"TAPOS ka na bang mag-indulge diyan sa seashells hobby mo, Miss Galvez?" Mula sa kanyang likuran ay muling nagsalita ang boses ng lalaking tila pamilyar na sa kanya. At naiinis siya dahil sa biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi dahil sa galit na siyang dapat niyang maramdaman ngunit dahil sa excitement!
Tumigil ka diyan, heart. Huwag mong sabihing affected ka?
Special effects pa rin kaya ito ng lalaking iyon?
"At bakit? Makiki-join ka ba? Sorry, for the girls lang ito," aniya at pilit kinakalma ang sarili.
"Nope. Maniningil lang ako ng multa. Sinabi ko naman sa'yo bawal manguha ng shells dito at hindi ka nakinig."
"Aba! At bakit, handa na ba ang karatula mo at may pasingil-singil ka nang nalalaman?" sarkastikong tanong niya. Maging si Alena ay lumapit na rin sa kanya.
"Yup!" pagmamalaking sagot nito.
Nakangiti ito ngayon, showing those perfectly shaped teeth and a pair of dimples on both cheeks. Hindi niya mapigilan ang paghugot ng hininga. Ngayon lang niya nakitang ngumiti ito sa kanya nang ganon and it had a very disturbing effect on her. Parang nagkapalit ng puwesto ang kanyang puso at ang kanyang bituka.
"Here it is!" buong pagmamalaking iwinagayway nito sa harap niya ang isang colored tarpouline. Nakatago lang pala iyon sa likod nito. Hindi niya iyon napansin dahil naka-rolyo.
"Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng shells o mga bato sa dagat. Ang mahuhuli sa akto ay magbabayad ng multa," nanlaki ang mga mata niya sa binabasa.
"First offense, 500 pesos. Second offense, 1,000 pesos and third offense, one night in the municipal city jail!" maging si Alena ay nagulat din dahil ito ang nagpatuloy sa pagbasa.
"Tha-that is so unfair! Paano ka nakapagawa ng tarp in just a matter of minutes?" hindi mapigilang tanong niya. Lalo pang lumapad ngayon ang ngiti nito and bakas ang amusement sa mga mata nito. Muli ay ngumiti ito sa kanya ng pagkatamis-tamis.
"Let's just say, I am talented," pagmamayabang uli nito.
Naninigkit sa galit ang kanyang mga mata. Alam niyang nananadya lamang ito. Upang asarin siya. Upang uminit ang ulo niya at nang sa gayon ay hindi na ito mawala sa isip niya.
"Oh, fine. It's just five hundred pesos, anyway. It's not gonna make me poor!" nakataas ang isang kilay niya habang kumuha ng dalawang libo mula sa kanyang wallet at ibinagsak iyon sa dibdib ng lalaki.
"Keep the change. Donation ko na lang iyan sa future mo. Good luck!" at taas noong iniwan niya ito na hindi maipinta ang mukha.
Hah! Akala siguro ng herodes na iyon maiisahan siya nito. Nunca! "Humanda ka, Mr. Turner, uubusin ko ang pasensiya mo. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mong ipagyabang!" aniya sa sarili.
"OMG! OMG! Nikola! Look who's coming!" mula sa lababo ay narinig niya ang pagtitili nito. Dahil sinira na ng halimaw na iyon ang araw niya ay nagpasya na lang siyang magluto ng dinner nila ni Alena. Katatapos lang nilang kumain nang marining niya ang tili nito.
Muli siyang tumingala sa kisame pinaikot ang mga mata. Kahit kailan talaga napaka-OA ng kaibigan niya. Gayon pa man, lumabas pa rin siya upang masino ang kinababaliwan nito.
"Hay naku, Alena, kahit sino pang pontio-pilato ang nan—" naputol ang mga sasabihin niya nang masino ang nasa labas, dahilan ng abut-taingang ngiti ni Alena.
"What are you doing here, Mr. Turner? You're tresspassing!" angil niya rito nang makarecover siya. Bakit ba ang guwapo ng lalaking ito ngayon? He looked enchanting under the pale moonlight. And it's not a good sign.
BINABASA MO ANG
Rain In My Summer (PHR)
Teen FictionFirst published by PHR. This is the PREQUEL of STUCK ON YOU 1 and 2. Kung nabasa ninyo iyon, tiyak familiar sa inyo ang characters nina Brad and Nikola. They were introduced sa book 2 I think pero magkakaibigan yan silang tatlo: Brad, Chase and Rake...