Chapter 13

9.1K 251 9
                                    

Chapter 13

"Damn!"

Napabalikwas ng bangon sina Vladimir at Lira nang makita si Anthony at Angela.

"K-kuya..." bakas sa mukha ni Lira ang takot sa maaaring mangyari. Baka magkasakitan ang dalawang lalaki tulad noon lalo at actual na silang nahuli nito.

Pinagmasdan niya ang kapatid. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatitig kay Vladimir.

"Anthony..." sabi ni Angela na pilit pinapahinahon ang asawa.

Napabuntong hininga naman si Anthony.

"C'mon, let's talk." Iyon lang ang sinabi nito at lumabas na ng kwarto kasunod si Angela.

"V-vladimir..." tawag ni Lira sa binata pero mukhang hindi maganda amg aura nito.

Napayuko na lang siya at anyong maiiyak dahil sa nakikitang expression sa mukha nito.

"Dito ka lang." Napapailing nitong sabi.

Kitang-kita ni Lira ang pagladismaya ng binata. Para bang napipilitan pa itong bumaba para kausapin si Anthony.

Oo nga pala, mag-uusap ang mga ito.

"V-vladimir..." tawag niya ulit rito pero umalis na ito.

Napakagat-labi na lang siya. Paano kung pumayag ulit si Vladimir na palasalan siya? Alam naman niyang walang pag-ibig sa kanya ang binata. Kung may naiisip siyang tawag sa nararamdaman nila iyon ay sexual understanding lang.

Nothing less. Nothing more.

Masakit isipin na iyon lang ang dahilan ng lahat ng ito. Kung bakit naman kasi mabilis na bumibigay ang katawan niya kapag hinahalikan na nito.

Napabuntong hininga siya at nayakap na lang ang sarili habang ang luhang gustong umagos kanina ay malaya niyang binuksan.

Nang mahimasmasan ay inayos na niya ang sarili. Lumabas siya ng kwarto para tingnan kung ano na ang nangyayari sa usapan nina Vladimir at Anthony.

Mula sa itaas ay kita niya ang dalawang lalaki. Pero hindi niya marinig ang usapan ng mga ito. Ngunit kung pagmamasdan ang mukha nila, sa tingin niya ay tila sinesermunan ni Anthony ang binata dahil makayuko lang ito habang napapailing na tila dismayado na ewan niya king bakit.

Nabawi niya ang tingin sa mga ito saka umatras para ikubli ang sarili dahil biglang tumingala si Vladimir sa kinaroroonan niya. Hindi niya alam kung nakita siya nito pero sana ay hindi dahil meron ng nabuong pasya sa kanyang utak. Hindi pwedeng maulit ang mga naganap noon...
______

"What's that?" Tanong ni Anthony nang biglang tumingala si Vladimir.

"Nothing. Para kasing nakita ko si Lira."

Napatango na lang si Anthony.

"By the way, hindi ko inaasahan na sa ganoong ayos ko kayo ulit makikita ni Lira." Naiiling na sabi ni Anthony bagamat nakangiti. "Hindi ganoon ang plano natin."

"Yeah. Ako din. Nagulat na lang kami nang bigla ka na lang pumasok roon. Anyway, I think its better na ganoon ang nangyari. Well, it seems that the history repeats itself. Iba nga lang ngayon because I'll make sure na hindi na siya makakawala sa akin."

"That's good. So, bahala ka na kung anong proposal ang gagawin mo."

"Of course. Actually, marami na nga akong naiisip, e."

"I just want to remind you na hindi pwedeng gayahin ang proposal na ginawa ko noon sa Ate Angela mo."

"Of course! Hindi ko gagayahin iyon. I want my proposal to be extravagance!" Napapalakpak pa siya habang sinasabi iyon.

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon