Chapter 12

9.9K 294 3
                                    

Chapter 12

Hmp! Bakit kaya magkasama ang mga ito? Bulong ni Lira habang masama ang tingin kina Vladimir at Eliza.

Naiinis siyang tingnan si Vladmir habang masayang nakikipag-usap kay Eliza. Samantalang ang huli ay tila maamong tupa na nakatingin lang sa binata at nakikitawa rin sa bawat sabihin nito.

Hindi niya maiwasang mapaismid.

Kung alam lang ng babaeng ito na kakatapos lang siyang gamitin ng binata.

Gamitin... bigla niyang naitanong sa sarili.

Ginamit nga lang ba siya ni Vladimir?

Napailing siya. Ayaw man niya pero ganoon ang lumalabas na nangyari sa kanila.

Masakit iyon sa parte niya. Babae siya at may iniingatang dangal pero wala na iyon dahil binigay na niya kay Vladimir.

Muli ay napailing siya. Ayaw na niyang mag-isip, mas lalo lang nagugulo ang kanyang utak.

Nilagpsan na lang niya ang mga ito at umakyat na sa kanyang kwarto. Doon ay nagmukmok siya...
______

"Si Lira iyon, 'di ba?" Sabi ni Eliza nang makita ang dalaga na paakyat ng hagdan.

Nasundan na lang ng tingin ni Vladimir si Lira. Alam niya na kanina pa nanunuod ang dalaga sa kanilang dalawa. At kahit hindi niya nakikita ay alam niyang nagseselos ito.

Siguro ang alam nito ay may pagmamahal pa siya kay Eliza bilang babae—na sa totoo lang ay wala na. Oo at inaamin niyang minahal niya ito pero natauhan na siya. Pagmamahal pala ng kapatid ang nararamdaman niya noon.

Pilit niya kasing binabali-wala noon si Lira. Paano ay nakaukit na kasi sa utak niya ang babaeng gusto, iyong katulad ni Angela—at nakita iyon kay Eliza.

Kaya noong nagparamdan na si Lira na gusto siya nito ay pinagpag niya ito palayo sa kanya at pilit na sinasabi na dapat ay si Eliza ang mahalin niya kahit na alam naman niyang magkapatid sila.

Pero na-realize maling-mali ang ginawa niya.

Regretness. Ito ang bumalot sa kanya sa nakalipas na anim na taon. Maraming nasayang na panahon na dapat ay magkasama sila ni Lira. Baka nga sa ngayon ay may mga anak na sila kung hindi nagkahiwalay.

Pero tapos na ang lahat ng iyon. Kaya ngayon hindi niya sasayangin ang bawat minuto na kasama niya si Lira.

"Sundan mo na siya..." sabi ni Eliza nang mapansin kung saan nakatuon ang mata ni Vladimir.

"Yeah. Ganoon na nga talaga ang gagawin ko. Susundan ko siyankahit saan siya magpunta. At kahit na bukas ako, ang puso ko ang magtuturo kung nasaan na siya."

Napangiti si Eliza. "Napaka-makata naman ng Kuya ko."

Nagkibit-balikat na lang si Vladimir. "Anyway, I heard na balak ka daw ligawan ni Stanley. So, may pag-asa ba siya?"

Muling napangiti si Eliza. But it was the Monalisa's smile.

Hindi malaman ni Vladimir kung ano ngayon ang pumapasok sa utak ng kapatid. Paano ay hindi niya maunawaan ang gusto nito.

Pero kung si Stanley nga ang makakatuluyan ni Eliza, hindi siya tututol dahil alam niyang kaya nitong protektahan si Eliza...
______

Hmp! Mukhang tama ang hinala ko... bulong ni Lira habang ang mga mata ay nakatutok sa ibaba kung saan naroon sina Vladimir at Eliza.

Lumabas siya ulit ng kwarto dahil hindi siya mapakali sa loob. Gusto niyang makita ang mga ito at hindi siya nagkamali.

What will I expected? Mga immoral! Pumasok na siya sa kwarto niya at nag-lock ng pinto.

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon