Chapter 9

9.3K 296 9
                                    

Chapter 9

Pangkaraniwan ng paiba-iba ang mood ni Vladimir. Dapat sana ay sanay na siya pero parang iba ngayon. There was an invisible wall na nakaharang sa kanila.

Gusto sana niya itong lapitan pero pakiramdam niya ay makukuryente siya kapag kinausap ito. Pero kailangan pa rin niya itong kausapin. Ilang araw na bang ganito ang sitwasyon nila?

Nagsimula ito nang malaman na totoo pala nitong kapatid si Eliza sa ama.

"Vlady---"

"Aalis nga pala ako mamaya. Pumunta ka na lang muna sa Kuya mo para doon kumain." Kaswal lang nitong sabi na para bang pinagbibilinan lang ang anak.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kay Eliza."

"Bakit?"

"Anong bakit? Magkapatid kami, 'di ba?"

Yeah. Magkapatid nga kayo pero hindi pa sa kapatid ang turing mo sa kanya. Kadiri ka! She wanted to yell but she refused.

Hindi na lang kumibo si Lira. Bakit ba mas gusto nitong magkasala kaysa ang ibigin siya? Mahirap ba siyang mahalin?

"Vladimir..." she call him with a broken voice.

Natigilan si Vladimir na palabas na ng pinto.

"Bakit?" Tanong niya na hindi na nag-abalang lumingon.

Hindi na sumagot si Lira. Para siyang natuyuan ng lalamunan. Sobra kasing lamig ng boses nito.

"Kung wala kang sasabihin aalis na ako, okay?" Iyon lang at umalis na ito.

Napaupo na lang si Lira habang sapo ang sumasakit na ulo.

Why is this happening?

Akala niya okay na ang lahat, na wala ng problema, na akala niya ay may pag-asa ang kakatuwang nakikita sa asawa pero mali pala ang lahat ng nakikita niya...

That was all an illusion she made for her own happeness.

How pity...

Buong oras siyang umiyak ng gabing iyon. Pigilan man niya ay ayaw tumigil ng kanyang luha. Kaya hinayaan niya iyong bumuhos hanggang sa nakatulog na siya dahil sa pagod.

Kinabukasan ay nagising siyang masakit ang katawan dahil sa pagkakahiga sa upuan.

Tumayo siya at sandaling inunat ang mga braso. Matapos niyon ay agad na hinanap ng kanyang mga mata si Vladimir, umakyat siya sa kanilang kwarto, bumaba sa kusina pero wala doon ang asawa...

Nanlalatang napaupo siya. Hindi umuwi si Vladimir buong gabi? Saan kaya ito natulog?

Maraming pumapasok na posibleng dahilan sa kanyang utak pero isa man doon ay ayaw niyang i-entertain. Lalo na ang naisip niya na baka nambababae si Vladimir kaya nanlalamig sa kanya.

Napangiti siya sa huling naisip.

Palagi namang malamig sa kanya ang asawa.

Pero... hindi! Imposibleng gawin nito iyon. Alam niyang hindi nambababae ang asawa niya, hindi nito iyon magagawa sa kanya. Buo ang tiwala niya rito...
______

Sa dami ng problemang kinakaharap ni Lira, isa lang ang pinuntahan niya. Ang tahanan ng Diyos...

Iyon ang unang pumasok sa kanyang utak. Ayaw niya kasing puntahan sina Anthony, alam niyang mag-aalala ito, isa pa ay ayaw niyang problemahin pa siya ng kanyang Kuya. She's old enough to handle her own problem.

Nasa kalagitnaan ng pagsesermon ang pari nang matigilan siya. Tinamaan kasi siya sa sinabi nito.

"Pag-ibig nga kaya... ang pagseselos ay hindi pagmamahal. Ang matinding kalaban ng pag-ibig ay pagkalito..."

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon