"BRAD, talaga bang nagiging dambuhala ang mga alon kapag ganitong oras?" tanong ni Nikola isang hapon habang nakalutang siya malapit sa yate nito. Sa ilang araw na tinuturuan siya nito ay nagawa na rin niyang lumangoy at lumutang sa tubig on her own.
May tinitingnan ang binata underwater kaya nang umahon ito ang iyon agad ang bungad niya rito. Dinala siya nito ngayon sa mas malawak at mas malalim na karagatan. Pakiramdam niya tuloy ay mga survivor sila dahil wala siyang nakikitang kahit isang mangingisda sa paligid. Bagama't may mangilan-ngilang ibon ang nagliliparan sa langit tungo sa susunod na destinasyon ng mga ito.
"Uh-oh! Nikola, umakyat ka na sa yate. Ngayon na!"
"B-bakit?" nagtataka niyang tanong. Tila may nakita itong hindi maganda samantalang mga alon lang naman ang nandoon.
"Just do it. Saka ko na ipapaliwanag." Sagot nito at inaalalayan siya paakyat sa yate. Hustong nakapasok sila ay kumidlat at pagkuwan ay kumulog nang napakalakas. Awtomatikong napayakap siya rito.
She's not a big fan of lightning and thunder lalo na at nasa open sea sila.
"B-Brad. A-ano'ng nangyayari?" nanginginig niyang tanong. Medyo makulimlim ang langit nang tumingala siya.
"Masama ang panahon. Let's go down. Mas mapapanatag ka kung doon ka sa cabin ko," sagot nito. Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad siyang sumunod rito.
"D-diba, summer naman ngayon? Wala naman sigurong bagyo ano?" tanong niya habang binubuksan nito ang sinasabing cabin. Tumambad sa kanya ang fully furnished bedroom. Kung hindi niya alam na nasa loob siya ng yate ay iisipin niyang nasa isang silid ng hotel siya naroroon.
"We can hope na wala nga. Baka nakakalimutan mo, nakaharap tayo sa Pacific Ocean kaya madaling magbago ang panahon kahit pa summer dito sa bansa natin," sambit nito at marahang sinilip ang dagat sa bintanang de-salamin. Kumidlat at kumulog uli at lalo pang lumakas ang paggiwang ng yate.
"We need to get back to the island. Sisikapin kong i-maneuver ang yate sa kabila ng masamang panahon. Stay here," seryosong sabi nito.
"N-no!" agad niyang protesta at bago pa man ito makakilos ay nakayakap na siya rito nang mahigpit. "Ayokong maiwang mag-isa dito, Brad! Bahala ka kung saan mo gustong pumunta o kung ano ang dapat mong gawin. I am coming!" may halong panic niyang samo rito.
Agad lumambot ang mukha nito. "Hey." Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi. "Mas matatakot ka doon dahil maririnig mo ang kulog. Dito ka na lang. You may sleep in my bed if you want to," paliwanag nito sa malumanay na tinig na tila siya isang batang pinapaalalahanan nito.
"Ayoko! I need you right beside me. Huwag mo akong iwan. Please?" samo niya. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkapit dito. Sandaling tinitigan siya nito. Nasa pisngi pa rin niya ang isang kamay nito at patuloy na hinahaplos iyon. Naramdaman na lamang niya na hinapit siya nito sa baywang closer to his body. The next thing she knew, his lips was on hers, and kissed her.
Isang halik na tila nangangako ng kanyang kaligtasan. Halik na nagsasabi sa kanyang huwag siyang matakot dahil kasama niya ito at itataya nito ang buhay para sa kanya.
It was the second time he had kissed her. And it gets even sweeter and sweeter every time.
"Hush now, Nikki. Hindi naman ako mawawala," pangako nito sa kanya at kinintalan ng halik ang kanyang noo. Wala sa sariling inihilig na lamang niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Di bale nang bumagyo basta't kasama niya ito. Alam niyang hindi siya nito pababayaan saan man sila makarating.
Mamaya pa ay iginiya siya nito pabalik sa itaas kung saan naroroon ang controls ng yate. Pinaupo siya nito sa isang sulok habang may kausap ito sa radyo. May mga kinukikot itong ilang buttons doon at ginalaw rin nito ang steering wheel na karaniwan nang matatagpuan sa ganoong sasakyang pangdagat.
BINABASA MO ANG
Rain In My Summer (PHR)
Teen FictionFirst published by PHR. This is the PREQUEL of STUCK ON YOU 1 and 2. Kung nabasa ninyo iyon, tiyak familiar sa inyo ang characters nina Brad and Nikola. They were introduced sa book 2 I think pero magkakaibigan yan silang tatlo: Brad, Chase and Rake...