Last Chapter

12.8K 371 23
                                    

Last Chapter

After the one week vacation—as they called—umuwi na sils sa bahay ni Anthony. Ayaw pa nga sanang umuwi ni Lira dahil natatakot talaga siya sa mga kapatid. Tulad ngayon, para siyang pagong na nagtatago sa likod ni Vladimir.

"Gagawa ka ng kasalanan tapos matatakot kang magpakita sa amin?" Panimula ni Leandro.

"Well, look at you. Halata pa iyang pasa mo sa pisngi. Mabuti na lang at hindi natuloy si Mommy sa pag-uwi dahil siguradong kami ang lagot." Dagdag pa ni Anthony.

"S-sorry na Kuya Leandro at Kuya Anthony. Hindi na mauulit 'yong nangyari..."

"Good. Tama lang iyon. Sige na, magpahinga ka na sa kwarto mo."

Agad namang sumunod si Lira sa utos ng mga kapatid. Alam niya naman kasing kasalanan ang ginawa niya at siguradong pinag-alala niya ang mga ito.

Sa loob ng kwarto ay nag-isip siya kung paano aamuin ang mga kapatid. Ito na lang muna ang unahin niya kaysa ang marinig ang proposal kuno ni Vladimir na hindi naman tiyak kung para sa kanya ba iyon o nag-i-ilusyon lang siya. Malay ba niya kung may ibang girlfriend pala ito bukod sa kanya? Parang sinakal tuloy ang puso niya sa isiping iyon.

Mahirap ang nasa ganitong sitwasyon, wala kang magawa kung hindi ang maghintay lang...
______

Kinaumagahan ay naghanda si Lira ng breakfast. Para iyon sa peace offering niya sa mga kapatid. Tuwang-tuwa na pinuri ng mga ito ang luto niya at syempre proud siyang tumingin kay Vladimir na siyang nag-tyaga sa kanya para turuan siya. Pero walang emosyon ang binata habang kumakain. Lihim siyang nagtaka kung bakit ganito ang inaasal ng binata.

"Ang sarap namna ng luto mo, Tita Lira." Sabi ni Alquen.

"Yeah. I hope that every breakfast ganito ang pagkain natin!" Dugtong pa ni Alwin.

"Bakit ba ang hilig niyong bolahin ang Tita Lira niyo?" Natatawang saway ni Angela. "Pero masarap nga, sino ang nagturo sa iyo? Si Vladimir ba?"

Napangiti na lang si Lira bilang pagsang-ayon sa tanong nito.

Napatango naman si Angela nang makuha ang sagot nito.

Nang matapos na silang mag-agahan ay si Lira na rin ang nagligpit at naghugas ng mga pinagkainan nila.

Nasa dirty kitchen ang dalaga habang ang mga nagtatakang titig ng mga kapatid ay narito.

"What happened to her? Surprisingly, she really knew how to cook? At hindi na maalat ang luto niya." Manghang komento ni Leandro.

"Yeah. Ang look. Naghuhugas pa ng plato. That's odd. Anyway, I think may ginawa itong si Vladimir kaya nagkaganoon si Lira. Tell me, anong ginawa mo?" Tanong ni Anthony kay Vladimir.

Masayang nagkwento si Vladimir sa mga ginawa nila ni Lira sa loob ng isang linggo.

"Well, madali naman pala siyang turuan basta babantayan mo lang."

"By the way, may gusto sana akong itanong sa iyo pero doon tayo sa study room. Ayokong may makarinig ng pag-uusapan natin." Seryosong sabi ni Anthony.

Sumunod naman sina Leandro at Vladimir rito.

"Anyway, I think she have the idea about the proposal..." sabi ni Vladimir habang paakyat sila ng hagdan...
______

"Hmp! Ano kayang gagawin nila sa study?" Takang tanong ni Lira na lihim palang nagmamatyag sa mga ito. Kahit na nakatalikod siya, alam niya na siya ang topic ng mga ito at hindi siya papayag na hindi malaman ang balak ng mga ito.

Sumunod siya sa itaas. Alam niyang mali ang gagawin niya but who cares? Wala na siyang choice, gusto na niyang malaman kung ano ang plano ng mga ito. Isa pa ay hindi siya mapapakali kung hindi makakakuha ng kahit anong idea.

Tattoed in my HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon