7. Foolish Heart

4.6K 84 6
                                    

"PAANO na lang kung hindi kita naabutan? Malulunod ka nang walang natutunan sa akin!" nag-aalalang sambit nito.

"O-okay lang..." aniya. Kaysa mamatay siya sa hiya. Pareho pa ring kamatayan ang ending niyon.

"You're crazy!" naiiling na sambit nito.

"W-why am I floating?" nagtatakang tanong niya.

"I'm holding you!" Marahas ang pagsagot nito. Ang isang kamay nito ay nakakapit sa swimming board. At noon lang niya napansin ang kakaibang ayos nila. Magkadikit ang mga katawan nila that one could think... And his bare chest is hard against the soft fabric of her shirt at dahil basa na ay dumikit iyon nang husto sa kanyang katawan. Agad nag-init ang kanyang pisngi. Napalunok siya sa naiisip at buong tapang na sinalubong ang mga mata nito.

"Why? Do you want me to leave?"

"N-no!" mabilis niyang sagot sabay yakap rito. Of course not. Mas gugustuhin pa niyang mabuhay at mayakap ito.

His rich laughter filled the air. Tila ba aliw na aliw ito sa kanya.

"What's so funny?" tanong niya. She pulled away but just enough so she could see his face. And he was so close. She could almost kiss him if she wanted to. And she could not run away. Hindi niya kakayaning iahon ang sarili sakaling muli siyang lumubog sa tubig. Gusto niyang niyayakap siya nito katulad ngayon.

"You're such a maze, Nikola. So unpredictable." Bahagyang namaos ang tinig nito at damang-dama niya ang init ng hininga nito sa kanyang pisngi. That was how dangerously close he was. At hindi niya kaya—hindi niya gustong lumayo o umiwas man lang. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Is it a flaw to be unpredictable?" pabulong niyang tanong. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang lakas ng loob na salubungin ang titig nito only to be trapped in his eyes yet she never wanted to break free or wish to.

"No. I'm just surprised," anito at dumampi ang labi nito sa sulok ng kanyang bibig. Hindi iyon tulad ng maalab na halik nito sa kanya noon ngunit kung makasighap siya ay tila ba mawawalan siya ng lakas anumang minuto.

"We'll start when you're ready," mamaya pa ay sambit nito. Napatitig lang siya sa mga mata nito. Not wanting to admit, not wanting to accept that suddenly, her heart wanted to take a different course.

Something she is afraid to explore dahil hindi pa siya humantong sa ganitong dilemma sa tanang buhay niya. Until she met Brad. Until he kissed her senseless.

Nahulog na nga kaya ang loob niya rito tulad ng hinala ni Alena?

Maybe. Could be.

Possibly.

--------

"ARE you free today?" nakangiting bungad ni Brad nang pagbuksan niya ito ng pinto kinabukasan. Agad nawala ang nararamdaman niyang pagod at antok nang makita niya ang guwapong mukha nito.

"S-sure. Bakit?"

Easy, heart. Easy.Kastigo niya sa nagwawalang puso. Kung makakalabas lang ang kanyang puso sa lungga nito ay batid niyang gigiling-giling ito sa tapat ng binata.

"Mag-iikot kami sa buong isla and distribute flyers for Save the Ocean campaign. Would you like to come?" alok nito. Agad naman siyang pumayag.

Para sa kanya, hindi mahalaga kung ano ang gagawin nila at kung saan siya nito dadalhin. Ang importante, kasama niya ito. Sapat na sa kanya na makita ang ngiti nito para pagandahin ang araw niya.

Nagtataka siya sa kanyang sarili. Naroroon sila sa likod ng isang pickup, sa ilalim ng init ng araw habang pinapanood ang naggagandahang view sa daan. Never in her imagination na mag-e-enjoy siya sa ganitong gawain dahil nga mainit at maalikabok. But with Brad holding her hand the whole time, lahat ng objections niya ay naglahong parang bula.

Rain In My Summer (PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon