A/N: This is one of my early works so sana pagpasensiyahan ninyo. This is written in the third person POV kasi ganito ang requirements dati kapag nagsubmit sa Precious Pages. This was published by PHR seven years ago and with permission, I am posting the raw version. Meaning ang version na ito ay hindi pa dumaan sa editors. Thank you and by the way, prequel ito sa STUCK ON YOU. Dito ninyo makikilala si Brad. ;)
----------------------------
"THIS can't be true!" nagigimbal na sambit ni Nikkola habang matamang nanonood sa isang video. Bigay iyon ng kaibigan niya si Kassandra. Isa itong investigative journalist ng SQL TV network.
Nasa lounge sila ng agency kung saan isa siya sa mga top models.
"Sana nga, Nikkola. For your sake, sana nga palabas lang ang lahat. But I took the video myself. Kaya ako nandito ngayon," sagot nito. Ang video na tinutukoy nito ay siya ring pinapanood niya.
Ang lalaking nasa video ay walang iba kundi si Steve Russel. Ang boyfriend at manager niya. Isa rin ito sa may ari ng Maharlika Modelling Agency at isa siya sa mga modelo nito. They had a good relationship as manager and model for three years bago ito nagtapat sa kanya ng damdamin. Sinagot niya ito dahil nagugustuhan niya ang pag-aalala nito sa kanya at ang sweetness nito.
Their tandem is quite unique. Marami ang tumutol at nag-speculate. But their relationship thrived despite all the rumors.
Nitong mga nakaraang buwan ay madalang na lang silang magkita. Sobrang naging busy siya sa kabi-kabilang tapings ang photoshoots. Laging ang assistant nitong si Yves ang humaharap sa kanya ang nag-aasikaso. The last time they saw each other was three months ago. Noong birthday ni Steve. Niyaya siya nitong mag-night swimming sa isang kilalang resort.
One moment, Steve was simply kissing her. Nagulat na lamang siya nang bigla nitong ipinaloob ang isang kamay sa kanyang swimwear at hinipo ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Mabilis niya itong itinulak na tila ba diring-diri siya sa ginawa nito. Hindi niya maintindihan kung bakit nandidiri siya sa inasal nito. Kung tutuusin, normal lamang na na gawain iyon ng mag-nobyo. But she just can't let him touch her that way. At iyon ang hindi matanggap ni Steve. Nagalit ito sa kanya at napamura pa ito bago siya iniwan nang walang pasabi.
Pinilit niya itong inintindi. Alam niyang nasa kanya ang problema. Sa tuwing pinapalaliman nito ang halikan nila ay tila may kung anong pwersa ang humihila sa kanya palayo. She would suddenly turn stiff and cold. Bagay nga sa kanya ang terminong Ice Queen na malimit ginagamit ng media kapag pinag-uusapan siya.
"I'm sorry, Nikkola. Ngunit kailangan mong malaman kung anong uri ng lalaki ang nobyo mo," paumanhin ni Kassandra.
Hindi siya sumagot. Mabilis na pinahid niya ang luhang nalaglag sa kanyang pisngi dahil sa eksenang napanood.
Sa video ay kasama ni Steve ang isang napakaganda at napaka-sexy na babae. Sumasayaw ang mga ito sa dancefloor kasama ang ilan pang magkapareha. Sa unang bahagi ay nagkakatinginan lamang ang dalawa, tila nangungusap ang mga mata ng mga ito. Then their hands moved to the beat of the music. Magkadikit na ang katawan ng mga ito and their hands were exploring each other's bodies. Tila hindi hadlang ang damit na suot ng mga ito upang damhin ang isa't isa.
Ilang sandali pa at naghinang na ang mga labi ng mga ito. Lalo pang inilapit ng babae ang katawan nito sa katawan ni Steve at ang mga kamay naman ni Steve ay naging malikot. Pumaloob iyon sa damit ng babae ngunit sa halip na tumutol ang huli ay tila lalo pa nitong nagustuhan ang ginawa ng binata. The two seemed oblivious to their surrounding. Ang mabilis na tugtugin ang tila lalo pang nag-ugnay sa dalawa. Lalong lumalim ang halikan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Rain In My Summer (PHR)
Teen FictionFirst published by PHR. This is the PREQUEL of STUCK ON YOU 1 and 2. Kung nabasa ninyo iyon, tiyak familiar sa inyo ang characters nina Brad and Nikola. They were introduced sa book 2 I think pero magkakaibigan yan silang tatlo: Brad, Chase and Rake...