10.6K 309 20
                                        

Ipa-private ko ang next chapter. Sa mga gustong basahin ang next update ay paki-follow na lang ako. Kung naka-follow na kayo at hindi pa rin mabasa ang next chapter ay i-add/remove niyo lang ang story sa library niyo para ma-refresh lang. Thank you :)

Chapter 10

This is the last time you'll see me crying, Vladimir... bulong niya habang nakatingin sa binata.

Kasalukuyang nasa library si Vladimir habang nakatutok ang mga mata sa laptop. Tila naman nakaramdam ang binata na may nagmamasid sa kanya kaya napatingin ito sa pintuan.

Nakita ng binata si Lira kaya agad ay umalis siya pero sumunod ito at pinigilan siya.

"May kailangan ka ba?"

Napataas ng kilay si Lira saka humarap sa kanya.

"Kung may kailangan ako, kukunin ko na lang." Mataray niyang sabi.

Napangiti naman ang binata.

"Bakit ang sungit mo?"

"Wala ka na doon!" Akma sana siyang aalis pero muli ay pinigilan siya nito.

"Ang laki na ng pinagbago mo. I remember last week you were crying. You are not the same Lira I used to know."

"Alin doon? 'Yong iyakin at martir na babae?"

Napailing ang binata.

"Akala ko ba mahal mo ako? Palagi mo ngang sinasabi iyon sa akin noon. Nakalimutan mo na?"

Hindi nakakibo si Lira.

Nagtataka siya kung bakit nito ipinapaalala sa kanya ang mga bagay na iyon. Ginagamit kaya nito iyon para muli siyang paglaruan?

"Natahimik ka na?" Untag nito sa kanya.

"I'm sorry pero hindi na kita mahal at wala na akong pakialam sa bagay na iyon. So, If you may do, I know you can do. Forget every details of our nonsense relationship." Iyon lang at umalis na ito.

Naiwan namang natitigilan si Vladimir. Hindi niya alam kung totoo iyon sa loob ng dalaga o bitter lang ito dahil sa nagyari sa kanilang relasyon.

Pero kung ang una ang kanyang naisip, siguradong malaking problema iyon para sa kanya...
______

Napahingal si Lira nang makapasok na sa sariling kwarto. Hindi niya akalaing masasabi niya iyon sa dating asawa.

Napailing na lang siya.

Sa kanya na mismo nanggaling na kalimutan na ang naging relasyon nila noon kaya dapat na siya rin ang gumawa ng unang hakbang para maisakatuparan iyon at upang maipakita rin na hindi na siya apektado sa presensya nito.

Muli niyang hinalungkat ang mga damit na palagi niyang sinusuot noon.

Kailangan niyang ibalik ang kanyang dating sarili. 'Yong Lira na maganda, sopistikada, matapang at 'yong liberated na babae...
______

Marahang bumaba ng hagdan si Lira, gusto niyang makita kung ano ang magiging reaction ng mga kasama niya.

At hindi siya nabigo sa nakita.

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon