Chapter 6
Malapit na ang araw kung saan itinakda ang kanilang kasal. Tumigil muna sila sa pag-aaral pero itutuloy nila iyon sa isang taon. Pumayag na rin si Vladimir sa set-up na ito dahil ayaw niyang malaman ng mga classmate nila ang tungkol sa kasal nila ni Lira.
One of his main reason kaya siya pumayag sa kasalang ito ay para turuan ng leksyon si Lira.
He'll going to give her a dose of her own medicine para malaman at maintindihan nito na hindi lahat ng bagay ay makukuha nito.
But before the said date of his wedding, nag-decide siyang kausapin si Eliza. Pinuntahan niya ito sa trabaho at sakto namang palabas na ito nang maabutan niya.
"Kumusta? Hindi mo sinabi, ikakasal ka na pala." Nagtatampo nitong sabi.
"Sorry biglaan kasi, eh. May nangyari lang na hindi inaasahan. Anyway, kahit naman siguro ikakasal na ako, magkaibigan pa rin tayo, 'di ba?" Malambing niyang sabi saka masuyong hinawakan ang kamay nito.
Pero tila napapasong binawi ng dalaga ang kamay. Na ipinagtaka naman ni Vladimir.
"Bakit?"
"M-mali ito..."
"Bakit mali? Alam kong ikakasal na ako pero---"
"Alam kong ibig mong sabihin pero..."
"Kasal man ako kay Lira, ikaw pa rin ang mahal ko... sana hintayin mo ako..."
"Sorry hindi talaga pwede..."
Nangunot ang noo ni Vladimir. Bakit ba ayaw nito? Hindi na siya nito gusto?
"K-kasi magkapatid tayo... K-kuya kita..." nabubulol niyang sabi. "A-alam kong nagulat ka, g-ganoon din naman ako nang malaman ko pero..."
"Eliza, ano ka ba? Ikakasal lang ako tapos biglang naging magkapatid na tayo?" Natatawang sabi ni Vladimir pero maya-maya ay natigilan na siya nang magsimula na si Eliza magkwento sa kung paano sila naging magkapatid.
"Ang pangalan ng tatay ko ay Fredo, noong minsang hinatid mo ako pauwi sa bahay namin ay nakita ka niya. Nagulat siya dahil magkakilala pala tayo. At nang magtanong siya kung anong meron sa atin ay sinabi kong nililigawan mo ako at doon ay sinabi na niya na hindi puwedeng maging tayo dahil magkapatid tayo sa ama."
"Eliza, please, huwag mo naman akong biruin nang ganyan."
"Sana nga ay nagbibiro lang ako, Vladmir, pero hindi. Seryoso ako ngayon."
Napapikit na lang nang mariin si Vladmir pagkuway napahilamus sa mukha at naglakad na palayo.
______Tila wala sa sarili si Vladimir habang naglalakad pauwi. Hindi siya makapaniwala sa nalaman. Sa mga ikinuwento ni Eliza kanina ay para talagang isang bomba na sumabog iyon sa kanyang utak.
"Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ni Papa. Pero hindi naman lingid sa akin na may mga kapatid ako. Sinabi iyon ni Papa bago namatay si Mama. Alam mo ba, palagi kayong ikinukwento ni Papa sa akin... kaya nga nang makita ka niya, gustong-gusto ka niyang lapitan pero natatakot siya dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa inyo noon..." naalala niyang kwento nito.
"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Angela nang mabungaran ang kapatid sa pintuan.
Pagod na pumasok si Vladimir at naupo sa sofa saka niya ikinuwento kay Angela ang nalaman.
Tulad niya ay hindi rin makapaniwala si Angela. Hindi nito akalain na sa tagal na hindi nagpakita ang kanilang ama ay ito ang sorpresang ibibigay sa kanila.
"Ano ba naman itong kamalasan na dumadating sa akin! 'Yong babaeng mahal ko biglang naging kapatid ko sa ama. Tapos magpapakasal ako sa babaeng ni hindi ko man lang gusto!" Naibulalas ni Vladimir.
BINABASA MO ANG
Tattoed in my Heart
RomanceUnang beses pa lang na narinig niya ang baritonong boses ni Vladimir ay na-curious na siya agad kung anong klaseng lalaki ito. At nang makita niya ito... in flesh and in blood... hindi siya nabigo. Tulad iyon ng kanyang dream man... Pero hindi siya...