"SIGE na Nikkola, samahan mo na akong maligo," pakiusap sa kanya ng kaibigang si Alena. Dumating ito mula Singapore noong nakaraang linggo. Inanyayahan siya nitong magbakasyon muna sa isla sa Visayas kung saan ito lumaki. Sa Isla Pernado.
"Ikaw na lang, Alena," tanggi niya. "Wala ako sa mood maligo. Kuntento na akong panoorin lang ang dagat."
Niyakap niya ang mga binti. Kanina pa siya nakaupo sa baybayin, sa ilalim ng mga puno ng niyog. Mula nang mangyari ang insidenteng iyon ay agad siyang umalis ng apartment bitbit ang ilang mahalagang gamit. Iniwan niya muna si Damian sa lola ni Kassandra upang may mag-alaga rito habang wala siya. Dati na niya iyong ginagawa kapag may taping o photoshoot siya sa malayong lugar. Nakasanayan na rin ni Damian ang matanda. Nag-check in siya sa isang hotel sa Makati pagkatapos at doon hinintay ang pagdating ni Alena.
Sinubukan niyang humingi ng payo kay Kassandra ngunit nalaman niya mula sa lola nito na nasa Davao pala ito at may ginagawang documentary. Nahihiya siyang istorbohin ito kaya minabuti na lamang niyang hintayin si Alena.
Kaya heto at magkasama sila ngayon.
"Isang linggo ka lang walang ibang ginagawa kundi matulog, kumain at tumunganga diyan maghapon. Kailan mo pa gugustuhing maligo? Sa isang taon?"
Bumuntunghininga siya at malungkot na bumaling sa kaibigan.
"B-bakit hanggang ngayon natatakot pa rin ako, Alena? May pakiramdam akong masusundan niya ako kahit saan ako magtago. Naaalala ko pa rin ang mala-demonyo niyang mukha everytime I close my eyes."
"Normal lang ang damdaming ganyan, gurl. It just happened weeks ago. Hindi mo iyon agad makakalimutan. But time heals all wounds, gurl. Just be patient," payo nito at tumabi sa kanya sa buhangin.
"Will time erase the memories too?" naisipan niyang itanong at muling ibinalik ang tingin sa dagat. Sanay kayang lunurin ng dagat na iyon ang takot niya.
Bumuntunghininga muna si Alena bago nagsalita. "Iyan ang hindi ko masasagot, Nikkola. Who knows? O kaya naman ay mananatili ang ala-alang iyon sa iyong utak sa paglipas ng panahon. But your heart will no longer remember the pain. Everything takes time."
"Sana nga, Alena."
"Kaya nga habang hinihintay mong maghilom ang sugat sa puso mo, maglibang-libang ka muna dito," suhestiyon nito.
Bumaling uli siya rito at makahulugan itong tinitigan.
"Don't worry. Radyo lang ang ma-afford ng mga tao rito, Nikkola. No one will recognize you. Look around. This is not your kind of paradise. Walang maghihinalang dito ka nagtatago," anito nang makuha ang nais niyang iparating.
Wala sa sariling inilibot niya ang paningin sa paligid. Hindi iyon isang de-kalidad na beach resort. Walang mga cottages maliban sa iilang mahabang silya na yari sa puno ng niyog. May mga mesa na gawa sa kawayan na karaniwan nang gingawang tambayan ng mga taga-roon, lalo na ng mga mangingisda. Mga maliliit na bangka at ilang basura ang nakakalat sa baybayin. May ilang grupo ng kalalakihan na kasalukuyang nagkakatuwaan sa may di kalayuan. Tama si Alena. Hindi iyon ang uri ng lugar na mangunguna sa listahan ng gusto niyang puntahan kung sakali.
"O, ano? Sasamahan mo na ba ako?" tanong ni Alena. Nakatayo na ito ngayon at nakapamaywang.
"Pwede bang pass na muna ako ngayon?" tanggi uli niya. May malalim na dahil kung bakit ayaw niyang maligo sa dagat. Something she did not want to share even to her closest friends. Ayaw niyang maalala ang masakit na bahaging iyon ng kanyang kabataan.
"Alam ko na! di ba, may dala kang camera?" Tumango siya bilang kasagutan bagama't nalilito siya kung para saan ang tanong nito.
"Re-rentahan natin ang bangka ni Mang Andoy."
BINABASA MO ANG
Rain In My Summer (PHR)
Teen FictionFirst published by PHR. This is the PREQUEL of STUCK ON YOU 1 and 2. Kung nabasa ninyo iyon, tiyak familiar sa inyo ang characters nina Brad and Nikola. They were introduced sa book 2 I think pero magkakaibigan yan silang tatlo: Brad, Chase and Rake...